CHAPTER 2- Unexpected

6 1 0
                                    

At bigla ako natauhan ng maalala ko ang placement fee na hiningi sa amin.

"Isabel.. yong pera dapat mabawi natin!" Sabi ko sa nalang sa kapatid ko kahit nanginginig na ang buo kung katawan.

Oo i need that money back! Kasi hindi yon akin sa mga kapatid ko yon. Parang maiiyak na ako sa sitwasyon. Kasi hindi ko rin alam kong ano ang gagawin ko. Maya't maya lumapit ang kapatid ko na si Isa para painumin ako ng tubig.

"Oh ate uminom ka muna ng tubig. Kalma muna. Ok?" Sabay haplos sa likod ko pag kaabot ng baso ng tubig sa akin.

Ininom ko naman ito at medyo kumalma na ako. Pero maya't maya ay may biglang sumisigaw na sa labas ng bahay namin "Bella!!!! Lumabas ka diyan. Ano? Ibalik mo yong perang binayad namin kay Joy!" Nagulat ako sa pagsisisigaw ng mga kaibigan ko. Tumingin ako sa kapatid ko

"Ako na ang lalabas. Dito ka muna" ika ng kapatid ko. Lumabas nga ito at hinarap ang mga inaakala kong totoong mga kaibigan.

"Isa! nasan yang paasa mong kapatid!? Ilabas mo yan kong ayaw mong-

"Ayaw mong ano? Mag tretrespassing kayo? Para ano? Koyugin ang ate ko? Tapos ano? Magkakasakitan kayo? Tapos hindi niyo makukuha yong pera na binayad niyo sa Joy nayon kasi don naman kayo nag bayad at hindi sa ate ko." Matapang na sabi ng kapatid ko sa mga ito. Napatahimik nalang sila. "Akala ko ba mga kaibigan kayo ng ate ko? Akala ko ba alam niyo pinasok niyo? At excuse me. Hindi lang kayo nawalan pati din naman kami. Sana bago kayo sumugod dito sa bahay namin mag isip naman kayo kung nasa tama kayo at kung wala kayo nagawang mali."

"Eh bat ayaw ng kapatid mo lumabas? Bat ikaw yong nandito?" Tanong ni janice na kamakailan lang ay napadaan sa store ng hipag ko.

"Para ano? Sa totoo lang katulad ninyo emosyonal din si ate bella. Katulad ninyo nasasaktan din siya sa nangyayari at sana bilang kaibigan niya kayo mismo umitende at makipag-usap ng matino sa kanya. Pero ano? Nag wawala kayo sa labas ng bahay ng kaibigan niyo na walang kaalam alam na mangyayari ito!"

Natahimik ang mga ito ngunit galit parin ang mga itsura nila. "Tara na guys! Wag na tayo mag sayang ng panahon sa mga walang kwentang mga tao dito." At umalis na ang mga ito. Bumalik na sa loob ng bahay ang kapatid ko and yeah.. i'm so happy that in times na down ako si Isabel ang tumatayong strongest warrior ko. Palaban kasi siya. She always knows where to put her place most especially kung alam niya na sa tama.

"Umalis na sila ate. Wag muna sila pansinin. Now you know who they really are. In times like this dapat nga sila ang nandito eh. Kasi sila dapat nakakaintinde bat kayo napunta sa sitwasyong ito." Galit na sabi nito. I hugged her nalang at napaiyak nalang ako.

"Isa, thank you!" Sabi ko dito na umiiyak.

"Hay ano ba ate.. alam mo naman ayaw ko ng mga pa sweet eh. Wag ka na nga umiyak. Kakainis naman." Sabi nito na kunyari ayaw niya na e hug ko siya.

Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya "sus ito naman. Paminsan minsan kasi pa hug naman." Sabay tawa naming dalawa.

Makalipas ang mga ilang araw. Ay masyado magulo parin ang sitwasyon. Nadakip na si Miss Joy. At mukhang denispatya niya na ang mga pera namin. Kaya mas nagalit ang mga kaibigan ko sakin. I don't know why they are blaming me. It is because medyo close kami ni Miss Joy at sinamahan ko sila mag apply sa agency nito? Hindi ko naman sila pinilit mag apply eh. Nalulungkot ako sa mga nangyayari. I felt so down and no one to talk to. Ayaw ko naman e open up sa mga kapatid at kina nanay at tatay kasi ayaw ko na isipin pa nila ako. Kaya everyday ako umiiyak, hindi maayos ang pagtulog at kain. And the way i expriencing the anxiety felts like i have a fight for me to survive.

PaubayaWhere stories live. Discover now