Sabi niya magkikita kami sa tamang panahon. So now is the right time. He is 26 and I'm 25 years old.
I check my phone pero wala pa ring ni isang text galing sa kaniya.
Napakunot ang noo ko habang hinihintay na tumawag siya pero nabigo ako.
Nakalimutan na ba niya? Or sobrang busy lang?
Napagdesisyunan ko nalang na tawagan siya pero nag riring lang at walang sumasagot. Tinawagan ko ulit at finally sinagot din.
(Oh hello sino 'to?) Nanginig ang mga tuhod ko nang babae ang sumagot.
"Uh h-hello s-si si Riley po nasaan?" Nauutal na tanong ko
(Ahh naiwan phone niya ma'am don't worry nasa mismong simbahan na po siya, sge ma'am ibababa ko na po sobrang busy pa kasi salamat)
Ah sobrang busy siguro niya hays. I just sighed at naisipang lumabas muna at mag pahangin.
Dinala ako ng mga paa ko sa park. Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro at napansin ko rin ang mga iilang babaeng naka gown.
Pumunta ako sa tapat ng simbahan. Napa 'woah' nalang ako nang makita ko ang mga decorations sa loob ng simbahan. Naks ang ganda. Natuwa naman ako nang magsisimula na.
Unang naglakad ay ang grandparents siguro ng bride at tsaka umupo sa first row, sa right side and then groom side naman sa left.
Nahagilap ng mga mata ko ang pamilyar na lalake. Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang mapagtanto kong siya ang matagal ko ng gustong makita.
Riley.
YOU ARE READING
My RP Boyfriend
Historia CortaA girl na may nakikilala sa RP world naging sila and ung boy nanggaling sa hood