Nasaan na ang mga letra na kaibigan ko?
Nasaan ang mga karakter na kasama sa lungkot at ginhawa ko?
Nasaan ang mga iyon kung nandito lamang ako?
Bakit tila bigla na lang kayong naglaho.
Letra... Simpleng salita pero para sa isang babaeng makata, iya'y buhay niya.
Sa tahimik na paligid, nagliliwanag ang mga nasa isip sa pamamagitan ng letra.
Letrang nakampante akong hindi ako iiwan...
Kaya't pinabayaan ang natatatanging kayamanan.
Nakakabingi ang tahimik sa loob ng isang silid,
Kung saan siya ay nakatunganga sa nakakasilaw na iskrin,
Nag-iintay ng susunod na salita na kaniyang ikakabit,
Sa mga letrang napag-iwanan na at nasali sa isang masamang panaginip.
Kasalukuyan niyang binubuhay ang mundo kasama ang letra,
Sa pamamagitan ng paunti-unting pagtitipa niya.
Nagtatagumpay siya at tila sumaya,
'Pagkat unti-unti, maibabalik na ang mga nawawalang letra sa bokabularyo niya.
may 16, 2021
8:30 pm