Clash 5

2.5K 118 3
                                    

Ayish's POV

Nakakainis naman si Kuya Ry! Di man lang sinabing uuwi sya. Hayst.

Kung tatanungin nyo kung nasan ako ngayon, nasa resort namin dito sa Batangas. Oo nandito na naman ako. Sabi ni Dad, isama ko daw sina Alex. So ayun sinama ko naman silang tatlo tsaka si Kuya Ryan. Ngayong araw lang naman.  Saturday kasi ngayon. Walang pasok. E di nakapagyaya.

"Aydze, bakit wala ka pang boyfriend? Wala ka ba talagang balak mainlove? Baka magmadre ka." asar nitong si Kuya Ry. Bakit ba ang hilig nilang pag-usapan yung tungkol sa lovelife ko? Ay mali. Wala pala ako nun. A basta. Bakit ba ang hilig nilang pag-usapan yung tungkol dun? Kainis.

"Wala na kayo dun. Tsaka, bakit ba lagi nalang ako? Ikaw din naman Kuya Ryan a? Wala ka pang girlfriend?" inis kong sabi sa kanila. Di naman ako nagagalit e. Naiinis lang ako. Kasi lagi na lang nilang pinapasok yung topic nayun. Hay nako. Tsaka, di ko naman ata kayang magalit sa kanila. Ang babaw na dahilan, magagalit ako? Hell, no. That will never happen.

"Magkaiba naman kasi tayo, Aydze. Nainlove na ako. Ikaw, hindi pa. Try mo naman kasing tumingin sa mga lalake. Hindi lahat ng lalake kagaya ni Troy. Ay sorry for mentioning his name. Pero di ba Alex, Max at Denden? Di naman kasi lahat ng lalake gaya ni Troy. Gaya ko. Di naman ako gaya nya. Lalake ako, Aydze.  Kaya nakakasakit sa pride mo na, minamaliit ka. Worst, ng bestfriend mo pa."sabi nya. 

"Kuya Ryan, di naman ganon e. Wala naman akong sinasabing lahat ng lalake kagaya nya. Ang akin lang, ayokong magaya kay Ate.Niloko sya ni Kuya Troy. Sinaktan, pinaasa, pinaiyak." katwiran ko.

Sino si Kuya Troy? Ex- boyfriend sya ng Ate ko. Yes I have sister. She's 5 years older than me. Sa America na sya nakatira. Malaki ang galit ko kay Kuya Troy. Niloko nya kasi si Ate, pinaasa, sinaktan, pinaiyak. Nakita kasi sya ni Ate kahalikan yung ex-girlfriend nya. And the worst part is, mas pinili ni Kuya Troy yung ex-girlfriend nya kesa kay Ate. Nakakagalit kasi e. Kung si Ate, nasasaktan, umiiyak dahil sa ginawa ni Kuya Troy. Ako naman, tinubuan ng galit sa puso. Nakakagalit at nakakainis kasi e. Yung makita mo yung kapatid mong umiiyak, namumula yung mata, anlaki ng eyebags, napapabayaan yung pag-aaral. Nakakagalit di ba? Kaya simula nun tinubuan na ako ng galit sa puso ko. Iniisip ko na lahat ng lalake pare-parehas. Maliban syempre kina Dad, Kuya Ry, Lolo, mga tito at pinsan ko. Iniisip ko na lahat ng lalake, manloloko, mga paasa. Kaya lang tama naman si Kuya Ry e. 

Dapat di ako nabubulag dahil sa nangyari kina Ate at Kuya Troy. Dapat di ko iniisip na lahat ng lalake pare-parehas. Kaya lang, wala e. Natamnan na ako ng galit sa puso ko. Nabulag na ako dahil sa mga nangyari. 3 years na naman yung nakalipas. Bata pa kasi ako nun kaya pumasok yun sa utak ko. Itinanim ko sa utak ko na kahit kelan di ako maiinlove. Lalo na sa lalake. Inisip ko non na, ayokong masaktan, ayokong umasa, ayokong maloko, ayokong umiyak ng dahil sa isang lalake, ayokong maiwan ng mahal ko, ayokong maramdaman yung feeling na gusto ko ng mamatay, ayokong mainlove. 

Pero di pwede. Hindi habang buhay magtatanim ako ng galit sa puso ko. Kasi ako mismo sa sarili ko, alam kong, di talaga lahat ng lalake pare-parehas. Na meron talagang lalaking tunay magmahal. Kaya lang natrauma ako sa mga nangyari. Oo, di ako yung niloko, pinaasa . Pero nasaktan ako para kay Ate. Ako yung dumamay sa kanya sa panahon na kailangan nya ng taong iintindi sa kanya. Ayokong mangyari yung nangyari noon. Kaya hangga't maari, I'm always telling my sister na bago sya magkaboyfriend, I should know him first. Dapat makilala ko sya. Dapat maisip kong di nya kayang saktan ang sister ko. At syempre, ayokong mangyari yung nangyari noon, lalo na, worst if sakin mangyari yun. Kahit may mga kaibigan ako, si Ate, na nandyan para sakin, di ko parin kaya. Di ko parin alam. 

Tsaka isa pa, ang bata ko pa para mainlove. Di ko pa nakikita yung taong alam kong magmamahal sakin ng tunay, pasasayahin ako, pakikiligin ako, yung lalakeng gusto kong magdala sakin sa altar, para pakasalan.

Campus ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon