35

2.4K 30 10
                                    

DRAKE

Alam ko naman na isang araw ay iiwan niya ako at babalik na siya sa L.A. kaya naman lumayo na ako sa kanya. Para sa gano'n ay hindi ako mahirapang makita siya sa kanyang pag-alis pero alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang layuan kaya ako na ang gumawa ng paraan para siya ang lumayo sa akin.

Sinaktan ko siya, sinaktan ko ang babaeng minamahal ko.

Nagtagumpay ako't lumayo siya sa akin. Umalis na sila ng bansa. At, hindi na siya babalik sa akin. Nawala na siya ng tuluyan sa akin.

Ilang linggo na rin simula ng wala siya. Walang araw na hindi ko siya inisip, minsan ay hindi ko maiwasang mag-backread sa mga chats namin sa messenger.

Pero kahit ilang linggo, buwan, o taon pa ang lumipas ay handa akong hinatayin siya. Hihintayin ko ang araw na sasabihin niyang pinapatawad na niya ako at kapag dumating ang araw na 'yon, hindi ako mag-aatubiling ligawan siya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya basta-bastang isusuko lang.

"Kuya!" binalingan ko ang pinto ng aking kwarto. Nandoon si Drianna at busangot ang mukha.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Anong bakit? May pupuntahan tayo, remember?" sabi niya. Bumuntong hininga ako.

"Sige. Sunod na ako." sabi ko at tumayo na. Inayos ko ang necktie na suot ko at binulsa ang panyong kanina ko pa hawak.

Ilang minuto lang akong namalagi sa kwarto ko at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin bago ko naisipang bumaba.

Alas siyete na ng gabi at hindi ko alam kung ano ang event na pupuntahan namin ng pamilya ko. Basta sinabi nila sa akin na kailangan kong mag-suot ng tuxedo at may pupuntahan kaming isang formal party.

"Anong ganap?" tanong ko kay Mama na kanina pa nagtitipa sa cellphone niya.

"Basta." sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko naman birthday ngayon para surpresahin nila ako. Wala naman sa pamilya namin ang may birthday.

"You didn't check your Facebook, do you?" tanong ni Papa, inilingan ko na lang siya. Ilang araw akong hindi nagbukas ng mga social media accounts ko lalo na ang messenger, naaalala ko kasi si Kyrie.

Isa pa, aasarin ako ng mga kaibigan ko at kung anu-ano nanaman ang mababasa ko sa groupchat namin.

Pero anong meron sa Facebook? May pa-give away ba si Mark Zuckerberg?

"Bakit? Anong meron?" tanong ko ulit.

"You'll know later." he said. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Huminto ang sasakyan sa isang five-star hotel at bumaba na kami.

Papasok kami ng hotel ng mapansin ko si Hope kasama si Addieson na naglalakad papasok kaya agad ko silang tinawag.

"Nandito rin kayo?" tanong ko sakanila ng makalapit ako.

Kunot-noo silang tumingin sa akin, "Oo naman."

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko. Sigurado akong alam nila ang nangyayari ngayon.

"Hindi mo alam?" tanong ni Hope kaya umirap ako.

"Obvious ba? Magtatanong ba ako kung alam ko ang nangyayari ngayon?" saad ko.

"Well, malalaman mo mamaya." sabi ni Addieson at hinila na niya palayo si Hope.

Tumong-tong kami sa isang malawak na hall. May gold at black na motif at marami rin ang mga bisitang bumungad sa amin pagkapasok namin.

Namataan ko ang buong barkada kaya lumapit ako sa kanila. Gaya kanina, tinanong ko sila kung ano ang meron pero hindi nila ako sinagot ng seryoso.

Ano ba talaga ang nangyayari?

"Let us all welcome the birthday celebrant, Kyrie Saavedra." biglang nagpalakpakan ang nga tao. Tama ba ang rinig ko? Kyrie? Kyrie Saavedra? at...at birthday niya ngayon? Bakit hindi ko 'yon alam?

Doon na ako napatingin ako sa grand staircase. Suot niya ang isang kumikinang na bestida na kulay ginto. Nakataas rin ang kanyang buhok at nakangiti siya ng maluwag habang pababa ng hagdan.

Siya nga, hindi ako nananaginip. Hindi ako nag-iilusyon.

"Hindi ka makapaniwala 'no? Surprise." sabi ni Kelsey sa gilid ko at mahina siyang tumawa.

Oo nga, na-surpresa nga ako. Hindi ko ito inaasahan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya sa harapan. Pinapanood ko ang bawat galaw ng kanyang labi. Hinihintay ko rin na magtama ang mga mata namin pero hanggang sa matapos siya sa kanyang speech ay hindi iyon nangyari.

Iniisip ko kung paano ko siya lalapitan. Iniisip ko kung paano ko siya kakausapin. Maniniwala kaya siya sa akin kung sasabihin kong mahal ko siya? Pakikinggan niya kaya ako kung sakaling magpapaliwanag ako sa kanya ngayon?

Mapapatawad niya kaya ako? o tatanggapin muli?

Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig. Tumingin ako sa dance floor, may iilang pares ang nagsasayawan kabilang na ang mga barkada ko.

Ito na. It's now or never.

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto ni Kyrie at nilahad ang aking kamay.

"May I have this dance?" sabi ko sakanya. Tinignan niya lang ang mga kamay ko at hinihintay ko ang magiging sagot niya.

Sana pumayag siya.

Matamis niya akong nginitian at hinawakan ang kamay ko, "Yes, of course." sabi nito.

Dinala ko siya sa gitna ng dance floor at nagsimula na akong isayaw siya. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa batok ko samantalang nakahawak ako bewang niya

Tinignan ko siya sa mata, "I'm sorry, Kyrie." panimula ko.

"Sorry kung nasaktan kita, sorry kung tinulak kita palayo. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita." wika ko.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko at parang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Halos manlambot ako ng ngumiti siya sa akin.

"I know everything. Sinabi na sa akin lahat ni Kels, lagi niya akong binabalitaan." aniya at mahinang tumawa.

"Honestly, I was hurt but when Kels sent me those screenshots of messages parang gusto ko nang lumipad pabalik dito sa Pilipinas. Kaya sinabi ko sa mga magulang ko na madaliin ang pag-aayos ng kung ano mang inaayos nila sa L.A." aniya.

"Drake Lafuente. I love you, too. You are the first man who made me learn how to love. You are the one who always lighten up my mood and make me happy. You're my first love. At first, I was so in-denial of my feeling because I am scared that you don't feel the same way. I was scared of falling that no one will catch me. Masakit 'yon. But then, I am willing to take a risk. And now, I want to tell you that I love you so...so much."

Napahinto kami sa pagsayaw, kita ko rin ang isang butil ng luha sa kanyang mata. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang ire-react. Shet. Nakakabakla.

"Mahal na mahal din kita, Kyrie. Ikaw lang." saad ko.

Ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa aking pisngi.

[ END ]

~*~

Note: And we're done. Finally. Apakalame ng kwento 'no? I can't even find the substance in it. Well, nabuo lang naman 'to dahil sa quarantine. Hahaha. So yeah, see you in Varsities Series #2: Guard.

Captains (Varsities Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon