Pagkarating sa kanilang bahay dumiretso si Lexi sa kusina upang ihanda ang mga gagamitin niya sa paggawa ng cookies.
Si kendra naman ay dumiretso sa kwarto nito upang makapagbihis ng pangbahay total ay alam naman nito kung paano bihisan ang kanyang sarili dahil yun ang itinuro niya rito na habang bata pa ay matututo man lang kahit kunting pag-alaga sa sarili. Kahit nga sa pagpapaligo ay ito mismo ang nagpapaligo sa sarili, kaya maswerte siya sa anak dahil hindi ito nakadepende sakanya kahit sa maliit na paraan tulad ng pagpapaligo at pagbihis tuwing umaga't bago matulog.
Habang nagmimix siya sa mga ingredients may kumatok sa kanilang pinto."Sweetie, can you open the door please, baka sila Tito Dax at ashtine na yan"
"Ok po mom" anito na kababa palang tsaka tinungo ang pinto at binuksan ito na may malawak na ngiti sa bisita.
" Hi po Tito Dax. Hi Ashtine!" anito at nilakihan ang pagkabukas ng pinto at hinila ang kamay ni Dax na nakahawak rin sa kamay ng kanyang pamangkin tsaka sila umupo sa sofa.
" You want juice po Tito o water?" tanong nito.
"Just water little girl " sabay ngiti nito.
"Ok po. How about you ash?"
"Water too kendra "
"Ok on it" cute na turan nito.
Pagpasok nito sa kusina naabutan nito ang ina na inilagay ang ginawa nitong cookies sa oven.
"That's your tito Dax and ashtine?" tanong niya pagkatapos ilagay ang ginawang cookies.
" Yes mom. Kukuha lang po ako ng water nila po"
"It's ok sweetie, ako ng magbibigay sa kanila ng water. Punta kana dun at maglaro na kayo ni ashtine. Hmmm...?" aniya na hinimas ang ulo at mukha ng anak.
"Ok po mommy " ngumiti lang siya dito at kunuha ng baso at tubing sa ref.
Pagpunta niya sa sala naabutan niya ang dalawa na naglalaro habang si Dax ay nakangiting tumingin sa dalawa.
"Here, your water"
"Oh. Hey, thanks...." abot nito sa baso na may lamang tubig at bahagya nitong tinaas ang baso animong nakipagcheers sakanya na may kasamang matamis na ngiti at sinuklian niya rin ito katulad ng ngiting ibinigay nito.
"Baby ash. Come, drink some water first. I know your thirsty too" ani ni Dax sa bata at tumayo naman ito upang abutin ang baso.
"Thanks tito" aniya pagkatapos nitong uminom ng tubig at bumalik na sa paglalaro.
"Pinagpaalam mo si Ashtine kila Bricks?" tanong niya ng makaupo siya sa kabilang single sofa.
"Hindi. Humiram lang ng phone at siya na daw ang magpapaalam sa mga magulang " aniya habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro tsaka siya sinulyapan.
"Hmmm....kailan daw ang uwi nung dalawa?"
"Sa susunod na araw siguro. Alam mo naman yung dalawa kung makapagsolo akala mo walang anak na naghihintay" bahagyang tumawa pa ito na may kasamang pag iling.
BINABASA MO ANG
Worth the Wait
RomanceA girl with a lot of dreams for her family A girl with hope A girl whose have the innocent looks but A girl with broken soul..... Is she worth it for a man whose only dream to be a man for her if he knows her traumatizing past? Or Is his love be w...