3

0 0 0
                                    

"Hindi ko alam anong trip ng prof namin para magpaquiz ng topic na di naman niya diniscuss samin." Halos magulat ako ng ibagsak ni Kim ang libro niya sa TOP sa lamesa. Balak pa niya atang manira ng table dito sa coffee shop.

May ilang napatingin sa direksyon namin. Niyuko ko agad ang ulo ko at tinuon ang atensyon sa binabasang libro.

"Baka naman expected niya na nag-advance reading kayo." Sumimangot lalo ang mukha ng katabi ko. She's my best friend. Iba ang course niya kaya hindi kami madalas magkasama. Himala nga at nagpakita ito ngayon.

"Bahala na. Nagugutom na ako. Anong gusto mong kainin Shimi?" Inabot ko sa kaniya ang wallet ko dahil nasa libro ko na ang buong atensyon ko.

"I don't want to eat. Iced americano lang." Kita ko ang pagngiwi ng mukha niya. Kinuha niya ang wallet ko.

"Magkakape ka na naman? Hindi ba bawal na sayo?" I just shrugged my shoulder. Sumuko din siya at pumunta na sa counter.

Sinara ko ang libro ko at pumunta muna sa powder room. Naghilamos ako ng mukha dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Last day na bukas ng exam. Unti na lang, Shimizu.

Inayos ko muna ang hitsura bago bumalik sa table namin.

Akala ko ay nakabalik na si Kim pero wala pa rin siya. Tinignan ko ang counter. Wala siya. Then I realized na wala na nga ang gamit niya sa table namin.

I checked my phone and saw her message.

Kim: I'm sorry. Wala ka sa table kaya hindi na ako nakapagpaalam. Nagkaroon ng emergency meeting sa journ.

Kim: Bawi ako next time :3

Napabuntong hininga ako ng mabasa ang text niya. I understand naman. She's a busy person dahil tutok din ang isang yun sa acads plus may org pa siya. I appreciate the small talks we had and even if its short, its stills makes me happy.

Inayos ko na ang gamit ko at umalis na rin. Uuwi na ako. Sa bahay na lang ako mag-aaral.

Tumawid na ako ng kalsada at saktong may paparating na bus. Punuan na yata ito pero wala nang bago. Rush hour na dahil uwian na lahat ng school pati trabaho.

Nang makasakay akong bus ay may iilan nang nakatayo. Naglakad ako hanggang sa gitna.

"Sorry." Agad akong humingi ng pasensya sa lalaking nabunggo ko.

"Shimizu." Agad na umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo rin sa gilid ko.

"Dan" Napapadalas ang pagkikita namin ngayong linggo. Naalala ko ang nangyari noong isang araw. Nanlamig ang pakiramdam ko.

Hindi na nadugtungan ang batian namin. Umandar na rin ang bus kaya naman kumapit ako ng mahigpit sa handle na nakasabit sa taas.

Ramdam ko ang balikat niyang nakadikit sa akin. Naka-itim itong tshirt at pula na jersey shorts. Nakataas ang mga kamay niyang nakahawak sa sports bag na nakapatong sa taas ng bus.

"Saan ho kayo?" Nalipat ang tingin ko sa konduktor na naniningil na ng pamasahe sa unahan. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang wallet. Kumunot ang noo ko. Kinapa ko ang bawat sulok ng loob ng bag pero wala akong mahawakan na wallet.

Nanlamig ang katawan ko. Shit!

I immediately dialed Kim's number.

Kim: Shimizu, bakit?

Ako: Wallet.

Iyon na lang ang nasabi ko. Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya. Napapikit ako.

Kim: Oh my! I'm sorry! Nakalimutan kong ibalik sayo! Nasa coffee shop ka pa ba? Tatakbo ako papunta diyan.

Ako: Bus

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon