Chapter 21

593 13 1
                                    

Chapter 21
Months had passed . . . . .

Jennie's P.O.V
Ngayon ang araw na aaminin ko na kay Liman na ako si Jennie.

Hinihintay ko na lamang siya pero abala ako sa pag hahanda ng pagkain namen.

Lulutuan ko siya ng mga paborito niyang pagkain madalas kong ihain sa kaniya.

Sana di ka magalit sa akin Liman kapag sinabe ko na ako si Jennie.

Masaya ako na kinakabahan.

Nang matapos ko ang lahat.

Pumanik na ako sa cr para maligo at mag-ayos.

Nang matapos ko.

Nagbihis na ako at nag-ayos konti sa mukha.

Mamaya lang andito na siya.

.
.

Nang may kumatok.

Napangiti ako dahil alam ko siya na yun.

Nagtungo na ako sa pinto at pagbukas ko.

Bulaklak agad ang sumalubong sa akin.

"Ma'am delivery po para sa pinakamagandang babae sa buong world!"

"Wow I know that!"

Inabot niya sa akin ang bulaklak.

"Thanks Liman!"

Ngumiti siya sa akin.

"Indeed Queen!" - liman

"Hmmp halika na nga!"

Sabay hila sa kanya.

Sinara ko na ang pinto at nilock.

"Wow andami naman nito?" - liman  *nagliwanag ang mukha*

"Ooops mamaya yan!"

"Ay okey!" - liman  *napakamot sa ulo*

Habang inaayos ko ang bulaklak.

Bigla na lang siyang yumakap sa likuran ko.

Gawain niya yan bigla-bigla na lang yayakap.

"Ang bango mo, I love your scent!" - liman

Inaamoy-amoy niya ako lagi.

Gustong-gusto niya akong inaamoy kahit nga di pa ako naliligo inaamoy niya ako, lagi niya sinasabeng ang bango ko.

Nang matapos ko ayusin ang bulaklak humarap ako sa kanya hindi kasi siya naalis sa pagkakayakap.

Cupped her face.

"Uhmm Liman? May sasabihin ako sayong importante!"

*confused look*

"What is it?" - liman

"Uhmm halika upo tayo!"

Hinila ko na ang kamay niya.

Nang makaupo kami nakatingin lang siya sa akin.

Huminga ako nang malalim.

"Sorry kong di ko agad sinabe sayo, gusto ko naman sabihin pero ito lang ang tamang panahon Liman!"

"Ano ba yun?" - liman  *nakangiti*

"Yung nagpakilala ako sayo noon sa club? Kasi Liman ako si Jennie, nung makita kasi kita sa park nagulat ako kaya lumapit ako dahil hinihintay kita noon nung iniwan na lamang kita sa kwarto sa totoo lang naguilty ako kaya binalikan kita pero wala ka na sinundan kita sa labas pero umalis ka na daw agad. Sorry kung naramdaman mong hindi ako interesado sayo! Hanggang sa di ka na bumalik para manood sa totoo lang lungkot na lungkot ako hindi dahil nasaktan kita kundi namimiss kita!"  *napayuko na lamang ako*

Pero bakit hindi man lang siya nagulat ? O kaya nagalit?

"Matagal ko ng alam na ikaw si Jennie!" - liman

Napa-angat ako ng ulo.

"Ha? K-kailan?"

Ngumiti siya.

"Alam mo nung hinatid ko kayo ni Lola D.? Dun aksidente kong nakita sa bag mo, bukas kasi eh kaya ayun sinilip ko kaya laking gulat ko dahil ikaw lang yung may masakara na ganon at alam na alam ko ang masakara mo!" - liman

"So alam mo na pala? 'Di ibig sabihin hinayaan mo lang akong gawin yun?"

"Yeah! And masaya naman hihi!" - liman

Napa-pout na lamang ako.

"Ah Jennie may gusto rin akong sabihin sayo!" - liman

"Ano yun?"

"Pwede ba ako manligaw?" - liman  *nagulat ako sa sinabe niya pero bigla na lang tumibok nang mabilis ang puso ko*

"M-ma-manliligaw ka?"

"Oo! Pero kung ayaw mo ayos lang!" - liman  *napayuko*

Gusto ko ng tumalon sa tuwa at kilig.

"Oo naman!"

Napa-angat siya at nagliwanag ang mukha.

"T-talaga Jennie?" - liman

Tumango ako sa kanya na may ngiti.

Niyakap niya ako bigla.

At hinalikan sa pisngi.

First time niya ako halikan...pero sa pisngi , ako kasi sa lips.

"Pero Jennie, may hiling sana ako sayo?" - liman

"Ano ba yun?"

"Umalis ka na lang sa trabaho mo! Sumama ka na lang sa akin, sa bahay ka tumira ako na bahala sayo gusto na kitang alisin sa buhay mong yan Jennie! Be with me handa ko gawin lahat para sayo ibibigay ko lahat para sayo Jennie please umalis ka na diyan?!" - liman  *hawak ang kamay ko at kita ko sa mata ang pagmamakaawa na umalis na lang ako*

Yun din ang gusto ko na balang araw may isang taong darating sa buhay ko na mag-aalis sa akin sa ganong buhay.

At ngayon nangyayari na lahat ng aking pangarap.

*tears falling*

"Sige Liman aalis na ako!"  *niyakap ko siya iniyak ko na lamang*

Out Of This ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon