Napalakas ang pagkakabagsak ko ng pinto sa taranta. Nilingon ko ang sala kong napakakalat. Hindi naman talaga ako makalat na tao. Sadyang kumakalat lang kapag frustrated na ako sa hinahanap o ginagawa ko.
"Shi-shimizu? Joke lang! Hindi 'to prank!" Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap siya ng bahay ko. Agad naman akong nakonsensya sa pangbabagsak ko ng pinto sa kaniya. Dahan-dahan ko ulit binuksan ang pinto. Sinilip ko siya sa maliit na awang ng pintuan.
Tinignan ko siya ng mapanuri. Nakangiti ito at nagkakamot ng batok. Nakaitim itong hoodie at puti na jersey short.
"Bakit ka nandito sa apartment ko?"
"Bawal? Sayo tong buong apartment?" Muntik ko na ulit siyang pagbagsakan ng pinto sa pambabara niya.
"Wala kang susi ng gate. Paano ka nakaakyat dito? Akyat bakod ka no?" Natawa siya sa sunod-sunod kong tanong. I can imagine his horrifying look while climbing the gate.
"Aray naman. Hindi ako akyat bahay. Pinapasok ako ng landlord mo dito. Judger ka pala, Shimizu." Umiling ito na parang disappointed sa akin.
Nilakihan ko ng kaunti ang bukas ng pinto at lumabas. Sinara ko rin ang pinto at hinarap siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka nga nandito?" Umiwas siya ng tingin at tinignan ang mga halaman sa corridor. I don't own them. Sa landlord ang mga halaman na iyan at dinidiligan ko lang minsan kapag may time ako.
"Iaabot ko lang sana 'to." Inabot niya sa akin ang hawak niyang puting paper bag.
"Ano yan?" Kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay nito.
"Pagkain. Puro ka kasi cup noodles." Sinilip ko ang laman ng bag. Mayroong tatlong tupperware ang nakalagay doon. Nakasara ito pero naamoy ko agad ang mabangong amoy ng ulam. Kelan ba ako huling nakakain ng maayos na pagkain?
"Bakit mo ako binibigyan?" Binalik ko ang tingin sa kaniya.
"Hindi na nga kasi healthy yung mga kinakain mo. Huwag kang mag-alala. Walang lason yan. Si Mama ang nagluto niyan kaya safe." Nagthumbs-up pa siya sakin. Ano naman sa kaniya kung puro basura ang ipinapasok ko sa katawan ko. Hindi ko na ito sinabi.
"So sinasabi mo na kapag ikaw ang nagluto, delikado ang kalalabasan?" I smirked. Tinaasan ko siya ng kilay. Lakas pa niyang mang-asar na hindi ako marunong magluto siya rin pala.
"Marunong akong magprito, ha! Ng hotdog." Tinawanan ko lang siya.
"Salamat." Hinigpitan ko ang hawak sa paper bag. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. Nasanay akong mag-isa at hindi umaasa sa iba kaya hindi ko alam kung paano magpasalamat sa mga taong biglang nagpapakita ng kabutihan sakin.
"Walang anuman. May mainit na sabaw pala diyan. Humigop ka para mawala ang ginaw mo sa pagkakabasa sa ulan." Tumango lang ako. Tinitigan ko siya. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Umiwas siya ng tingin at tinignan naman ang mga nakasabit na halaman sa railings.
Ano nga ulit ang pangalan niya?
"Uh. Mauuna na ako para makakain ka na." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Nilagay niya ang hood ng suot sa ulo niya. Tinignan ko saglit ang paligid, huminto na ang ulan. Binalik ko ang tingin sa kaniya. Kumaway ito at tatalikod na sana nang marinig ang sinabi ko.
"Uhm. I forgot your name." Narinig kong tumawa ito ng mahina at humarap.
"Hindi mo naman ako pinansin nung sasabihin ko na ang pangalan ko." Huh, kelan? I don't remember.
"So ano nga?" Hinintay ko ang magiging sagot niya. Tumikhim muna siya at inayos ang postura. Inabot niya ang kamay niya.
"Dan Rivyle Revamonte. You are?" He extended his arms. Natawa naman ako sa full name introduction niya. Mga trip nito sa buhay.
BINABASA MO ANG
When it Rains
RomanceI love it when it rains for it makes me happy but too much of it is also drowning. It drowns me into sadness. 'Cause when it rains, it reminds me of you.