Anniversary

5 0 0
                                    

I have a boyfriend and it's our anniversary today. At napag isipan ko ding ipakilala na siya sa papa ko. Isang taon na kasi kaming magkarelasyon pero kay mama lang kami legal at hindi pati kay papa. And i realize, ang unfair ko kay papa kaya, it's time.

"Samanthaaaaa!" tawag sakin ni mama. "Andito na si Claudine." dugtong pa niya.

Nag ayos na ako at saka lumabas nang kwarto.

"Goodmorning ma! Asan si papa?" tanong ko sa kanya.

"Eh as usual, nagjojogging don sa park" sabi ni mama.

"Ahhh. Pasabi na lang po na umalis na ako." ani ko.

"Sige, mag ingat kayo ah?" paalala ni mama. "Lumakad na kayo at mamamalengke din ako para sa lunch naten kasama si Storm." sabi ni mama.

"bye ma"

"bye titaaaaa" sigaw ni claudine dahil nasa labas pala siya at di na pumasok.

Sumakay na kami nang kotse at umalis. Masyadong mabilis lumipas ang oras. At habang lumilipas ang oras at mas kinakabahan ako.

"Uyyy Samantha, wag kang kabahan! Sigurado namng magugustuhan ni tito si Storm. Tiwala lang." sabi ni Claudine. Tumango na lamang ako.

"Beshyyyy, di na ako makakapunta sa inyo ah? Nagtext kasi si mama at pinapauwi na agad ako." sabi niya.

"Uhmm okay lang, hatid na kita pauwi?" ani ko.

"Hindi na, mag bus na lang ako. Goodluck beshyy" yumakap siya sakin at umalis na.

Biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag si Storm.

"hi babyyy!" Masigla kong bati sa kanya.

"baby, ano kasi....."

"Hmmm?"

"Baka kasi di ako makapunta ngayon eh, umalis kasi sina mama eh bantayan ko muna daw ang bahay."

"Ah. Sige next time na lang." malungkot kong tugon.

"Babawi na lang ako next time ha? I love you."

"sige." binababa ko na yong tawag at umuwi na ako.

Pagkarating ko sa bahay ay pumasok na ako sa loob.

"Maaaaa! Andito na po ako." pero nakakapagtakang walang nasagot.
Maya maya pa ay may nagpiring na sakin.

"I have a surprise for you" bulong sakin nang isang pamilyar na boses. It's Storm!

Di na ako nagsalita at naglakad na kami, inalalayan niya ako kasi nakapiring ako. Maya maya pa ay tumigil na kami sa paglalakad tapos at may iniabot siya saking kahon na medyo mabigat bago niya tinanggal ang piring sa mata ko.

Sa sobrang excite ko ay ipinatong ko ito sa study table ko at binuksan ito.

Nagulantang ako sa nakita ko sabay nang pagtulo nang luha ko.

Storm hugged me from behind then he whispered,

"Happy Anniversary baby, wala nang hahadlang sating dalawa. Pasensya na kung nadamay si tita, nanlaban eh"

Nanindig ang balihibo ko sa mga sinabi niya.

The gift that he gave me for our anniversary was my parents' head.

One-Shot Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon