25

948 14 1
                                    

Varsities

8:08 AM

Milan Nathalie: What's the real score, @Drake @Kyrie

Milan Nathalie: Kayo na ba?

Storm: 'Wag mo naman madaliin, @Milan

Storm: Baka nililigawan pa ni Drake si Miss Captain.

Milan Nathalie: Tumal, ha.

Zinc Kieser: HAHAHAHAHA. Matumal ka raw @Drake. Wala na bang ibibilis ang panliligaw mo?

Drake: Atat masyado, ampota.



Drake Lafuente

6:09 PM

Drake: May nagkagusto na ba sa 'yo?

Wala.

Drake: Weh?

Hmm.

Drake: Eh, umaming may gusto sa 'yo? Meron ba?

Wala rin.

Drake: Baka naman walang naglakas loob na umamin. Hehe.

Tss.

Why?

What's with those questions?

Drake: Wala naman. Kung may aamin sa 'yo, anong gagawin mo?

Aamin na?

Drake: Aamin na may gusto sa 'yo.

Wala.

Ano ba dapat kong gawin?

Drake: Ewan. HAHAHA.

Matanong nga kita.

'Yon ba ang unang araw na nakita mo ako?

Drake: 'Yong sa huling laro niyo? Last month?

Yep.

Drake: Hindi.

Drake: Unang araw na nakita kita is noong pumunta ka sa birthday ni Kels.

Drake: Lalapitan sana kita kaso kakaiba 'yong aura mo. Sabi ko nga, para kang nanununggab. Haha.

Hmm.

Drake: Tapos tinanong ko kay Kels 'yong pangalan mo, binigay naman niya. I searched you on facebook, nagdadalawang isip na i-add ka.

And you didn't.

Drake: Hmm. Hindi na kita in-add no'n kasi nasa isip ko, "Baka hindi niya rin tatanggapin." Hindi rin kita ma-stalk kasi naka-private account mo, kaya ang ginawa ko, hiniram ko account ni Kels. Hehe.

Tss. Stalker ka naman pala.

Drake: Lagi rin akong nagpupunta sa mga laro niyo. Hanggang sa naglakas loob ako na kausapin ka noong nakaraang araw. Masaya naman ako kasi kahit napaka-cold mo no'n at ang ikli ng mga sagot mo eh nakausap pa rin kita.

Drake: Kaya in-add na rin kita at inaya no'ng birthday ng mama ko. Gusto ko kasi na mapalapit sa 'yo.

Why?

Drake: What why?

Bakit gusto mong mapalapit sa 'kin?

Drake: Tsaka na. HAHAHA. Masyado pang maaga kung sasabihin ko sa 'yo ngayon. Isa pa, baka mabigla ka tapos layuan mo pa ako.

I don't get you.

Drake: Tama nga si Kels. Hahaha.

Drake: Hindi ko alam kung manhid o slow ka.

Tss.

May pupuntahan ka ba bukas?

Drake: Wala.

Drake: Bakit?

Papasama sana akong bumili ng mga gagamitin namin sa booth.

Drake: Sige. Sunduin kita sa bahay niyo. Anong oras ba?

7AM sana.

And, ako na ang susundo sa 'yo.

Drake: Sure ka?

Oo.

Drake: Okay.

And pagkatapos natin bumili, you can come sa school.

Drake: Sige! G ako.

Hmm.



Varsities

8:59 PM

Storm: Para saan ulit 'tong group chat na 'to?

Storm: Ah, para kay Drake.

Milan Nathalie: Wala naman silbi 'tong GC eh, hindi active.

Hope: Antayin mo lang @Milan, magkakaroon din ng silbi 'to.

Kelsey Allison: Eyooo.

Ingay mo @Kelsey. Naririnig kita dito sa bahay. Bwisit.

Kelsey Allison: Is that what they call "pagka-miss"

Tsk.

Hope: Matulog na kaya kayo?! Maaga pa tayo bukas mamimili diba?

Milan Nathalie: Oo nga.

Seen by Travis, Kelsey Allison and Drake

~*~

Captains (Varsities Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon