The three of us spied on Xuxi and Yuqi and tama nga sila, ang sweet nga nila na lalo kong ikinainis. Sila ba? Pero kung sila bakit walang nababanggit si Xuxi sa akin or kela Jungwoo? Is he really hiding something from us? Nagsisinungaling ba siya sa akin?
Sa gate na kami ng school nagmeet nila Jungwoo at Kun tsaka kami dumiretso sa favorite kong samgyupsal.
"Wag kang madown Trix hindi pa naman natin alam yung totoo kung bakit sila magkasama eh." Pag chicheer-up ni Jungwoo
"Oo nga. Pero kung may ginagawa man talaga siya, hindi kami magdadalawang isip na kampihan ka." Dagdag pa ni Kun
"Syempre ako kakampihan niyo kasi alam niyong wala kayong libre na makukuha kay Xuxi." Natatawang sabi ko
"Ah medyo." Sabay nilang sagot
Si Jungwoo at Kun na ang nag offer na magluto nang pork belly, hihindi pa sana ako dahil baka masunog pero sila na ang nag insist kaya hinayaan ko na.
Nang maluto na yung pork belly ay agad na kaming kumain, kulang pa nga yung dalawang order kaya nag-order ulit kami. Sobrang saya ko ngayon lalo na ngayon lang kami lumabas na kaming tatlo lang at hindi kasama si Xuxi.
"Saan tayo after?" Tanong ko sa kanila
"Saan mo ba gustong pumunta? Itutuloy pa ba natin ang pagsunod dun sa dalawa?" Tanong ni Kun
"Mag arcade na lang tayo." Suggest ko. "Wala ako sa mood ituloy after nang nakita ko."
Hindi na umangal yung dalawa at nag arcade nga kami, ang dami naming nilaro at sobra akong nag enjoy.
YOU ARE READING
That Should Be Me
RomanceHuang Trixie and Wong Xuxi are childhood lovers and best friend, promised to marry each other in the future but an accident made that promise to be forgotten.