Chapter 6

739 13 1
                                    

Chapter 6

Lisa's P.O.V
Simula ganon reaction ni Jennie sa akin hindi na ako bumalik pa sa club.

Sa totoo lang napahiya ako.

"Pero masisisi ko ba siya? Syempre hindi!" - thoughts

Hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Lisa "Liman" Manoban.

Gaya nila Rosé walang magulang si Jisoo hindi rin niya alam kung buhay pa magulang.

Nagkasama-sama kaming wala ng magulang kumbaga ulilang lubos.

Pero ganon pa man okey pa rin naman kami.

Mula mawala magulang ko , sinikap ko makapagtapos ng pag-aaral.

Hanggang sa yung perang iniwan sa akin ng magulang ko in-invest ko sa isang Company ang Ferial Holdings ako ang pinakamalaking share sa company. Dahil parehong 50% share ang aking nilagak kapareho ng Ceo ng Company.

Isa sana akong Marketing Consultant pero ginawa akong President so tinanggap ko na. Pero pagdating sa marketing ako ang kanilang tinatanong dahil nga magaling ako sa ganong bagay.

Jennie's P.O.V
"Lagi ako naghihintay sa muli mong pagbabalik Mr. Shy!" - thoughts

2 weeks had passed . . . . .

Dumaan pa ang dalawang linggo hindi na talaga siya bumalik.

Gabi-gabi ako na walang gana, muli ako nawalan ng gana.

Nung wala pa siya wala talaga ako gana napipilitan lang kasi kailangan ko.

Ngunit nung dumating siya.

Bigla nagbago dahil lang sa titig niya para akong nabuhayan.

Ginanahan sa ginagawa ko.

Parang gusto ko lagi magaling sumayaw sa harapan niya.

Dahil may isang taong espesyal na dapat kong pakitaan ng galing ko sa pagsasayaw.

Ngunit hindi man yun ang habol niya sa akin.

Yun naman ang nagiging dahilan ko para maging malakas.

"Bakit di ka na bumalik?" - thoughts  *bigla na lang tumulo ang luha ko*

"Bakit ka umiiyak Jennie? Wag mong sabihing nagugustuhan mo na talaga siya?" - thoughts  *tanong sa isip*

----

Nagsuot ako ng mask.

Dahil sa tuwing lalabas talaga ako ,umaga man o gabi lagi akong naka-mask.

Para takpan muli ang mukha magkubling muli sa mask. Ngunit bunganga ko ang natatakpan hindi gaya ng isa kong mask mata ko hanggang ilong.

Nang makahanap ako ng taxi agad nameng tinungo ang Dal Supermarket.

Nang makarating ako, agad kong inabot ang bayad saka ako bumaba.

Naglakad ako papuntang supermarket.

Nang makapasok ako kumuha ako ng cart maliit lang.

Tinulak ko na ang cart ko.

Habang nagtitingin ako ng bigas.

Napa-angat ako ng ulo at laking gulat ko.

Si Liman ....pero may kasamang babae.

Nalungkot ako at nasaktan din siyempre.

Kasi may nararamdaman ka sa tao.

Tinignan ko ang babae.

Maganda siya, mukha ring mayaman gaya niya, desenteng babae, kagalang-galang, karespe-respeto, ipagmamalaki mo, pwede mong dalhin kahit saan, at higit sa lahat malinis na klase ng babae.

Hindi gaya ko.

Madumi sa paningin nang lahat.

Kaya hindi kami bagay dahil isa lang akong babaeng tinatawag na bayarang babae.

Diretso na lang ako sa pagtulak ng cart ko.

At nakayuko.

Ilang minuto muli ang dumaan nakabili na rin ako ng mga kailangan ko.

Kaya nagpasiya na akong magpunta sa counter.

Habang nagbabayad ako nakita ng peripheral view ko si Liman.

Hindi ko natiis tinignan ko siya.

At bakit ganito itong mga cashier na ito ang lalandi nakakainis.

Tapos yung kasama niyang babae wala man lang reaction na nilalandi na nga yung kasama tuwang-tuwa pa.

Pag ako yan naku ihahampas ko ulo ng mga babaeng yan sa computer nila.

Nakakainit ng ulo.

----

Naboboring ako dito sa inaupahan ko.

"Mamasyal kaya ako?" - thoughts

Gusto ko munang mamasyal para makapaglibang at mawala yung lungkot na nararamdaman ko.

3pm na tapos mamaya trabaho na naman.

Nang makabihis ako.

Agad akong naghanap ng taxi.

Nang makahanap ako sumakay ako at sinabe ko sa driver na sa Park ako pupunta.

Nang makarating ako , naglakad na ako papunta sa favorite kong pwesto sa isang bench.

Naglakad-lakad lang muna ako ,yung mabagal na lakad saka nag-iisip.

Hanggang sa makarating ako sa tabi ng poste tumayo muna ako doon at nag-imagine na andito si Liman kausap ko muli.

"Kung bakit pa kasi iniwan ko siya noon di sana palagi ko pa siya nakikita?" - thoughts

"Ang tanga talaga!" - thoughts

Out Of This ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon