CHAPTER 4- The Meet Up

2 1 0
                                    

No! Hindi dapat ako umiyak" sabi ko sa sarili ko at pinahid ang aking mga luha. Dapat maging matatag ako kasi andito na ako. Tumayo ako at kinuha ang dala kong maleta at kinuha ang towel. Pagkakuha ko ay pumasok ako ng banyo para maligo at mag ayos. Sakto naman ng makatapos ako maligo ay dumating na ang pinadeliver na pagkain ni Clark. Kinuha ko ito at nilapag sa table at kumain.

Maya't maya ng matapos na ako kumain at mag ayos ng sarili ay kumatok si Clark sa pinto ng condo. Tumayo ako at binuksan na ito. Pag bukas ko he greeted me with a smile.

"Hello Bella. Okay kalang ba dito?" Tanong nito

"Uhh yeah. Ayos lang medyo komportable naman ako" sagot ko dito

"Good to know. Just let me know pag may problema ka dito while staying ha? Para incase i can help you immedietly." Sabi nito. Tumango nalang ako at niyaya niya na ako pumunta sa hospital kung san naka confine si Samuel. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko pero alam ko hindi sa excited ako makita yong bugok na yon but i'm just so nervous ㅠ pero kaya ko to. Bumaba na kami at tumungo kung saan naka park ang kotse nito. Nang makarating na kami ay pumasok na ako ng kotse at pinaandar na din ni Clark ang makina ng sasakyan at nag drive na ito patungo ng hospital.

"Are you ready?" Pilyong tanong nito sakin

Nag smirk ako sa kanya bago sumagot "bakit? Pag umatras ba ako pipigilan mo ako?" Pilayang sabi ko din dito.

Tumawa ito "Of course, baka mapalo ako ni Tita Nadz pag nalaman niya umuwi ka dahil sakin"

Tita Nadz. It's Samuel's mom. I can still remember her face since the day pinakilala ako ni Samuel sa kanya nong graduation nito. Mabait si tita nadz at napaka humble.

"Andito na tayo Bella." Sabi nito sakin. Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay ko ito makapag park ng maayos. Pagbaba nito ay may kausap ito sa cellphone niya.

"Yeah, yeah.. Ok we will be there a few minutes" sabi nito sa kausap sa cellphone niya at binaba na ito at tumungo sa akin. "Uhmm Bella. Gusto ka daw muna ng family ni Sam at ang family ng asawa ni Sam makausap ka."

"Ah ganon ba? Sige." Sagot ko naman dito. Actually i really don't know what to do parang ngayon pa talaga ako magwawala sa sitwasyon ko ngayon. Tumingin sakin si Clark. Lumapit ito sakin at hinawakan ang aking mga balikat.

"I know kinakabahan ka at i know you are worried. But i assure you everything will be alright. Just stick to what we already discussed okay?" Pag aasure nito sakin. Tumango naman ako at ngumiti. At yeah. He got a point for the first place sila naman may need sakin eh. So dapat maging maayos sila sakin at dapat maging firm din ako sa mga disisyon mamaya. Hindi pwedeng sila lang ang dapat masunod. At nag tungo kami ni Clark sa kinaroroonan ng pamilya ni Samuel at ng asawa nito. Isang private room sa isang coffee shop kami ng tungo kung saan andon na ang lahat ng membro ng pamilya kung san din malapit lang ang coffee shop na ito sa hospital kung san naka confine si Samuel.

"Bella we're here." Sabi sa akin ni Clark habang nasa harapan ng isang pinto. Tumango naman ako at binuksan na ni Clark ang pinto pag bukas nito ay nakita ko tumingin ang lahat sa amin. Napalunok nalang ako ng aking laway xD. Maya't maya tumayo ang isang ginang para yayain pumasok ng silid na sapalagay ko ay nerentahan pa nila.

"Pasok kayo. Pasok ka Bella hija." Sabi ng isang familiar na ginang sa amin. "Oh! It's samuel's mom" sabi ko nalang sa aking sarili. Pumasok naman ako at umupo kong saan inalok ng mother ni Samuel. Medyo kinakabahan nanaman ako sa mga eksenang ito buti nalang ay umupo si Clark sa tabi ko na kahit papano feeling ko out of 10 may kakampi naman ako (kung kakampihan nga talaga ako) xD biglang ngiti ko sa aking inisip bigla naman ito napansin ng isang ginang hindi ko kilala kaya napa poker face ako bigla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaubayaWhere stories live. Discover now