CHAPTER 3- Her Decisions

4 1 0
                                    

I'm at my room fixing my belongings before i go. Yup. I decided. I decided to go to Manila sa usapan namin ni Clark the cousin of my ex Samuel. Ewan ko if tama ba to ang desisyon ko. Pero since i want to move on sa mga nangyari sakin. I dicided to go.

"Anak, tumawag ka pag nakadating kana ng maynila ha?" Malungkot na sabi nito sa akin. My mom and the rest of my family doesn't know that i'm going to Manila helping my ex. For sure naman hindi nila ako papayagan. So yong reason ko to go is na hire ako sa isang company as office staff. Thankful naman ako kasi naniwala naman sila at pinayagan na din nila ako umalis maybe because naaawa nadin sila sakin na nag mumukmok sa bahay so for them it's a blessing. But not for me xD

"Yes naman nay tatawag ako pag dating na pag dating ko palang sa airport." Sabi ko dito sabay yakap. "Mamimiss kita nay. Ingatan mo palagi sarili mo. Pati na din si tatay ha?"

"Wag muna kami aalahanin dito kaya na namin sarili namin. Ikaw yong inaalala ko hindi isang sakay lang ng bus yang pupuntahan mong lugar. Hindi ka makakauwi agad-agad kung ano man ang problema mo." Pag alala pa nito lalo.

"Nay ano ba. Maynila lang yon hindi naman ako mag aabroad eh" sabay tawa ko. "Wag kana kasi mag-alala sakin nay. Kaya ko na to matanda na ako." Pag aassure ko naman dito.

Bumuntong hininga ito at sumang-ayon din. "Hayyy! Sige... tulungan na kita sa iba mo pang gamit para makaalis kana maya-maya." At tinulungan naman ako ng aking nanay sa pag tapos ng mga kagamitan ko. And i hope everything will be alright pag dating ko ng Manila. At nang matapos na ako mag ligpit at magkapag-ayos ng sarili ay maya't maya ay dumating na si tatay para ihatid ako sa airport. Isinakay niya sa sasakyan ang aking maleta at ako naman ay nag paalam sa mga kapatid ko at kay nanay. Parang kumirot ang puso ko nang tumingin ako sa kanila para mag paalam. "Hays! Nasanay na talaga ako nasa tabi nila kaya masyado ako emosyonal."

"Alis na po ako nay, mga kuya, sissy, mga hipag at mga pamangkin ko na makukulit." sabi ko dito at nilapitan sila at niyakap isa isa.

"Ingat ka don ha? Tawag ka palagi pag kailangan mo ng tulong." Sabi ng hipag ko na si Rose.

"Yes ate. Tatawag ako. Don't worry." Sabi ko naman dito.

"Sana makakita ka na din don ng boyfriend para maging masaya ang life." Dagdag na biro nito sa akin at tumawa kami lahat.

"Ate naman! Pero pag pray mo" pabiro ko pang sabi at tumawa kaming lahat.

"Hoy! Mga bunganga niyo madinig kayo ng tatay niyo." Pag sita naman ni nanay na alam niya na ayaw ni tatay na mag boyfriend pa ako. Tumawa nalang ako and i bid my good byes to them at sumakay na sa sasakyan na nerentahan ng tatay ko para maihatid ako sa airport. Pag dating sa airport ay niyakap ko ang tatay at nag paalam na din dito. Nang matapos ang proseso sa airport ay finally nakasakay na ako ng eroplano. And ilang oras lang ay nasa maynila na ako.

Nakatulog ako sa byahe at maya't maya ay nasa Manila na ako. Nagising nalamang ako ng inannounce na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. At now this is the start. I don't know what will happen at gaya ng pinag usapan 2 months or less than lang. Bumalik sa hindi yong memories ni Samuel ay aalis na ako. No more extensions. PERIOOODDD.... At habang nag aantay kay Clark na mag susundo sakin sa airport tumawag muna ako kila nanay para sabihin nanakarating na ako ng Manila at they felt relief ng tumawag ako sa kanila.

"Bella?" Sabi ng isang lalaki na parang hindi sure kung ako nga ang hinahanap niya. "Ummm.. You are Bella right?" Tanong nito sakin habang may kausap pa ako sa aking cellphone. Nag paalam na muna ako kay nanay at binaba ang cellphone. Tinignan ko muna ito ng mabuti to make sure na siya yong pinsan ni Samuel na si Clark. Sa pag kakaalala ko kay Clark. Maputi, matangos ang ilong at medyo matangkad kesa kay Samuel at medyo magkahawig din sila ni Samuel. And i think pasok naman sa description ng lalaking ito ang pinsan ni Samuel.

PaubayaWhere stories live. Discover now