It's June 9. It's our 2nd anniversary!
Excited akong bumangon at naligo.
Hmmmm! Ano kayang hinanda niya para sa celebration namin ngayon? Baka may surprise ulit siyaaa! Ano ba yan! Ako yung kinikilig sa mga iniimagine ko.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para umalis.
"Oh Crystal, pasaan ka at bihis na bihis ka ngayon? May lakad ka?" nagtatakang tanong ni mama.
"Hala ka ma! Nakalimutan mo? Kakatampo ka." kunwaring nagtatampo ako. Eto talagang si mama makakalimutin.
"Eh anong ngang meron?" tinitigan ko lang si mama. "Nako Taltal, wala ako sa mood makipaghulaan ah" tinawanan ko lang siya.
"2nd Anniversary namin ngayon ni Christian ma! Ano ba yan!" tapos tumawa ako. Agad namng natigilan si mama. "Uyyy si mama guilty kasi nakalimutan niya." tapos tumawa ulit ako. Ewan ko. Ang saya saya ko.
"Nak, tama naa. Ano ba yang sinasabi mo. Isang taon nang patay si Christian. Move on na nak." nag aalalang sabi ni mama.
Agad namng tumulo ang luha ko nang naalala kong wala na nga pala siya. Isang taon na ang nakalipas simula nung nagpakamatay siya dahil nakipagbreak ako. Ang plano ko lang namn is ang paglaruan siya. Di ko namn akalaing mamahalin ko siya nang ganito. Sinaktan ko yong taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan ako.