Nang makarating kami dito sa Cavite ay patuloy pa rin nila akong inaasar, lalo na 'tong si Amber.
"Oy Yanyan! Balita ko kasama daw ulit sina Lance ah? Hahahaha. Yiiiieeee! Siya pa rin ba ang itinitibok ng iyong puso?" At talagang sinusundot-sundot pa niya ang tagiliran ko."Manahimik ka nga. Crush lang 'yon 'no. Saka malay mo may jowa na pala talaga siya ngayon. Edi stop na."
"Nako! Di ako papayag diyan,Yanyan! Gusto namin ni ate Ali na siya lang ang makakatuluyan mo at wala nang iba! 'Di ba, ate Ali? Sabi mo sa'kin no'n na papayag ka lang mag-jowa si Yanyan kung si Lance ang magiging jowa niya!"
Wtf?! Seryoso ba 'tong dalawang 'to? Ang lalakas ng trip ha. Edi sila na lang jumowa do'n tsk. Hindi ko naman na talaga crush na crush 'yon. Crush ko siya pero kaunti na lang talaga. Minsan ay ginagawa ko na lang siyang reason para walang manligaw sa'kin. Kahit pagbawalan pa ako nila ate, wala akong pakialam dahil wala pa naman talaga akong balak.
Pumasok na kami sa bahay ni tita. Maaga raw umalis si tita sabi ng anak nitong si Irish. Dumiretso na kami sa second floor para pumunta sa guest room na aming tutuluyan. Inayos na namin ang mga gamit namin. Mayroong dalawang kama rito. Tabi na lang siguro kami ni Amber dito sa isang kama.
Matapos kong mag-ayos ay humiga na ako. Naglaro muna ako ng Mobile Legends para maaliw. Sina Amber at Ate Ali ay bumaba na muna kaya ako lang ang mag-isa rito sa guest room.
Nang matapos ako maglaro ay nagscroll lang ako sa Facebook at nagbasa ng mga nag-chat sa'kin sa Messenger. Isa na do'n si PJ. Yung lalaking ang tawag sakin ay "lods".PJ Maldini : hi lods : )
Me : Hello
PJ Maldini : So kailan tayo makakapaglaro? Hehe : )
Me : Idk. Ikaw bahala.
PJ Maldini : Pwede bang ngayon? : )
Me : Sure. Open na ako.
PJ Maldini : Sige lods! Yoowwnnn! Makakalaro na rin kita : )
Tsk siraulo pala 'to e. Hindi naman ako magaling maglaro hays. Naglalaro lang naman ako kapag wala akong magawa. Pampalipas oras lang gano'n. Hindi ko nga alam ba't may nakikipaglaro pa sa'kin.
Nang matapos kaming maglaro ay namangha ako sa galing niya! Grabe! Para siyang si Lance kung maglaro. Aish! Bakit ko ba naisisingit lagi 'yong lalaking 'yon? Grabe talaga ang naging epekto ng lalaking 'yon sa'kin! Tsk.
Papatayin ko na sana ang wifi nang may nag-notif sa'kin.
PJ Maldini mentioned you in a story.
Tiningnan ko kung anong nilagay niya sa story niya sa messenger. Nagulat ako nang makita ang screenshot ng laro namin. May nakalagay pa na "Nice g lods! Salamat sa buhat."
Wew. Nag-react ako ng "Haha" dito at nagreply ng "Salamat sa buhat e ikaw nga nagbuhat."In-off ko na ang wifi para bumaba na. Alas-onse na pala. Napatagal din ang laro namin. Pagkababa ko ay naro'n na si tita. Sina ate Ali at Amber ay nagpipicture-picture raw sa labas. Tsk. Ang dalawang 'yon talaga. Ang hilig mag-picture. Isang beses nga ay nakita ko silang sumasayaw pero wala naman akong naririnig na tugtog. Nang makalapit ako sa kanila ay nakita kong nagvivideo sila at nando'n mismo sa app na 'yon yung tugtog. Tiktok daw yon sabi ni Ate. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Parang sila pa ang mas magkapatid.
Habang kumakain ng gabihan ay nagkukwentuhan kami nina tita. As usual, ako na naman ang napagtripan.
"Tita Leigh, marami po ba ang kasama sa outing natin?" tanong ni Amber kay tita habang nagsasalin ng juice.
BINABASA MO ANG
GAME OVER
Teen FictionHi! This is just my first time writing this. I'm not an expert so don't put too much expectations on this story! Hehe : )