One Night Mistake

5 0 0
                                    

This is it. Ang araw na pinangarap naming dalawa mangyari, the wedding ceremony.

Habang isa-isang naglalakad papasok ng simbahan ang mga abay ay hindi ko maiwasang mainip dahil gusto ko ng makita kung gaano siya kaganda sa espesyal na araw na to.

Mama at papa na niya yong huling naglalakad, pagkatapos ay siya namn ang papasok. Sinara muna nila ang pinto ng simbahan. Maya maya pa ay tumugtog na ang paborito niyang kanta, yong A thousand years.

'The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart
Beats fast
Colors and promises'

Nagbukas na ang pinto nang simbahan, at nakita ko ang isang napakagandang babaeng nakadamit ng puting gown. Unti-unti syang tumunghay at ngumiti sa lahat ng taong nakatingin sa kanya.

'How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow'

Habang naglalakad siya ay hindi maiwasang lumuha. Hayy! Napakaiyakin talaga kahit kailan.

'One step closer'

She looked at me, and then smiled. I smiled back. Pero bakit ang sakit? Sobrang sakit na makita mo yong babaeng mahal mo, yung kasama mong bumuo ng pangarap. Yung babaeng pangangakuan at ihaharap mo sa altar ay sa iba na niya ginagawa.

'I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more'

She looked at the person behind me, yung bestfriend ko. Yung taong naging sanhi ng pagtataksil niya. And nagbunga ang lahat ng yon that's why he have to marry her. Sana alagaan at mahalin siya ng bestfriend ko, higit pa sa ginawa ko.

Tinapik ko siya sa balikat.

"Pre, alagaan mo siya ah. Wag mong paiiyakin yan." sabi ko sa kanya.

"Pangako pre."

Naglakad na sila papunta sa harap ng altar. Baka nga talagang ako lang yong naging instrumento ng tadhana upang buuin siya para sa iba.

And as they exchange their vows, tuluyan ko ng nilisan ang simbahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon