Simula

8 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Read at your own risk.

-----

I hurriedly make my way through the isle of the bus. Madaming pasahero ang nakatayo dahil sa rush hour.

"May bababa pa ba?!"

Kinabahan ako dahil sobrang sikip talaga sa loob ng bus at ang hirap umusad papuntang pinto.

"Wait lang po, manong!"

My body is almost touching everyone's. I ignored it. Ayokong lumagpas. Ilang gitgitan pa ang nangyari bago ako makapunta sa pintuan.

Sa wakas. Nakahinga ako ng maluwag ng madama ang lamig ng hangin pagkababa ng sinakyang bus. Hassle talaga ang mag-commute pero wala akong dapat sisihin dahil ginusto ko namang sa Manila mag-aral. More than one hour din ang byahe, nagiging higit pa sa dalawa kung malala ang traffic.

Pinagpag ko ang nagusot kong uniform. Inayos ko rin ang nagulo kong buhok. That's the life of a commuter. 

Nayakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. It's the start of the rainy season. Tumingin ako sa kalangitan habang hinaantay ang red sa stoplight.

'Uulan pa yata' 

Mabuti na lang at nadala ko ang payong ko.

Kasabay ng pagpula ng traffic light ay ang paghinto ng isa pang bus. I stare at the bus's door as if I'm waiting for someone. Kitang-kita na siksikan din sa loob nito. Maraming pasahero ang bumababa. Binalik ko ang tingin ko sa kabilang kalsada kung nasaan ang subdivision at tumawid na.

Tumakbo na ako dahil maabutan ako ng closing ng convenience store. Wala akong kakainin for dinner! Kailangan ko nang mag-grocery.

"Nakaabot ka pa!" hinahabol ko ang hininga ko ng pumasok sa loob. Inangat ko ang tingin ko sa matandang babaeng may-ari nitong store. Ang nag-iisang tao dito sa subdivision na nakakausap ko.

"Oho. Ang traffic po kasi sobra." Ngumiti ako kay Mrs. Ledesma bago pumunta sa rack ng mga cup noodles. I don't have time to cook. Wala rin naman akong maluluto sa apartment dahil wala ng laman ang ref ko kung hindi tubig. Parating na kasi ang midterms at kailangan kong maghabol ng backlogs ko.

"Pwede na 'to." I checked the label if I got the spicy one. Dumampot ako ng lima. Kumuha rin ako ng ilang canned coffee.

Tumunog ang windchime ng pinto, hudyat na may isa pang maswerteng gaya ko na nakahabol sa pagsasara ng store.

Umuulan na sa labas. Alas sais pa lang pero tuluyan nang nagdilim ang paligid dahil sa masamang panahon.

"Magpapatila lang ho ako ng ulan. Pwede ho ba sumilong?" Natigil ako sa pagkuha ng yogurt ng marinig ko ang boses ng lalaki.

"Oo naman. Aba'y nasaan ba kasi ang payong mo?"

"Naiwan ko ho. Hindi kasi ako tinawag nung nakalimutan kong dalhin." Tumawa ang lalaki sa sarili nitong biro. Narinig ko ang mahinang bungisngis ng matanda.

'Kasalanan pa pala ng payong.' Napailing ako.

Nakaharap na sa labas ng glass door ang lalaki ng pumunta ako sa counter para magbayad. Nakasuot ito ng uniporme ng kilala ring university sa Manila. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko na nakita ang mukha nito gayunpaman ay pamilyar siya sa akin. Hindi ko siya kilala sa personal pero nakikita ko siya.

Inabot sa akin ni Mrs. Ledesma ang paper bag ng pinamili ko. Nagpaalam na ako dahil nagmamadali na rin ito dahil magsasara na siya. Hanggang alas sais lang bukas ang store niya, matanda na raw siya at hindi na kayang tumagal pa hanggang gabi. 

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon