The next day maaga akong umalis ng bahay para makausap ko si Xuxi. Tinulungan ako nila Kun at Jungwoo kung anong sasabihin ko pero parang nakalimutan ko lahat ng sinabi nila dahil sa kaba ko ngayon. Limang bahay lang ang layo ng bahay namin sa isa't isa, kaya naman tanaw na tanaw ko si Xuxi kasama ang dalawa niyang kaibigan.
Sabi rin kasi nila Kun na tutulungan daw nila ako para maka usap ko si Xuxi. Nang maka lapit ako sa kanila ay si Jungwoo ang unang naka pansin sa akin.
"Trixie! Good morning!" Masayang bati nito sa akin
"Good morning."
"Ay tol naalala ko may bibilhin pa pala kami ni Kun para dun sa science hindi kasi namin nabili kahapon eh. Ikaw na muna maghatid kay Trixie pwede? Nagpromise kasi kami sa kanya kahapon na sabay kami ngayon papasok kaso nakalimutan kong bilhin yung materials para sa science." Pag sisinungaling ni Jungwoo
Nabili na talaga nila kahapon dahil nagmakaawa sila sa akin dahil kung sila lang daw ang bibili baka kung anu-ano ang bilhin nila.
Hindi na naka angal si Xuxi dahil dali-daling tumakbo yung dalawa.
Spell awkward. X-U-X-I & T-R-I-X-I-E
Tahimik kaming naglalakad ni Xuxi, walang nagsasalita sa amin, ano ba 'to bakit ba kasi ngayon pa ako kinabahan! Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko.
"Xuxi." Pagtawag ko sa pangalan niya agad naman siyang lumingon at parang nag-aalala
"Bakit? Okay ka lang? Inaway ka nanaman ba ni Yuta? Sabihin mo lang, uupakan ko na talaga siya!"
Hindi ako makapag salita ng sabihin niya yun, kahit pala magkaaway kami nag-aalala pa rin siya sa akin.
"Ah hindi." Maikling sagot ah
"Ah. Tara na baka malate ka, ayaw mo pa man din nang nalalate."
Nagsimula na ulit siyang maglakad at dahil matangkad siya ay malalaki ang hakbang niya, kaya naman tumakbo ako at yinakap siya sa likod.
"Sorry na. Kasalanan ko naman talaga eh, nainis lang ako kasi nakita kong naglalandian kayo ni Momo sa playground nung tuesday kaya ayun nasungitan kita kinabukasan. Ayos lang naman sa akin na ako ang gumagawa ng assignments mo tsaka hindi ka pabigat sa akin, well minsan oo lalo na kapag ako ang ihaharap mo sa parents mo kapag napapatrouble ka. Please Xuxi sorry na, promise babawasan ko na pagiging masungit ko. Please bati na tayo namimiss ko na yung mango juice."
"Mango juice lang?"
"Namiss ko rin yung may naghahatid-sundo sa akin."
"Yun lang?"
"Namiss kita..."
Tinanggal ni Xuxi ang pagkakayakap ko sa kanya at tsaka tumingin sa akin.
"So nagselos ka kay Momo?" Tanong nito na may kasamang mapang-asar na ngiti
"Hindi nga sabi eh!! Bakit ba ang kulit niyo? Pati sila Kun iniisip na nagseselos ako." Inis kong sabi
"Alam nila Kun? Gago yung mga yun! Hindi man lang sinabi sa akin."
"I told them not to tell you. Tsaka kahapon lang namin napag-usapan yun kaya tinulungan nila ako to talk to you today."
"Hindi tumutulong yung mga yun ng walang kapalit. Anong pinagawa nila sayo? Gagawin mo rin ba mga assignments nila?"
"Ofcourse not. Tinulungan ko lang sila na bilhin yung materials para sa science."
"Oh sh--- ngayon pala yun! Hala wala akong materials at partner." Natatarantang sabi nito
YOU ARE READING
That Should Be Me
RomanceHuang Trixie and Wong Xuxi are childhood lovers and best friend, promised to marry each other in the future but an accident made that promise to be forgotten.