Clash 7

2.1K 109 0
                                    

Joax POV

"KAYO?!"

Sila yung mga kaibigan nitong si Ry? Di namin pwedeng makipagkaibigan sa mga to. Di ba nga? May clash? Okay lang sana kung ibang babae e. Pero sila. Sila yung leaders ng girls.

"O bakit mukhang gulat na gulat kayo?" natatawang sabi ni Ryan.

"Sino ba naman kasing hindi magugulat na yung magiging bago mong kaibigan ay enemies mo? Nakakatuwa di ba?" Sarcastic na sabi ni Max.

"Max, chill." Natatawa paring sabi ni Ry. Kung batukan ko kaya to, no?

Pero wala. Nabatukan na nga sya. Ni Max. Haha buti nga.

"Hoy Navarro! Bakit ka ba kanina pa natatawa dyan?" Sabi nitong si Xander.

"Wala lang. Ang cute nyo kasing tingnan. Mukhang ayaw nyong makasama yung isa't isa. Alam ko na. Para hindi kayo mailang kasama ang isa't isa, tigilan nyo yung cla----"

"HELL NO!" sabay na sigaw naming walo.

"Chillax guys. Suggestion lang naman." Sabi ni Ry. "Ganto nalang, tutal naman wala kayo sa Kingdom High, try nyong mag-usap man lang. Yung walang ilangan. Not that comfortable, but try nyo. Wala namang masama dun di ba?"

Nagkatinginan kaming walo, at alanganing tumango.

"Yun. Masaya to!" Ba tong si Ryan parang bading.

"Magtry-to-get-to-know-each-other muna tayo. Introduce yourselves. Let's start with you Denise."

"Ano ba naman Kuya Ry? Pang bata naman to. Tsaka kilala na naman nami---"

"Hep. Wag nang umangal. Andito na tayo, e."

"Psh, sige na nga. Denise Kate Lorenzo, 16. Uhm ano pa ba? Parents ko? Masyadong pambata pero sige. Mother ko? Karla Lorenzo. Father ko? Jan Lorenzo. Kapatid? Kathleen Jae Lorenzo and uhmm.." napahinto sya. Medyo nagteary eye sya.

"Ay it's okay, Den. Kahit di mo na sabihin."

"Pano naman kami?" React ni Bryan.

"Akala ko kanina nagdadalawang isip pa kayong makinig, pero bakit ngayon, mukhang interesado kayo?"

"E kasi naman nasimul----"

"Sige sasabihin ko. My sisters are Kathleen Jae Lorenzo and," she breathed first and then, "Nicole Katherine Lorenzo. Sorry ha. I'm just. Ano... uhm. Naalala ko lang kasi ulit yung nangyari. Ang birthday ko is September 17, so 17 na ko sa September 17.Mahilig akong magbasa. Ng mga MAY SENSE. Medyo may pagkamasungit ako. Lalo na dun sa makukulit at mayabang. Ge, yung iba naman." Parehas pala kaming magbasa. At inemphasize nya talaga yung word na 'MAY SENSE'.

Pero alam nyo ba yung nakakagulat don?! Magkasunod ang birthday namin. oo. Grabe.

"Kaw naman Joax."

"Ano bang sasabihin ko? Ano. Joaquin Xavien Santos. 16 ako pero 17 na ko sa September 16. Magkasunod pala birthday namen."tapos turo ko kay Denise. Nag-ayie naman sila. Grabe."Tigilin nyo yan." Tumigil naman sila. "Parents ko? Importante pa bang malaman nyo? Pero sige sasabih--"

"Nagtanong pa sasabihin din naman pala." Sabi ni Maxine.

"Shut up."

"Psh." May pagkainis na sabi nya. Wala kong pake.

"So as I was saying, Ken and Yuli Santos ang parents ko. Tatlo kaming magkakapatid, ako bunso. Jenine Xeira tsaka John Xeiro. Parehas kaming mahilig magbasa ni Denise pero may sense rin. Yun lang."

Ano pa bang sasabihin ko? Alangan namang sabihin ko lahat, di ba?

Denise's POV

"Destined kayo. Ayie." Bulong saken ni Alex. Siniko ko naman sya. Bumanat pa ng ganun. "Kilabutan ka nga!" Pabulong ko ring sabi sa kanya. "Oo nalang." Sumagot pa ang gaga. Kabanas.

Campus ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon