Chapter 18

631 9 1
                                    

Chapter 18

Lisa's P.O.V
Kumakain kaming dalawa ni Jennie ngayon ng almusal.

Kung pagsilbihan niya ako para kaming mag-syota o higit pa like you know mag-asawa.

Kailan kaya siya aamin na siya si Jennie?

Dahil pag umamin na siya liligawan ko na siya.

"Jen? Uhmm may ibibigay lang sana ako sayo!"

Napatingin siya.

"Ano ba yun?" - jennie

Kinuha ko sa bulsa ko ang isang Bvlgari necklace na may pendant na Moon.

Nang mailabas ko napatingin siya sa hawak ko.

Lumapit ako sa kanya.

"Isusuot ko sayo ito!"

"Ah Liman? M-mukhang mamahalin, hindi ko ata bagay?" - jennie

Humarap kami sa maliit niyang salamin.

"Bagay mo! Dahil kahit ano man ang isuot mo lahat bagay sayo kaya gustong gusto ko ang lakas ng dating!"

Nang masuot ko napahawak siya sa pendant ng kwintas.

"Liman? Ano itong pendant niya bakit half moon?" - jennie  *habang hinahawakan at nakatingin sa salamin*

Niyakap ko siya habang nakatalikod.

"Moon, uhmm ikaw kasi yung moon ko na kahit in my darkest hours andun ka para bigyan ako ng liwanag na kahit gaano kadilim ang buhay ko kayang kaya mong ibigay ang liwanag mo para sa akin!"

Hanggang sa magkatinginan kaming dalawa sa salamin.

Nakita ko muli ang pagpatak ng kanyang luha.

"Liman! Kung ako ang moon mo ako para sa akin ikaw yung araw ko!" - jennie

"Bakit?"

Napayuko siya bago nagsalita.

"Ikaw kasi yung sun na laging nag shi-shine sa tuwing ang buhay ko ay bumabagsak. Sa tuwing nagigising ako sa umaga nagkaroon na ako ng dahilan para bumangon muli dahil merong araw na nagbibigay na sa akin ng pag-asa na mabuhay pa at magpatuloy lagi sa buhay! You are my sun that always shines!" - jennie

Napangiti na lamang ako sa kanya.

At hinigpitan ang yakap sa kanya.

Yumakap din siya sa akin.

"♪♪ So let the sun shine in face it with a grin Smilers never lose and frowners never win"

Ngumiti siya bigla sa pagkanta ko.

"Ako wala ako sagot sa kanta mo!" - jennie  *naka-pout*

"Uhmmmm???" - jennie  *nag-iisip*

"Meron akong alam kaso medyo luma na siya pero magandang kanta!" - jennie

"Okey lang! Maganda mga kanta ng mga lumang songs, old but goodies!"

Nag ngitian na lamang kami.

"Sige nga kantahin mo sa akin?"

"Sige!" - jennie

"♪♪ There's a lovers moon tonight as I look back over my shoulders All the stars are shining bright Just like the nights when I used to hold her She's out there somewhere under the lover's moon" - jennie

"Wow gustong-gusto ko yan!"

"♪♪ Lover's moon won't you shine on me I'm dancing with a memory Wish I may I wish I might Have one last chance to hold her tonight"

Muli kaming nag ngitian.

"Halika ka na, tapusin na natin ang breakfast natin!" - jennie

"Sure!"

Muli nameng pinagpatuloy ang pag-aalmusal.

----

Nakahiga lamang kami ni Jennie sa kanyang higaan na pang-isang tao lang ang pwede kaya ngayon nakapaibabaw lamang siya sa akin at yakap siya.

Nasa dibdib ko ang ulo niya.

Masaya lang ako sa ganitong posisyon.

"Liman?" - jennie

"Yes?"

"Ano gusto mong lunch natin mamaya??" - jennie

"Uhmm.....Kahit ano basta luto mo!"

Napa-angat siya ng ulo.

"Hmp! Wala namang ganong ulam na kahit ano?" - jennie

*chuckles*

"Okey mag-iisip ako!.......... Uhmm gusto ko ng niluto mo noon nung nakaraan yung dinakdakan na may utak ng baboy?"

"San tayo kukuha ng utak ng baboy?" - jennie

"Kasi yung nilagay ko eh mayo lang yun hehe!" - jennie

"Mayo lang yun? Masarap naman yun eh at ang sweet!"

"So yun na lang?" - jennie

"Yeah!"

"Sige kaya mag-ihaw ka!" - jennie

"Hehe sure!"

Tumayo na kami sa pagkakahiga.

"Liman sa labas tayo mag-ihaw hiramin ko lang yung ihawan nila Irene!" - jennie  *lumabas ng bahay*

Nilabas ko na ang pork, wala kasi siyang ref kaya sa bucket na nilagyan lang ng yelo niya nilalagay yun.

Bibilhan ko sana ng ref niya kaso sabe niya 'wag na daw.

Hinugasan ko na ang meat.

Nang matapos ko nilagay ko na sa plate.

At lumabas.

Nang makalabas ako nakita ko siyang nilalagyan na niya ng uling ang ihawan.

Hanggang sa masindihan niya.

Pinagmamasdan ko lang siya at nakangiti ako.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan grabe ka??" - jennie

"Ang cute mo kasi eh para ka na talagang pusa sa itsura mo!"

*confused*

"Aahh bakit??" - jennie

Nakapout na siya.

"Alam ko namang pusa ka pero hindi ko akalaing kakaririn mo pala pagiging pusa in a desperate way!"

"Ano??" - jennie  *nakapout crossarms death glare*

"Pumasok ka sa loob tignan mo mukha mo!"

*chuckles*

Tumayo siya.

"Tawa-tawa ka diyan!!" - jennie

Pumasok sa loob.

Pinapaypayan ko ang baga ng uling.

Habang tamang paypay lang at masayang tumatawa lang dito.

Nagulat na lang ako dahil sa isang sigaw.

"Yaaah!! Nakakainis ka, di sana inalis mo hindi yung pinagtawanan mo pa ako!!" - jennie

*giggles*

Out Of This ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon