Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng init. Sumisikat na pala ang araw. Alas-sais na ng umaga. Sa tapat ng bintana ng kwarto kong ito ay doon sumisikat ang araw, kaya naman tumatama ito sa aking balat.
Agad akong pumunta sa CR para mag-hilamos at mag-sipilyo. Nagluto na rin ako ng aming umagahan. Nauna na akong kumain sapagkat ang gising pa ng mga kasama ko rito sa bahay ay alas-nuebe pa. Naglinis na rin ako sa labas ng bahay. Diniligan ko na rin ang mga halaman ni mama. Pinakain ko na rin ng dog food si Luna.
Naglalaro ako ngayon ng isa sa sa mga sikat na online games; ang Mobile Legends. Nanalo ako rito at MVP pa kaya agad ko itong ini-screenshot para ilagay sa story ko sa messenger. Nilagyan ko rin ito ng caption na "minsan lang 'to". Pagkatapos non ay chinarge ko na ang aking cellphone. Bumalik ulit ako sa kwarto ko at humiga upang mag-imagine ng mga bagay-bagay na napaka-imposible namang mangyari.
"Yanyan gising na! Magmeryenda ka na." si mama habang ginigising ako. 3:30 PM na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaka-imagine ng mga bagay-bagay. Siguro dahil na rin sa pagod kaka-linis hehe. Pagkatapos kong magmeryenda ay pumunta na ako sa aming terrace para mag-cellphone dahil wala naman akong gagawin na. Sa tanghali, si kuya ang naka-assign sa mga gawain at sa gabi naman si ate.
Tatlo lang kaming magkakapatid at ako ang bunso. Hindi naman kami gaanong mayaman pero naibibigay nina mama at papa ang mga gusto at pangangailangan namin. Si ate ay 4th year college na sa pasukan samantalang si kuya ay 1st year college. Ako naman ay grade 11 na sa pasukan.
April 25 ngayon. Bukas ay pupunta kami sa tita ko sa Cavite dahil may outing daw sa birthday niya. Sa katapusan pa naman ang birthday ni tita ngunit pinapapunta na kami do'n. Magstay na lang daw kami do'n kaysa bumiyahe pa kami isang araw bago raw ang outing. Hays. Kung sabagay, mas maganda na rin 'yon. Kami lang ni ate ang pupunta do'n. Si kuya ay magpapaiwan na lang daw dahil ayaw niya sa mga ganiyan. Hindi kasi marunong lumangoy hehe. Si mama naman ay may inaasikaso kaya hindi siya makakasama. Si papa ay wala naman dito sa Pilipinas kaya kami lang ni ate ang makakasama.
Habang nagcecellphone ako ay may nagreply sa aking inilagay na story kanina sa messenger ko.
"Nice lods. Pabuhat." 'yan ang reply niya.
"Hala! Wala lang po 'yan kuya. Tsamba lang naman po". reply ko sa kaniya.
Tiningnan ko rin kung sinu-sino ang mga nagview. Isang tao lang lagi ang gusto kong makita na nagviview sa mga story ko sa messenger. Hinanap ko siya ngunit wala roon ang pangalan niya. Hays. Kahit kailan talaga ang pangit niya ka-bonding. Charot. Pagka-back ko ng myday ko ay nakita kong nagreply si kuya na lods ang tawag sa'kin.
"Hindi naman. Lakas mo nga eh. Tiningnan ko nga history mo sa ML. hehe." Shocks! Hindi ko pala natakpan IGN ko. Nakakainis. Hays.
"Tsamba at swerte lang po 'yon kuya hehe" reply ko sa kaniya.
"Haha sabi mo eh. Laro naman tayo minsan."
Grabe! Inaaya ba talaga ako nito? Ni hindi ko nga close 'to eh. Kung hindi lang ito kaibigan ng mga naging classmate ko dati, hindi ko 'to i-e-entertain. Saka isa pa, isang tao lang naman ang gusto kong makasama maglaro. Hays. Pero sige na nga pagbigyan na lang. Minsan lang naman daw eh.
"Sige po hehe. Ano po ign mo?"
"Finollow na kita lods! Yung avatar ko do'n is itong profile picture ko hehe." At talagang pinanindigan niya ang pagtawag sa'kin ng lods ah? Wew. Hindi ko na siya nireplyan dahil kakain na kami ng gabihan.
"Nag-ayos na ba kayo ng gamit niyo, Ali?" tanong ni mama kay ate Alissa. Um-oo naman si ate kaya't sa'kin naman lumipat ang tingin ni mama.
"Hindi pa po, Ma. Akala ko kasi sa 29 pa kami pupunta. Pero pagkatapos ko po rito,mag-aayos na ako ng gamit."
BINABASA MO ANG
GAME OVER
Teen FictionHi! This is just my first time writing this. I'm not an expert so don't put too much expectations on this story! Hehe : )