"Shit!"
"Over worked lang 'to."
"Are you alright?"
"Yes. I just a need a rest."
"You don't seem okay!"
"I'm okay. I'm going to be fine. Why are you mad? Come here, mababasa ka ng ulan."
"No, you're not fine! Look at you. You're not the same person I had first met before. You changed a lot. At hindi ako galit."
"Ano bang sinasabi mo? Ako pa rin 'to. Halika na dito."
"Huwag mo ako idaan diyan sa tawa mo, please lang."
"Akala ko ba hindi ka galit?"
"I am not. I'm just...Okay, I'm sorry."
______
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala sa madilim na langit. I rest my hands on the cold metal bench of this shed.
Payong. Bakit kasi hindi mo ako tinawag nung naiwan kita sa lamesa. I laugh at the silly joke. Napailing ako.
Tumulo ang mainit na luha sa aking pisngi. Nakakainis. I did my best to submit it on time. Inagahan ko pa ang pasok ko kanina, mas maaga sa usual na oras ng pasok ko.
Sadyang...napapikit ako sa takot ng maalala ko ang nangyari kaninang umaga. Ayoko nang alalahanin. Nagkaroon pa ng deduction ang pinasa ko na output dahil doon. Muntik na rin akong masigawan ng prof sa first subject ko dahil halos patapos na ang klase nang makarating ako. Ang malas lang.
Pinahid ko ang basang pisngi ko. Hindi ko na alam kung saang kamalasan ba ako naiiyak ngayon.
Niyakap ko ang bag ko. Halos basa na rin ang katawan ko. Umuulan na kasi ng malakas pagkababa ko ng bus kaya sinulong ko na ang ulan, at ngayon ay nilalamig na ako.
"Psst! Psst!"
Rinig ko ang malakas na sitsit ng tao sa hindi kalayuan. Hindi ko ito pinag-aksyahan ng oras para tignan dahil hindi naman ako ang tinatawag nito. Shimizu ang pangalan ko, hindi sitsit.
Narinig ko na tumawa ang lalaking kanina pa sumisitsit. Awtomatikong umangat ang tingin ko. Bumungad sa paningin ko ang lalaking nakangiti. Sana lahat ng tao masaya diba? Nagkamot ito ng batok at umiling.
Saglit akong namangha sa tangkad niya. I failed to appreciate his tall physique the last time I saw him. Malayo siyang nakatayo mula sa kinauupuan ko kaya naman kinuha ko ang tsansang iyon para pagmasdan siya. He's wearing his usual school uniform. White long sleeves polo and a red neck tie paired with black pants. Bagsak ang itim niyang buhok na umaabot sa kaniyang kilay. Nakasabit sa kaniyang balikat ang itim nitong satchel bag.
It's been a week since our interaction under the rain happened. Kung siguro hindi nangyari iyon ay lalampasan niya lang ako ng lakad katulad ng dati. Ganun din ako. Walk pass by as if we're not existing in each other's world.
Inalis ko ang tingin sa kaniya at nilipat ulit sa kalsada.
"Sabay ka na." One week at hindi ko na siya ulit nakita. Ngayon na lang ulit. Bahay at university lang kasi ang routine ko. Minsan lumalabas ako para bumili sa convenience store o kaya para pumunta sa mall. Maaga rin ako umaalis nitong mga nakaraan dahil nagpapasa ako ng mga backlogs ko sa faculty.
Nawalan ako ng interes sa kalsada kaya naman nilipat ko ang tingin ko sa kalangitan.
Narinig ko na naman ang tawa niya. Napakagaan. Hindi masakit sa tainga.
BINABASA MO ANG
When it Rains
RomanceI love it when it rains for it makes me happy but too much of it is also drowning. It drowns me into sadness. 'Cause when it rains, it reminds me of you.