Clash 4

2.8K 122 5
                                    

Alex's POV

Pagkagaling namin sa mall, may nakita kaming kotse sa labas ng bahay. Imposibleng kay Tito 'to. Hindi ganito ang kotse ni Tito. Maliban na lang kung bumili siya ng bago.

May nakita kaming lalake sa harap ng gate. Matangkad. Sino kaya yon?

Magsasalita palang sana ako kaso naunahan ako ni Max. "Kuya? Sino po sila? Sino po hanap nila?"

Halata namang nagulat yung lalake at humarap sa amin.

"Long time no see, girls."

Napanganga kaming tatlo nang makita namin kung sino 'yung lalaking 'yun.

"Kuya Ryan?!" Sabay naming sabing tatlo.

"Oh, bakit gulat na gulat kayo?" Natatawa nyang tanong, "Ay wait. Why you're just three? Alex. Max. Denden. Ohh, asan si Aydze? Nakikipagdate?"

Ay grabe.

WOW. AS IN.

Aydze? Irish? Abellano? Makikipagdate? Aba. Kung sasasabihin 'yun para na ring sinabing magugunaw na ang mundo.

Oo nga. Ganon talaga. Pero kidding aside muna. Di pa kasi 'yan naiinlove. May guard kasi siya sa puso niya. Tch.

Saming apat sya 'tong di pa naiinlove pero siya pa 'tong magaling mag-advice pagdating sa love. Aba ewan. Napapala siguro sa kaadikan sa Wattpad. Pero grabe ah. Nakakatulong naman ang advice nya.

"Adik talaga 'tong si Kuya Ryan. Ano naman kayang pumasok sa utak mo at naisipan mong nakikipagdate yung si Ayish? Anyway, nasa Batangas sila ni Tito." Si Max na ang sumagot.

"Ah okay. Uhmm.... Max, Alex, Denden? Wala ata kayong balak papasukin ako no? Uuwi na lang ako? Babalik na lang ako bukas kung pede."

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagkunotan ang noo. Then,

1.....

2.....

3.....

"Hahahaha!"

Utas na kami sa kakatawa. Pasensya na. Tao lang. De joke lang. Sorry mababa talaga ang kaligayahan namin e.

"HOY WAG NYO NGA AKONG TAWANAN!" sigaw nya samin. Tumigil naman kami sa pagtawa.

'Pag nainis yan nako, magtago ka na sa palda ng nanay mo. Masama 'yang mainis at magalit. Oo, talaga. Promise.

Nung ngang mga bata pa lang kami, inagawan lang namin siya ng lollipop at chocolate at inasar na ansama ng ngipin nya, ayun nainis. Namula sa inis at nasuntok pa ang pader. Lokong 'yun. Napatawag ng principal tuloy. Napatawag na nga, duguan pa ang kamay.

Ako din, minsan ganun 'pag nagagalit. Nanununtok ng pader.

Kung tatanungin nyo, sino si Kuya Ryan? Childhood friend. Actually may isa pa, si Niknik.

Pero....pero...pero.... wala... na...siya.

Oo. Wala na sya. She died from a car accident nung elementary palang kami. Umiyak kami ng sobra nun. Lalo na si Denise. Kapatid nya at kaibigan namin e. Oo, kapatid ni Denise. Nicole Katherine Lorenzo. Mas bata sa aming tatlo nina Denise, Max at Ayish ng 1 taon.

Balik tayo kay Kuya. Ayun. Childhood friend namin sya. Long time, no see nga talaga. Umalis kasi sila ng pamilya nya. Sa America na sila tumira. Madalang lang sila umuwi.

Bakit tinatawag namin siyang Kuya?

Simple lang. Tinatawag namin siyang Kuya kasi mas matanda siya samin. Oo, isang taong nga lang. Tsaka nasanay na rin kami.

"Tara na nga sa loob." Aya ko sa kanila. Sumunod naman sila. Binuhay namin 'yung ilaw at naupo na muna sa sofa.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Kalokohan, non-sense, tungkol sa studies at syempre di mawawala....

LOVELIFE.

