(BELLA POV)
"Bella anak! Gumising kana diyan at tanghali na! Ano? Ipag papatuloy mo ba pag tulong mo hangang mamayang gabi at bukas kana gigising?" Isang napaka lutong na putak ng nanay ko tuwing umaga pag tanghali na ako gumigising. Kaya bumangon nalamang at lumabas sa aking kwarto.
"Ano ba naman nay ang ingay mo" sabi ko dito habang kinukusot ang aking kanang mata.
"Anong maingay? Alas onse na hindi ka pa din gising. Mag saing kana nga" manda nito sa akin.
"Nay 10:30 palang hindi 11." Sabat ko dito.
"Aba't sasabat kapa talagang bata ka ha?" Sabi nito sa akin habang hawak ang tambo at akmang hahampasin ako.
"Joke lang nay.. ikaw naman hindi ma biro. Oo na mag sasaing na" Sabi ko dito habang papunta na sa kusina para mag saing. Matapos ko linisan at mailagay sa kalan ang kaldero ay kinuha ko ang aking cellphone para maki update sa aking pag alis. I mean.. nag apply ako sa abroad through direct hiring at nag bayad kami ng placement fee. At isang buwan nalang at makakaalis na ako. Kinuntak naman ako ng mga kaibigan ko ng nalaman nila na nag apply ako. At excited ako kasi bukod sa natulungan ko din sila ay sabay pa kaming aalis.
"Nay, pinaprocess na daw ni Miss Joy ang papers namin para makaalis kami next month." Sabi ko sa nanay ko na nag hihiwa ng sibuyas sa tabi ko.
"Naway makaalis kayo anak. Alam mo naman na kinakabahan ako diyan sa direct hire nayan ha. Baka mamaya ma scam kayo. Naku! Yong pera natin!" Pag aalala nito. Bago ako mag apply sa direct hire na ito ay kinausap ko muna ang buo kong pamilya para humingi ng permiso. Lahat naman sila ay sumang-ayon at nag ambag2x para sa placement fee na hinihingi ng agency pwera sa nanay ko na ayaw niya ako pag applyin.
"Nay, wag ka mag alala makakaalis kami. Tiwala lang ano ba... papadalhan ko ikaw ng pera para makapag relax ka naman at makabili ka ng sarili mong gusto. Wag mo sabihin kay tatay ha?" Pabulong na sabi ko dito para maibsan ang kanyang pag alala
"Sige anak! Naku! Yang tatay mo kasi ang damot." Pag rereklamo nito sa tatay ko.
"Nay lambing niya lang yon sayo. Hayaan mo na kasi si tatay." Patawang sabi ko dito. Pag katapos namin mag luto ng tanghalian ni nanay ay kumain na kami. Kami lang dalawa ang nasa bahay ngayon dahil si tatay ay nasa bahay ng kapatid ko tuwing umaga. Wala nang gugulo lang siya don. Char! Hindi tumutulong siya don sa hipag ko sa pag nenegosyo. Maya't maya ay pupunta din ako don para tulungan siya. Maliit pa kasi ang mga pamangkin ko. Kaya wala siyang ka tuwang sa munting sari-sari store nila.
Pag katapos ko kumain at mag hugas ng pinggan ay naligo na ako at maya-maya uuwi na si tatay para sunduin ako at hahatid papunta sa store ni ate roza. At sakto naman ng matapos ako maligo at mag ayos ay andiyan na si tatay.
"Oh nak! Tayo na at babalik pa ako ulit dito sa bahay kasi may gagawin pa ako" sabi ng tatay ko na nag mamadali.
"Sus... may gagawin lang kayo ni nanay eh." Pabirong sabi ko at tumawa. Tumawa din silang dalawa sa sinabi ko.
"Ikaw talaga nak. Sarap mo kurutin sa singit" sabi ng nanay ko na akmang kukurutin ako sa singit.
"Joke lang nay. Ito naman." Sabi ko sa nanay ko sabay pigil ng kanyang kamay."Tara na tay!" Sabay yaya ko aking tatay na ngumingiti sa mga kalukuhan ko. Haha! Medyo 3 kms away from our house papunta sa pwesto ng hipag ko. At nang nakarating na kami ay binati ko ang aking hipag at mga pamangkin na makukulit.
"Hello! Andito na ako" masiglang sabi ko.
"TITAAAA!!!!" Excited na sigaw ng aking pamangkin na si Aye at sabay yakap ng lumapit sa akin.
"Naku! Kala mo naman antagal niyo hindi nag kita ng tita mo aye." Sabi ni ate roza na karga karga ang 1 year old kung pamangkin na si mateo.
"Oo nga ate andito naman ako araw-araw eh." Sabi ko naman dito at ngiti lang ng ngiti itong bulilit na ito. At pumwesto na ako sa tindahan ni ate roza para makapag benta. At yeahhhh ito ang buhay ko araw-araw. Tuwing hapon pumapasok ako sa ate ko para mag bantay ng sari-sari store niya. May kainan din naman at kung ano-ano pa. Graduate naman ako ng College ngunit masyado naging challenging ang buhay ko pag dating sa paghahanap ng trabaho. May napasukan naman ako mga trabaho pero kung hindi super terror ng amo ko ay nag coclose o di kaya nag tatanggal ng mga tao. At yeah isa na ako sa mga natanggal. Haha! Kaya nung bumukas ang opportunity sakin na direct hire ay sumubok ako. May napaalis naman kasi na mga tao si ate joy kaya kalmado naman ako na makaalis din. Ewan ba pero siguro masyado nadin akong disperado. Kasi hindi narin naman ako bata i'm already 26 years old na. Walang permanent work at walang ipon. Gusto ko kasi ibalik din sa pamilya ko ang mga tinustos nila sakin nung nag aaral palang ako hindi yong hanggang ngayon palalamunin parin nila. Sad but true....
"Bella!!!" Sigaw ng isang magandang babae papunta sa store. Si Janice naging kaibigan ko nung nag tatrabaho ako sa isang private company. Nag apply din siya sa direct hiring at nakikibalita siya sakin about sa alis namin. Mauuna kasi kami umalis kesa sa kanila.
"Janice! Ikaw pala. San ka galing?" Tanong ko dito.
"May binili lang ako sa bayan. Oh ano? Kamusta? Isang buwan nalang ah. Aalis na kayo." Excited na tanong nito.
"Yes! Excited na nga ako eh.. nakapag impake na ako para pag dating next month konte nalang yong iisipin ko na dadalhin."sabay tawa ko.
"Naku! Nakakaexcite naman! Basta balitaan mo ko ha. Next month na ako mag eempake pag ka alis niyo para sure." Pag alala nito na na eexcite.
"Positive vibes lang Janice. Makakaalis din tayo." Pag papalakas loob ko dito.
"Sana nga. Kasi pag hindi naku! Ewan ko nalang talaga." Sabi nito sabay tawa. "Sige alis na ako Bella. Napadaan lang talaga ako dito. Para maki chismisan." Patawang sabi nito. At namaalam na siya. "Bye Bella!"
"Bye! Ingat!" Pagpapaalam ko din sa kanya. Haist! Minsan nakakaba din naman isipin na pumasok kami sa isang laban na alam namin in the end baka matalo kami. Pero fight lang as long may tiwala kami kay miss Joy.
Makalipas ang isang buwan. Bago ang nakatakdang araw ng pag alis ni Bella.
"Bella!!! Bella!!!!" Sigaw ng bunso kong kapatid na si Isabel na tumatakbo pa punta sa akin.
"Oh bakit? Bat parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko dito.
"Tignan mo ang news! Basahin mo! What the-" hinihingal na sabi nito sa akin.
"Ano ba kasi yan?" Sabay kuha ko ng kanyang telepono at binasa ang news" "isang Illegal recruiter ang hinuli sa pag papapuslit ng mga trabahador papunta sa ibang bansa na si Joy Alegre" lumaki ang mga mata ko sa pag basa ng news. Ibig sabihin..... ibig sabihin....... hindi na ako makakaalis!? Parang gumuho ang mundo ko.. bigla nalang tumulo ang aking luha. Paano na mga pangarap ng nanay at tatay ko? Paano pa ako ngayon? Paano ko sila matutulungan!? Isa nanaman ba itong kamalasan?
At bigla ako natauhan ng maalala ko ang placement fee na hiningi sa amin.
"Isabel.. yong pera dapat mabawi natin!" Sabi ko sa nalang sa kapatid ko kahit nanginginig na ang buo kung katawan.
To be continued....
YOU ARE READING
Paubaya
RomancePara kay Isabella Aragon ay isa siyang napaka unlucky person. Lovelife, career and dreams ay ang naging struggle niya sa buhay. All she been through is the witness how unlucky she is. Sa kabila nang kanyang napakalungkot nakaranasan sa buhay maswert...