Ash pov
Nagising ako sa inggay ng alarm clock kaya kinapa ko ito kung saan nakalagay at pinatay ito ang sakit ng ulo ko hindi naman kasi ako sanay uminom Kay eto hang over pagkakuha KO ng alarm clock tiningnan KO ang oras hala alas nuebe na pala ng umaga napasarap ata ang tulog ko tatayo na Sana ako ng nakita kong may katabi pala ako sa kama nakatalukbong kasi ito ng kumot dahan dahan kong binaba ang kumot para makita kung sino ito
"Good morning!" Nakangiting bati sakin ni veron
"Ikaw pala ang katabi ko akala ko kung sino good morning din.." Bati ko din sakanya
"Mauna na akong bumaba para makapag handa na ng almusal ..." Sabi KO sakanya tatayo na Sana ako ng kinuha niya ang kamay KO
"Bakit? " tanong ko sakanya
"I'm sorry! " paghingi nito ng kapatawaran pero bakit wala naman siyang ginagawa ng kasalanan
"Huh bakit humihingi ka ng sorry?" Tanong KO sakanya
Umiling iling ito habang nakayuko pinaupo niya ako sa Kama at inangat ang kanyang mukha na bakas sa kanyang mukha ang iba't ibang emosyon
"Hindi ko sinasadya ang mga nangyare kaya Sana mapatawad mo ako ayokong saktan ka I'm sorry! " malungkot nitong sabi naguguluhan na ako sakanya
"Teka ano ba ang pinapahiwatig mo? " naguguluhan kong tanong sakanya
"May ginawa ka bang kasalanan sakin kaya ka ganyan sabihin mo.. " mahinahong sabi ko sakanya
"Ah wa-la...-nauutal niyang sagot hinawakan KO ang dalawa niyang kamay bago nagsalita
" Kung anuman ang iyong nagawang kasalanan sakin pinapatawad na kita alam ko naman na may reason ka kaya umalis ka ng bansa.. "nakangiti kong sabi sakanya baka yon ang hinhingi niya ng sorry sakin ang pag iwan sakin
" Huh! "Takang sabi nito napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi niya tingnan mo ang gulo talaga ng babaeng ito
" Hay naku!Kung nag so sorry ka dahil sa nagawa mong pagiwan non sakin pinapatawad na kita... "Sabi ko sakanya
" Ah sala-mat.."utal nanaman niyang sagot ano bang problema niya parang may gumugulo sa kanyang isipan
"Ewan ko sayo mauna na ako sa banyo para maghilamos ..." Paalam KO sakanya tumango lang ito sakin kaya tumayo na ako at nagpunta sa banyo
Pagpasok ko sa loob ng banyo sinimulan ko ng maghilamos ng mukha at magsipilyo ang sakit talaga ng ulo ko kaya ayokong nagiinom nakakahiya lang kasi kung tatanggihan ko ang mga kaibigan ni troy pagkatapos kong magayo lumabas na ako sa banyo at naabutan ko si ash na tulala sa gilid ng Kama
"Tapos na ako veron..." Sigaw ko sakanya kaya nagulat ito hahha
"Bakit ka ng gugulat diyan.." Reklamo nito
"Eh paano ba naman kasi tulala ka diyan..." Sabi ko sakanya
"Ah iniisip ko lang kung masarap ba sa pakiramdam ang may asawa na... " sagot nito sakin
"Oh bakit mo na itanong?May balak ka na bang magasawa?" Tanong ko sakanya habang inaayos ang higaan
"Wala pa! " tipid nitong sagot at nagpunta na sa banyo napailing nalang ako ano kaya ang iniisip ng babaeng yon
Inayos ko na ang Kama para paglabas niya sa banyo magluluto na ako ng makakain namin baka maghanap ng pagkaen si trevon oras na magising ito,ilang sandali pa lumabas na si veron sa banyo kaya inaya ko na siya bumaba sa sala
"Tara na para makapagluto na ako.. " aya ko sakanya
Tumango lang siya kaya sabay kameng bumaba sa sala pagkababa namin ay nagtungo na kame sa kusina bago kame makapasok sa loob ng kusina may naamoy kameng tila ba nasusunog kaya mabilis kameng tumakbo papasok sa kusina
"Shit.... " rinig kong mura ni trevon
"Teka yan ba ang nangangamoy sunog??" Tanong ko sakanya nakalapit na kasi ako sakanya paano ba naman kasi nasunog ang hotdog na niluluto niya hahha
"Uu balak ko kasing ipagluto kayo kaso mukhang nasunog lahat.. " reklamo nito habang turo lahat ng niluto niya
"Hay naku hindi mo na dapat ginawa yan kame ng bahala dito ni veron diba veron? " sabi ko sakanya
"Uu... " nakayukong sagot ni veron napatingin ako Kay trevon na umiiwas ng tingin Kay verone
"Hmmm may problema ba??" Tanong ko kay trevon
"Wa-la !" Utal nitong sagot
"Ano ba kasing nakaen mo at nagluto ka Tingnan mo puro sunog hahaha... " mapangasar na sabi ko
"Tsk,gusto ko lang naman gawin ito masama ba yon.." inis nitong sagot
"Uu nah sige na umupo kana lang diyan kame ng bahala dito... " sabi ko sakanya habang tulak tulak siya papunta sa upuan
"Ok it's cooking time... " nakangiting sabi ko
Niligpit namin ni veron ang mga kalat ni trevon habang tinatapon ko ang mga niluto niya diko mapigilan ang mapangiti sa loob ng Isang taon naming magkasama ngayon ko lang siyang nakitang nagluto kahit sunog pa ito alam kong binigyan niya ito ng effort
"Ako na ang maghihiwa..." Sabi ni veron kaya tumango lang ako
Sinimulan ko na ang pagluto medjo nagugutom na din ako kaya kailangan ko ng bilisan habang abala ako sa pagluluto napatingin ako Kay trevon na nakakatitig Kay veron na abala sa paghihiwa na bigla itong sumigaw kaya napatigil ako sa pagluto
"Ouch! " sigaw nito
"Bakit kasi hindi ka nagiingat.."reklamo ni trevon habang habang ang daliri ni veron na dumudugo kumuha ito ng tissue at pinunasan ang daliri ni veron
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hindi pa din nawawala ang pagdurugo kukunin ko na Sana ang medic kit ko ng biglang sinipsip ni trevon ang daliri ni veron kaya nanlaki ang Mata ni veron sa ginawa nito,halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko halos naninikip ang dibdib ko dahil sa eksenang nakikita ko dahil minsan na din akong nasugatan g ganyan pero hindi niya ito nagawa sakin feeling KO sa oras na ito babagsak na ang mga luha KO kaya tumalikod na ako sakanila
" kukuha lang ako ng gamit para magamot yan... "Sabi KO sakanila habang nakatalikod
Wala akong narinig na anumang sagot mula sakanila kaya humakbang na ako at umakyat na sa kwarto pagbukas ko ng kwarto sinarado ko ang pinto sumandal ako sa may pintuan at kasabay non tska bumuhos ang aking mga luha
BINABASA MO ANG
My best friend is my husband mistress(book 1)
Storie d'amoreang story na ito ay patungkol na kung saan ang matalik na magkaibigan ay ang kalaguyo ng kanyang mahal ipapaglaban pa kaya nya ang pagmamahal nya ohh bibitaw nalang at hahayaan kung saan sasaya ang kanya mahal dahil una palang wala na syang puwang s...