Wala pa palang girlfriend si Kuya. Kesyo di pa daw nya kayang mainlove uli. Na kesyo ayaw nya pa daw ULI. Na kesyo di pa daw kasi siya ready. Na kesyo di pa daw siyang nakakamove-on. Na kesyo studies muna daw.

Gagz tong si Kuya. Dinaig pa babae. Pero di nga. Di pa yun nagkakagirlfriend. Muntikan lang magkagirlfriend.

"Kuya Ryan?"

Ay kalabaw!!!

Tumalikod kami para tingnan kung sino 'yung nagsalita. Pero as expected. Si Ayish lang 'yun.

Gagi tong si Ayish nanggugulat e. Nagkwekwentuhan kami dito tapos bigla nalang sumulpot. Gayun. Dapat nagpasabi naman sya kung nandun na sya. Tinext man lang kami. Ayan tuloy nagulat kami.

"Aydze?"

"KUYA RYAN!!!"tuwang tuwang sabi nya at takbo palapit kay Kuya at niyakap sya.

Ah, nakalimutan ko palang sabihin. Sila yung pinakaclose saming ani---este lima. Kaya ayan. Medj OA.

"Nakapagdinner ka na?" Tanong ko kay Ayish. Tumango naman sya.

May umepal naman,"Aba! Ako tong bisita sya yung tinanong! Hoy fyi, di pa ako nakakapagdinner. Dumayo pa sana ako ng dinner dito." Napailing at napatawa nalang kami sa sinabi ni Kuya Ry. Kahit kelan talaga 'tong si Kuya Ry.

Sinama nalang namin sya sa dining. Pumasok nalang ako sa kusina at buti may dala kaming pagkain. Nagtake-out kami. Pinainit ko nalang yung food at ipinaghain na si Kuya Ry. Niloko ko pa nga at sinabing, "Eto na po mahal na prinsipe." Nagkwentuhan nalang ulit kami pagkatapos nyang kumain.

Joax's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nina Ian. Dito kami matutulog. Nagkwentuhan nalang kaming apat habang di pa inaantok. Ang nakakainis lang dito kay Xander, sinasalihan ng mga kamunduhan at kalibugang bagay. Hay nakowsxz. Adik.

Mga 1am na namin napagisipang tumulog.

-------

School again. Andito na kami sa parking lot. Wala namang masyadong nangyari sa maghapon. Tuwang tuwa nga lang ang mga estudyante at wala munang clash. Hays. Kung ako, gusto kong itigil na yung clash. Kaya lang wala naman akong karapatang magpatigil non dahil si Ian at si Ayish lang ang pede. Wala naman kasi kaming mapapala dun sa clash nayun.

"San tayo?" Tanong ni Bryan.

"Sa Choco Bar nalang.Tambay tayo don." sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at pumunta na sa kanya kanyang kotse. Nagmaneho na kami papunta sa Choco. Pagkarating namin dun wala pa masyadong tao. Naupo nalang kami dun sa table malapit sa bar counter. Dito kami laging tumatambay. Kaya kilala na kami ng mga empleyado dito.

"Guys, cr lang ako." Sabi ni Xander. Ano gayun? Kakarating lang namin, cr agad? Agad-agad? Di ko nalang sya pinansin at nagorder ng 4 na vodka. Apat muna. Mamaya na dagdagan. Syempre kapag apat, saming apat.

Pag balik ni Xander, may kasama syang babae. Nakahawak naman si Xander sa bewang nung babae na nakakapit naman sa braso nya. Kwentuhan session lang tapos umuwi na kasi nakatig-4 na bote na kami.

---------

Nagising ako sa alarm clock ko. Ay shet. May pasok nga pala. Bumaba na ako ng kama ko at naligo na. Nagbihis na ako and everything at bumaba na para magbreakfast. Pagkababa ko naman nandun na sina Mom. Iniintay siguro ako.

-------

A/N: Maikli ba yung update? Don't worry I'll update tom. Clash 5 na ang sunod yehey tentenentententen!!! Osige na. Ano kayang mangyayari sa pagdating ni Kuya Ryan? Abangan! :)) Lols. :P

-diownukitan ♡

Campus ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon