Kabanata 26

1.4K 19 0
                                    

Kabanata 26

Ring

Masakit ang ulo ko ng naglakad papunta sa dinning area, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Shannon na may binabasa at halatang wala sa sarili. Nilapag ko ang gatas na kinuha ko para sa kanya.

"Good morning, Shann." bati ko pa.

Hindi siya tumingin sa akin, may nangyari ba? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakaalam ko ay wala naman eh, nag-away ba sila ni Lyle?

"Can we talk?" seryoso niya akong nilingon.

Ngumiti ako. "Sure, about what?"

May nilapag siyang folder at mga envelop kaya kinuha ko ito at sinimulang basahin, halos hindi ako makahinga ng makita ang picture ng anak ko na nasa Greece at ang picture ko kasama si Mama habang buntis ako.

"Nabuntis ka niya, Kara?" pumiyok na siya.

Malamig ko siyang tinitigan. "Oo, Shann. I'm sorry if you feel betrayed, uunahan na kita sa sasabihin 'mong masasakit na salita sa akin. Hindi ko sinasadya ang lahat, hindi ko alam na may girlfriend siyang iniwan dito at kung nalaman ko sana agad ay ibabalik ko siya sa'yo. I'm sorry for taking advantage of the situation, sana ay mapatawad mo ako."

"Nasaan ang anak mo? Bakit hindi mo siya dinala dito? I-I wanna see her." tears rolled in her eyes.

"Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo Shannon para lang mabuo ang mga bagay na nasira na." nanatiling malamig ang tingin ko. "Sa akin ang anak ko, Shann. Sana makuntento kayo sa isa't isa at sana wag ng habulin pa ni Lyle ang karapatan niya sa bata, hindi ko siya ibibigay sa inyo."

"Do you think I am this happy on this marraige, Kara? Akala mo ba hindi ko napapansin na nag-iiba na ang ugali ng asawa ko? Hindi na siya ang Lyle ko noon." hindi siya matigil sa pag-iyak.

"Siya pa rin 'yan, Shann. It was just your pregnancy hormones." pang-aalo ko.

"Hindi!" tuluyan na siyang napahagulhol. "Hindi na niya ako mahal! Hindi ako 'yong nasa puso niya..."

"Shann please tama na? Pwede ba?" mahinahon kong sabi. "Mahal ka niya, I'm really sorry for everything."

"P-Paano? Paano mo nakaya ang lahat. A-And you loved him before? D-Do you still..." mas lalo siyang umiyak.

"Shannon, matagal na panahon na 'yon. Isang taon na 'yon, ayokong bumalik pa sa nakaraan. Ayoko na please... Please be happy at alagaan niyo ang isa't isa. Hindi ako mangugulo, masakit pa rin ang lahat pero may mahal na ako. Mahal ko si Kieran." litanya ko.

"Hindi magandang dahilan ang bata para manatili pa siya sa akin, Kara." humina na 'yong boses niya pero umiiyak pa din. "Papalayain ko siya para sa'yo, ako na lang ang mag-aalaga sa anak namin. Ayoko siyang manatili sa tabi ko kung may mahal siyang iba. Ayokong paulit-ulit lokohin ang sarili ko kung alam ko naman noong una pa lang na hindi na ako. At alam kong pinipilit mo lang ang sarili mo na mahalin si Kier, tama ba?"

Agad akong umiling. "Hindi, Shann. Wag kang padalos-dalos sa desisyon mo, wag 'mong hiwalayan si Lyle dahil lang nalaman mo ang lahat. Please, ayokong hiwalayan mo siya. Ayoko sanang makialam pero ayoko sa gusto mo, Shann. And about my love for Kier, hindi ko pinipilit. Nagkusa ang puso ko na mahalin siya. At si Lyle, patawarin mo siya kung tinago man niya sa'yo."

"Niloko niya ako, Kara. H-Hindi man niya lang sinabi ang tungkol s-sa'yo. Dapat magalit ako sa-sa'yo pero... H-Hindi ko magawa..." humikbi siya sabay turo sa puso niya. "Ang sakit dito, Kara. Ang sakit sobra."

"I-I'm really sorry..." naiiyak na din ako.

"I want to escape this pain, ang sakit na kasi eh. Hindi ko kaya." tumayo na siya at tumalikod sa akin.

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon