Bukas ay kaarawan na ni Marie. Si Amber ay nag-iisip pa rin ng style ng dress na susuotin niya. Hirap na hirap talaga itong mamili ng susuotin. Ilang oras pa minsan bago siya makapili ng isusuot niya. Gusto niya raw kasi ay magmukha siyang mabait bukas sa debut. Loko 'tong babaeng 'to. Panigurado kapag nagkaroon na 'to ng kaibigan o kakilala ro'n ay mag-iingay na naman ito. Magpapahatid kami bukas kay ate sapagkat malayo-layo ito.
Kinabukasan ay nagpasama si tita papunta sa bayan upang mamili ng mga pagkain. Kaming tatlo lang ni tita at Amber ang magkakasama. Si Amber ay buntot ko lagi dahil kahit saan ako magpunta ay sumasama siya. Nagcommute lang kami ngayon at talagang siksikan sa jeep. Nagrereklamo na si Amber dito dahil pare-pareho lang naman daw kami ng ibinibayad pero bakit may mga taong malakas manakop ng pwesto. Maya-maya ay kinalabit ako ni Yanyan.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Tingnan mo may pogi ro'n sa dulo hihi." sambit ni Amber. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Itong mata talaga nito ang bilis e. Nang makarating kami sa bayan ay bumaba na rin kami. Hindi pa rin tinatantanan ng tingin ni Yanyan 'yung lalaki. Gusto raw niyang itanong ang pangalan ngunit hinila ko na siya palayo dahil naiiwan na kami ni tita.
Namili kami ng mga pagkain at mga kailangan sa bahay. Nagpadaan na lang kami kanila ate sapagkat dadaan din naman sila rito. Umalis kasi sila kanina ni mama kaya't nagcommute lang kami papunta.Ngayon ay alas kwatro na ng hapon at mamaya ay pupunta na kami sa kaarawan ni Marie. Nauna na akong naligo upang may oras pang matuyo ang aking mahabang buhok. Magpapahatid kami kay ate sapagkat malayo-layo 'yung venue ng debut ni Marie. Pareho kaming nakasuot ng dress ni Amber ngayon. Sleeveless ang dress na suot ni Amber at kulay itim ito. Tinernohan niya rin ito ng wedge sandals. Ang simple lang pero mukhang elegante dahil ang galing talagang magdala ni Amber ng mga damit na kaniyang isinusuot. Maganda ang hubog ng kaniyang kaniyang katawan kaya't bagay na bagay sa kaniya ang suot niya ngayon. Ang akin ay kulay maroon at sleeveless din ito. Simpleng dress lang naman ito at fit ito sa katawan ko. Nagsuot lang ako ng sandals na may maliit na takong.
"Ang ganda mo sana Yanyan pati ng suot mo kaso wala ka talagang dibdib! Gusto mo bang bigyan kita? HAHAHA." pang-aasar sa'kin ni Amber.
Tsk. Humirit pa talaga! Iwan ko na lang kaya itong babaeng ito?Alas singko na nang umalis kami sa bahay. Mga 5:30 ay nando'n na siguro kami. Gusto ko talagang maaga palagi sapagkat ayaw ko sa maraming tao. Hindi ako sanay na nakatingin silang lahat sa'kin kaya ngayon pa lang ay kinakabahan na ako kapag magbibigay na ng mensahe sa debutant.
Nang makarating kami ay wala pa masyadong tao ngunit pinapasok na kami. Ipinakita namin ang invitation card at dinala kami sa pwesto namin. Mabuti na lang at banda rito sa likod kami nakapwesto. Inilabas ko ang cellphone ko at nagpicture kami ni Amber. Gusto pa niyang magpapicture sa mga decorations dito sa venue."Dali na Yanyan! Sayang naman ang ganda ko kung wala akong memories dito! HAHAHA. Picturan mo na ako, Ms. Photographer!" pamimilit ni Amber.
Pinagbigyan ko na lang siya upang matigil na.Maya-maya ay dumadami na ang mga tao. Ang ibang mga tao ay pamilyar sa'kin.
"Lea, ikaw na ba yan?"
"Ang ganda mo naman teh"
"Hoy grabe laki ng pinagbago mo ah. Dati ang liit mo lang!"
"Picture tayo mamaya Lea ah?"
Nagsimula na ang event. May mga nag-intermission pa. Hindi ko alam pero manghang-mangha talaga ako sa mga magagaling sumayaw. Isa-isa nang tinawag ang mga kasali sa 18 roses. Maya-maya ay kinalabit ako ni Yanyan.
"Hindi ba't siya 'yung nasa jeep kanina?" bulong ni Amber sa'kin. Tiningnan ko ay lalaking kasayaw ni Marie at siya nga 'yung nakita ni Amber kanina.
Isa-isa na ring tinawag ang mga kasali sa 18 candles, blue bills at gifts. Pagkatapos ay kumain na kami. Ang daming kinain nitong katabi ko!"Grabe! Ang sasarap ng mga pagkain huhu. Puputok ata tiyan ko rito ah. Mawawala na abs ko!" sambit ni Amber habang nakahawak siya tiyan. Ayan ang takaw kasi.
Nang matapos ang event ay nagtipon kaming mga magkakaklase no'ng elementary. Binigay ko ang cellphone ko kay Amber para kuhanan din kami ng litrato kahit na may photographer para naman may kopya rin ako. Nakipagpicture rin ako sa ibang kaklase ko noon. Si Amber ay nakikipagclose rin sa kanila. Maya-maya ay may lumapit sa'kin na lalaki.
"Hi! Nice to see you in person!" nilahad nitong lalaki ang kamay niya sa harapan ko.
"PJ." pagpapakilala niya. Nilahad ko rin ang kamay ko para makapagshake-hands kami.
"Lea."
"I know, I know. Kanina pa kita tinitingnan haha. Nahihiya lang akong lumapit. Ngayon lang 'yung chance actually. So, can I take a picture with you?""Sure! No problem!"
Kinuha niya ang phone sa bulsa ng pants niya at inilagay sa front cam ang camera niya. Pagkatapos ay may pinakiusapan siyang lalaki na kuhanan kami ng picture na dalawa at whole body daw.
Matapos ang walang katapusang pakikipagpicture ay tinext ko na si ate para sunduin kami. Si Amber ay tuwang-tuwa sa mga nakilala."Grabe ang saya naman ng araw na 'to kahit nakakapagod hahaha. Alam mo ba ang dami kong nalaman tungkol sa'yo no'ng elem ka pa. Napakaingay mo raw. Sabi ko nga na ngayon e hindi ka sobrang madaldal! Kasalanan talaga'to ng mga-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinamaan ko na siya ng tingin. Nandito na rin kasi si ate. Pagkarating namin sa bahay ay ibinagsak na ni Amber ang kaniyang sarili sa kama. Pagod na pagod daw siya at inaantok na. Ako ay nagpalit na muna ng damit at nagcellphone muna. Nagcheck ako ng messenger at ang dami nilang chat sa gc. Naglagay din ako sa story ko sa messenger ng mga pictures namin kanina. Mag-o-off na sana ako ng phone nang biglang may nagpop-up sa messenger ko.PJ Maldini mentioned you in a story.
Tiningnan ko ito at nakita ko ang picture naming dalawa. Mayroon pang groufie kasama ang mga kaklase ko no'ng elementary. Maya-maya ay nagchat ito.PJ Maldini : Thank you sa picture my idol! Sa uulitin! Alam mo, ang ganda mo e kaso lagi kang seryoso. Nakakatakot ka tuloy lapitan! Hahahaha.
Lea Ann Adriani : Ay hehe. Pasensiya na. 'Di lang ako sanay sa maraming tao lalo't 'di ko kilala yung iba.
Binack ko na ang convo namin at nakita kong nagreply si Lance sa story ko!
Lance Zamora : Nice dress. It suits you. :)
Ewan ko pero natuwa ako sa sinabi niyang 'yon. Agad akong nagreply.
Lea Ann Adriani : Thank you! :>
Lance Zamora : No worries! :)Di ko na alam ang irereply ko kaya't nag-off na ako ng phone. Hindi agad ako nakatulog. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Nak? Gising ka pa?"
Si mama pala. Binuksan ko ang pinto at umupo sa kama.
"Bakit po, ma?"
"Sa 20 pala ang reunion natin."
"Ah isang linggo na lang po pala."
"Musta naman 'yung pinuntahan niyong debut?"
"Ayos lang naman po. Masaya kasi nakita ko ulit mga kaklase ko dati." nakangiting sagot ko kay mama.
"Grabe ilang taon din kayong hindi nagkita eh. Nga pala, anong course ang balak mong kunin sa college?"
"Hindi ko nga po alam kung BS Ed., Nursing or Engineering eh. Siguro mapag-iisapan ko naman po yan sa loob ng dalawang taon ko sa Senior High.""Piliin mo ang kurso na gusto mo ha? Para maenjoy mo. Susuportahan ka namin.'Wag mo ring papabayaan ang sarili mo. Ingatan mo ang kalusugan mo. 'Wag ka munang magboboyfriend hangga't hindi ka pa 18 ha?" paalala ni mama.
"Opo ma. Salamat po :)." at niyakap ko siya.
"O siya, matulog ka na. Pagod ka na yata e. Good night anak. Magdasal ka ha bago ka matulog."
"Good night din mama! Lagi po akong nagdadasal bago matulog."
Pagkalabas ni mama ng kwarto ay nagdasal na ako at nakatulog.
BINABASA MO ANG
GAME OVER
Teen FictionHi! This is just my first time writing this. I'm not an expert so don't put too much expectations on this story! Hehe : )