𝙏𝙝𝙚 𝙊𝙣𝙚 𝙏𝙝𝙖𝙩 𝙂𝙤𝙩 𝘼𝙬𝙖𝙮

9 0 0
                                    

(better read it while listening to The One That Got Away by Katy Perry)

"Good morning baby!" bungad niya sakin paggising ko. "Mag breakfast ka na, kakatapos ko lang magluto." dugtong pa niya. Tinitigan ko lamang siya. Hindi ko akalaing kasama ko na ngayon ang babaeng pinapangarap ko lamang noon.

"Kendric! Stop staring at me!" bulalas ni Iris.

Tinawanan ko lamang siya kaya tinalikuran niya ako.

"Sige pikunin mo ako. Agang aga kendric ah." aniya.

Niyakap ko siya mula sa likod niya.

"I'm sorry babyyyy. I just can't help it. Di pa rin ako makapaniwalang akin ka na." malumanay kong saad. "Don't leave me please" pagmamakaawa ko sa kanya.

"I won't baby." humarap siya sakin pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi ko. "I'm always here no matter what happen, I'll stay." unti unting tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko kasabay ang unti unting paglaho nang babaeng mahal ko.

Yes! It was all just my imagination.

~𝙰 𝚈𝚎𝚊𝚛 𝙰𝚐𝚘 ~

Padabog kong sinara ang pinto. I can't believe it. Napaka babaw niya.

" i can't believe you. Ikaw pa ang galit ngayon?" inis niyang sabi.

"I already told you! She's just my friend! Hindi mo ba ma-gets yon!?" iritado kong sagot sa kanya.

"May magkaibigan bang magkayakap? Ha, kendric?" tugon niya. "Paano kung maabutan mo kaming magkayakap ni Jayden, dba magagalit ka din?" dugtong pa niya.

"kino-comfort ko lang yung tao Iris!" pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit kanina ko pa gustong sumabog.

"Hindi mo ba nahahalata? Nagseselos ako! I don't need your explanations! Ang gusto ko ay yung lambing nang boyfriend ko, yung lambing mo! Yung gaya nang ginagawa mo dati tuwing magseselos ako. Pinaparamdam mo sakin noon na ako lang. Na wala nang iba." naiiyak niyang paliwanag." Pero nag iba yon nung dumating yang Sandra na yan. Lagi kang umaalis nang di ko alam. Lagi na lang Sandra, Sandra! Tang ina, paano namn ako Kendric?" Tuluyan na siyang umiyak.

" P*tang ina namn! Napakaarte mo lang kasi! Ang malisosya mo! Napakaselosa mo, napakababaw mo pa. Konting bagay may malisya na sayo. Nakakasakal ka na Iris! Nakakasawa na!" sigaw ko sa kanya. Nabigla namn siya sa mga sinabi ko.
Inayos niya ang mga gamit niya.

" Doon muna ako kina mama matutulog. Bukas na lang tayo mag usap kapag kalmado ka na." hinalikan niya ako sa noo pagkatapos at ngumiti siya nang pilit saka umalis.

Gulong gulo na ako. Di ko alam kung susundan ko ba siya o hindi. Baka kasi lalo kami mag away ngayon.

Natigil namn sa pag iisip nang biglang tumawag ang mama ni Iris.

"Hello po tita. Bakit po kay---"

"Kendric, si Iris. Naaksidente siya." umiiyak si tita. "wala na siya Kendric, napuruhan ang ulo niya."gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

~𝑬𝒏𝒅 𝑶𝒇 𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌~

Kung di ko sana pinairal ang init nang ulo ko, edi sana kasama ko pa siya ngayon. Kung agad ko lamang pinagbigyan yung gusto niya na lambingin ko siya, edi sana  kasama ko pa ang babaeng mahal ko.

𝓘𝓷 𝓪𝓷𝓸𝓽𝓱𝓮𝓻 𝓵𝓲𝓯𝓮, 𝓘 𝔀𝓸𝓾𝓵𝓭 𝓶𝓪𝓴𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓼𝓽𝓪𝔂

In a world full of "Stay with me." You are my "The One That Got Away."

One-Shot Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon