Pagod

2 0 0
                                    

sa hinaba haba ng aking tinakbo,
minsan lang ako nakaramdam ng hapo.
dahil sabi ko sa sarili ko,
kailangan mong tumayo,
kung hindi, talo ka sa dulo

pero bakit kung kailan na patapos ang karera,
tsaka ako napagod at gusto na lang humilata.
bakit ngayon pa?
pwede namang sa isang buwan na lang dahil sa panahong iyon, tapos na.

hindi ko sinasabi,
pero ang pagod ko ay namutawi sa isang mahina at masakit na hikbi.
kaya ko pa.
kakayanin ko pa.

matapang ako.
kaya ko pa.
kaya ko pa.
kakayanin ko.
parang awa mo na
pagod na pagod na ko.

may 26, 2021- wed
7:51 pm

Poems That I Wrote when I had "Those" MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon