Batang tahimik na nagbabasa sa gilid,
sari-sari ang naiiisip sa makulay na mundong kaniyang binubuo.
Bata, kailan ka babalik?Nakangiti at masaya na inilalapat sa mga letra,
ang mga bagay na hindi maipaliwanag ng dadamdamin niya.
Kulang ang mga salita sa nararamdaman niya,
pagkat doon ay... tahimik siya.Tap tap tap, tunog ng ballpen na pau-ulit ulit na dinudukdok sa papel,
katulad din nito ang tunog ng cursor na nagi-intay ng letrang magiging katabi niya.
Nakakalungkot. Nakakabagot.Tingnan mo ngayon, walang kabuluhan ang kaniyang nailathala,
pagkat nawala ang makulay na mundong nakatago sa kaniya.
Blangko ang mundo at puno ng problema.
Kaya bata, kailan ka babalik?April 8, 2021
7:50 pm