"Hoy Yanyan gising na! Nandito na tayo!" sambit ni Amber habang ginigising ako.
Nandito na pala kami. Hindi ko namalayan. Naging mahaba rin pala ang biyahe namin at s'yempre pati ang pagtulog ko hehe. Bumaba na kami ng sasakyan at nagbitbit ng mga gamit. Nang makarating kami sa cottage namin, nagkani-kaniyang gawain na sila. May mga nagpipicture na ng dagat at mayroon ding nagpipicture ng kanilang mga suot na animo'y mga model. Ang iba ay nagpahinga muna sa cottage. Sina ate at Amber ay humahanap na ng pwesto para sa kanilang gagawin sa Tiktok.Ako, narito sa cottage at pinagmamasdan lamang sila. Maya-maya ay may lumapit sa'kin.
"Pwede bang tumabi?" tanong ni Lance.
"Oh sure." sagot ko sa kaniya.Bitbit niya ngayon ang gitara niya. Paborito niya ata 'to. Ito rin ang gitara na dala niya no'ng una ko siyang makitang tumugtog.
"Marunong kang tumugtog nito o kumanta?" tanong sa'kin ni Lance.
"Uhm medyo. Pero hindi talaga ako magaling." sagot ko sa kaniya. Hindi naman kasi ako mahilig kumanta. Mas hilig ko ang pakikinig ng musics. Sa pagtutugtog naman ay matagal na akong huminto.
"Ah gano'n ba? Anong kanta ang kaya mong tugtugin?" tanong niya ulit sa'kin.
"Paborito kong tugtugin 'yung Little Things ng One Direction. Alam mo ba 'yung kantang 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman. Ang ganda nga ng song na 'yon eh. One of my favorite actually." sagot niya sa'kin nang nakangiti. Grabe. Ang gwapo niya talaga lalo kapag ngumingiti. Bakit ba hindi siya ngumiti na lang lagi? Bagay sa kaniya. Siguro kapag may nginitian siyang mga babae, malamang kikiligin.
Sisimulan ko na sanang i-strum ang gitara nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. May pagtataka ko siyang tiningnan.
"Uh wait." sambit niya habang kinukuha ang cellphone sa kaniyang bulsa at pinindot ang record. Nagtataka pa rin ako pero sinenyasan niya na ako na magsimula na.
Nang matapos kami ay in-off na niya ang record. Grabe. Ang lamig talaga ng boses niya. Ang sarap sa tainga. Pagkatapos namin tumugtog ay ang ingay na lang ng mga kasama namin ang naririnig naming dalawa.
"Uh sige una na ako. Pupuntahan ko lang sina ate." pagpapaalam ko sa kaniya.
"Sure! Ingat........ and thank you!" sambit niya.Habang naglalakad dito sa buhanginan ay napapaisip pa rin ako sa ikinilos ni Lance. Hindi naman talaga kami gano'n ka-close. Ito rin ang kauna-unahang nagkausap kami. Tiningnan ko rin ang palapulsuhan ko na hinawakan niya kanina. Hays. Ang weird. Hindi naman na ako kinilig sa inakto niyang 'yon. Parang mas gusto ko na lang bigla na maging magkaibigan na kami. Tama. Gano'n nga ang gusto ko. Naramdaman ko bigla na maganda siya maging kaibigan. Mahilig din kasi siya musics gaya ko pero mas mahilig siyang kumanta't tumugtog kumpara sa'kin. Ayos 'yon kung magiging magkaibigan kami.
Pagkarating ko sa dagat ay handa na akong asarin ako nina ate Ali at Amber. Pero wala akong narinig sa kanila. Nagpapaunahan sila sa paglangoy. Mukhang hindi nila kami napansin ni Lance. Mabuti na rin 'yon para tumigil muna sila sa pang-aasar sa'kin. Nakisali na ako sa kanila sa paglalangoy.
Alas kwatro na ng hapon at maya-maya lang ay uuwi na kami. Nandito kaming lahat sa tapat ng lamesa rito sa cottage namin. Kinantahan namin ulit si tita at ibinigay ang mga regalo namin. Mabuti na lang pala't bumili kami nina ate. Lahat kasi sila ay talagang nagbigay ng regalo kay tita. Mabuti na lamang at dala ni tita ang kaniyang kotse kaya't may mapaglalagyan siya ng kaniyang mga natanggap na regalo.
BINABASA MO ANG
GAME OVER
Teen FictionHi! This is just my first time writing this. I'm not an expert so don't put too much expectations on this story! Hehe : )