Dalawang araw ang nakalipas ay nagpasyahan nilang mag ina na dadalaw sa kanyang magulang. Sakto lang naman dahil Linggo ngayon at walang pasok si Kendra at maging siya ay wala dahil inilaan talaga niya ang araw ng linggo para sa kanilang dalawa.
Mahigit isang oras na byahe bago nila narating ang bahay ng kanyang magulang. Sinalubong agad sila nang anak ng mayordoma nila Papa Do sa probinsya at rito sa maynila naman ay ang anak nitong si Nina na higit 30 taon na ring naninilbihan sa kanilang pamilya.
"Te Nin magandang umaga, sila mama po?" Sabay bigay niya ng pasalubong dito para sa panaghalian nila mamaya.
"Magandang ugama rin sayo iha at sa magandang kambal mo" sinabayan pa nito ng halakhak pagkatapos haplusin ang pisngi ng kanyang anak.
"Talaga po nanay kambal po kami ni Mimi?" Pacute nitong turan na may kasama pang sway sway sa kanyang maliit na katawan kaya sabay silang tumawa ni Ate Nina niya.
"Abay oo naman Kendra, kambal kayo ni Mimi mo dahil halos lahat namana mo sa kanya lalo na ang maganda mong mukha". Magiliw na turan nito.
Sabagay totoo naman talaga ang sinasabi nito na halos lahat ng features ng mukha niya ay namana nito maging ang pagkabibo niya noong bata pa siya.
"S'ya halina kayo't kanina pa naghihintay ang Mama't Papa mo Lexi".
Sabay silang naglakad sa paboritong tambayan ng pamilya nila. Nang makarating doon ay agad tumakbo ang kanyang anak kaya natatawa silang panoorin ito maging ang kanyang magulang.
" Mama La, Papa Lo. I miss you po"
" We miss you more sweetheart" sabay halik ng mag asawa sa ulo ng kanilang apo.Pagkatapos batiin ang magulang ay bumeso at nagmano muna sya tsaka nila tinungo ang hapag kainan habang akay akay ng mag asawa ang kanyang anak at sila ni ate nina niya ay nasa likod ng mga ito.
As always nauuna na namang tumakbo ang anak niya ng malanghap ang paborito nitong pagkain. Ganun talaga ito ka bibo kaya sanay na sila.
"Here i thought you didn't know that we came" turan niya sa magulang sabay lahad ng kamay sa lamesa na puno ng pagkain at d basta bastang pagkain kase lahat ng yun ay paborito niya at nang kanyang anak.
"Well, mother's instincts i guess.?" Painosenteng turan ng kanyang ina sabay kapit sa balikat ng papa niya.
"Sus." Turan nalang niya kaysa patulan pa ito eh alam namn niyang magka kampihan na namn ang magulang at di sya ma nanalo.
Nang dumating ang dalawa niyang kapatid ay wala namang kawala ang kanyang anak sa pang gigigil kaya kumaing ito nang may luha. Naka tikim namn ng palo ang dalawa kaya binilatan niya ito.
Natapos ang kanilang umagahan ng puno ng kwentuhan at tawanan sa hapag kainan at tinuloy nila ito sa likod bahay kun saan nandon ang malawak na play ground na pinasadya talagang pinatayo ng kanyang Papa para raw eh may pag laruan ang kanyang anak sa tuwing bumibisita sila. Ang kanyang dalawang kapatid namn eh sobrang saya nung malaman ng mga ito na may play ground na pinagawa ang kanilang magulang kesyo boring raw pag nasa bahay lang buong araw kaya imbis na advance study eh sa play ground naglalaro ang mga ito akala mo namn bata pa eh puros mga high school na mga ito.
BINABASA MO ANG
Worth the Wait
RomanceA girl with a lot of dreams for her family A girl with hope A girl whose have the innocent looks but A girl with broken soul..... Is she worth it for a man whose only dream to be a man for her if he knows her traumatizing past? Or Is his love be w...