Chapter 12
Rosè's P.O.V
Since dahil ako ang director dito sa S.E company.Naka-isip na naman ako ng way for JenLisa. *evil laugh*
Well ang plano ko ay si Jennie at Lisa ang gagawin nameng model ng aming product magsasama sila sa photoshoot para sila ang mag-eendorse mismo.
"TING! Witty!" - thoughts
Humanda ka Manoban.
Dinial ko ang phone ko at tinawagan mga kailangan kong tao.
Matapos ko tawagan nagtungo ako sa mga department nila pero syempre kasama ang baby ko don.
Jisoo's P.O.V
"Hahahahahahahahahahaha!!" *laughing*Titigil sa pagtawa tapos titingin sa salamin.
"Ahahahahahahahahahaha!!" *laughing*
This is your time to shine Jennie paglalapitin namen kayong dalawa.
But may dagdag pa kasi kaming plano ni Rosé.
Ang magpanggap si Jennie na may bf siya at makakasama nila sa photoshoot pero syempre same with Lisa. Pero still wala pa rin silang alam sa plano nameng ito parang pagseselosin namen sila.
This is your moment Lisa mapapalapit ka sa babaeng mahal mo.
Jennie's P.O.V
Lunch time na kaya nagpasiya na rin akong tumayo.Kinuha ko na ang aking bag nang bumukas ang pinto niluwa nito sina Rosé.
"Hi Jen! Tara lunch na tayo!" - rosé *nakangiti*
"S-sige palabas na rin naman na ako eh!"
Nag-link arms na siya sa akin.
Nang makalabas kami bumungad agad sa amin sina Jisoo at Lisa nagulat ako kaya medyo napayuko ako.
"Ayan complete tayo masaya ito!" - jisoo
Naunang naglakad ang LiSoo kaya inangat ko na ang aking ulo at tinignan si Lisa.
Tahimik lamang kaming naglalakad panay bati ng mga empleyado nila pero si Lisa walang emosyong pinapakita.
Nang makababa kami sumakay na kami sa kotse ni Lisa at walang ano ano tinulak ako nang dalawa sa drivers seat kaya wala na ako choice kundi ang umupo doon.
"Kaloka mga kaibigan na ganito masyado ka ipagtutulukan sa taong mahal mo as in literal na tulak!" - thoughts
Umalis na kami tahimik lang byahe namen napapatingin ako konti kay Lisa, seryoso at tahimik na nagd-drive.
'Di rin nagtagal tumigil na ang sasakyan namen sa isang Restaurant ang 'Might Bite Restaurant' napakunot noo ako dahil naalala ko yung kanta ng Blackpink na 'Crazy over you'.... Yung part ni Ruby Jane Kim 'Feels wrong but it's right ,right Blacked out no night light Pinked out like fight night Maxed out of my mind and the price right Might buy Might bite'.
Natatawa na lamang ako astig.
Pumasok na kaming apat sa restaurant naghanap na kami ng uupuan namen ,nauuna si Lisa sa paglalakad nang makahanap siya umupo na kaming apat.
Magkatapat kami ni Lisa dahil si Jisoo hinatak niya si Lisa sa tabi niya ako naman sa tabi ni Rosè.
Lumapit na sa amin ang crew at inabot ang apat na Menu.
"Ang mamahal naman nito wala akong pera!" *medyo malakas kong sinabe*
"Okey lang Jennie sagot naman ni Lim!" - jisoo *hindi ako tinignan dahil abala sa pagpili ng pagkain*
"N-nakakahiya!"
"Wag kang mahiya si Manoban lang yan!" - rosé
Tinignan ko si Lisa tahimik lang parang walang naririnig.
Nakapag-order na kaming apat.
Pero ako heto nahihiya nakayuko kasi kaharap ko si Lisa.
"Jennie? May bf ka?" - jisoo *nakita ko ang pagkunot ng noo ni lisa*
"H-hindi ko alam kung masasabe kong bf ko pa siya!"
*confused*
"Ha ? Uhm bakit naman?" - rosé
"Kasi nung nag-aasikaso ako ng papers ko papunta dito Seoul okey pa naman sinasamahan pa niya ako pero nung nagresign ako at madalas na ako inaayos ang papers ko dun na siya di nagparamdam text at tawag ko hindi niya sinasagot, minsan pinapatayan pa ako at mas malala ino-off niya.. Hanggang sa wala na talaga hindi nagpaparamdam iniwan na lang ako tapos pumupunta ako sa condo niya laging wala hindi ko alam kung andun siya o di lang ako pinagbubuksan!"
Napatingin ako kay Lisa at wala talagang emosiyon sa mukha niya sa akin.
"Grabe naman siya! Kung ganyan din lang ibig sabihin ayaw ka nyang umalis at pinabayaan ka na lang niya!" - jisoo
"Sinabihan ko siya na ngayon ang alis ko pero wala di siya dumating kaya hindi ko na hinintay umalis na lang ako. Hindi naman ako ang una naging ganon sa kanya siya naman eh!"
"'Yaan mo na yan atleast malaya ka na! Ayaw ka ba niya payagan magwork abroad?" - rosé
"Ayaw niya nung una, pero di naglaon pumayag din tapos bigla na lang syang di magpaparamdam!"
"Anong pakiramdam na hindi ka payagan mag-work abroad?? At ano rin pakiramdam na bigla ka na lang iniwan ng ganon ganon lang??" - lisa *nakacrossarms at seryoso ang tingin sa akin*
Nagulat ako maging sina Rosé at Jisoo.
"Lisa!!" - chaesoo
Napayuko ako at natahimik bigla.
Dahil ganito ako noon sa kanya ngayon nararanasan ko ang sakit pala. Karma ko na rin siguro kung ano ang pinadanas ko sa kanya ngayon doble naman sa akin.
Hindi ko alam ano sasagot ko sa kanya.
"Wag mo ng sagutin tanong ni Lisa Jennie!" - jisoo
"Okey lang!"
"Aaminin ko masakit!" *napayuko ako konti na lang magbabadya na ang luha ko*
"Okey lang yan Jennie ang mahalaga may natutunan ka sa nangyari!" - rosé
"Marami dyang iba Jennie yung taong talagang nakalaan para sayo!" - jisoo
Dumating na ang aming pagkain.
Nagsimula na rin kaming kumain. Tahimik lamang kami at ako nakayukong kumakain.
