Napahinto kami sa paglalakad nang mapansing tahimik na sa classroom namin. Namilog ang mga mata ko nang makita sa relo ko kung anong oras na.
Oh, my gulay! Alas nuebe singkwenta na pala. Late na kami ng limang minuto sa klase. Bakit ang bilis ng oras?
"Pumasok ka na dali," utos ko sabay tulak sa kaniya papasok.
"Ikaw muna. Ladies first." Pinandilatan ko siya ng mata.
Kahit kailan talaga, Renz.
Kapag grasya ang usapan, siya palagi ang nauuna pero kapag ganito na, naduduwag na siya.
Kung hindi lang ganito ang eksena namin, baka kanina pa ako kinilig sa banat niya kaso ibang usapan na 'to, eh.
Late na kaming pareho at si Sir Hitler pa ang subject teacher namin ngayon. Double kill.
Nakakainis naman kasi si Sir. Ang aga naman niya palagi kung pumasok. Tapos mamaya mag o-overtime pa siya.
Lord, help me. Iyon na lang ang nasabi ko with matching sign of the cross pa.
"Hehe, sabi ko nga ako ang mauuna." 'Yon naman pala, eh. Pumasok siya nang dahan-dahan at tahimik na tumungo sa upuan niya.
Diyos ko po. Huwag ninyo po sana hayaang lumingon si Sir sa pintuan, sambit ko habang humahakbang na rin papasok.
Nagulat ako nang bumalik si Renz at hinawakan ako sa pulsuhan.
Ano ba ang ginagawa niya?
"I'm sorry Sir, we're late." Kasabay no'n ay ang hiyawan ng mga kaklase ko dahil hindi pa rin niya ako binibitiwan.
Bigla kong binawi ang kamay ko nang mapatingin si Sir sa amin.
"Pinatawag po kasi kami ni Mrs. Borja sa office niya," dagdag pa niya. Saan naman nanggaling 'yon?
Gulat akong napatingin sa kaniya dahil seryoso ang pagkakasabi niya no'n. Ngumiti lang siya sa 'kin bago bumalik sa upuan niya.
"It's okay, Mr. Ponce. Take your seat." Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Muntik na 'yon, ah? Pakiramdam ko kakulay ko na ang hinog na kamatis sa sobrang pula ng mukha ko.
Napayuko na lang ako at nagkunwaring hindi apektado sa eksena kanina pero ang totoo, kinikilig na naman ako. Nakakainis!
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa may upuan niya. Ang kumag, kinindatan ako. Napairap ako sa kaniya nang wala sa oras. Iba na naman kasi ang dating no'n sa 'kin mga day.
Naku, Jasmine. Malabo na yatang mawala ang feelings mo riyan sa best friend mo, pagkausap ko sa sarili.
Tanggapin mo na kasing inlababo ka na sa kaniya, dagdag ko pa. Umamin ka na kasi. Malay mo may gusto rin pala siya sa 'yo.
Mahina kong sinampal ang aking sarili upang matauhan ako.
Muntikan na kayo kanina at lahat, iyon pa rin ang iniisip mo? saway ko sa sarili.
Masuwerte pa rin naman pala ako kahit papaano. At 'yon ay dahil sa kaniya, sa talent niyang magpalusot.
Imbes na magfocus ako sa lesson ni Sir, kung ano-ano pa ang pumasok sa utak ko.
Kung ano ang topic namin ngayong araw? Engk! 'Di ko alam. Utang na loob nag-lo-loading pa ang utak ko nang biglang...
"Sir?" pang-aabala ni Renz. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtaas ng kamay.
In fairness, attentive. Hindi man lang na-distract.
"Yes, Mr. Ponce?" tapos inulit pa nito 'yong mala nobelang tanong kay Renz sa pag-aakalang sasagot siya.
"P'wede po bang tumabi ako kay Jasmine? 'Di ko po kasi makita 'yong sinusulat ninyo sa chalk board, eh. Baka po kasi mag-quiz kayo."
Napahagalpak sa tawa ang mga kaklase ko. Akala pa naman namin nag-volunteer siya upang sagutin ang tanong ni Sir.
"Yes, you may, Mr. Ponce." Nag-poker face muna si Sir bago ipinagpatuloy ang aralin. Lagot na.
Pahamak ka talaga Renz kahit kailan. Iyon na lamang ang nasambit ko sa isip.
Napayuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkopya sa nakasulat sa chalk board. Um-absent nga pala 'yong seatmate ko ngayon dahil nagi-LBM daw.
Mabilis siyang nakalipat ng upuan. "Ang init naman dito, grabe," pagrereklamo niya nang makaupo na.
Ginawa pa niyang pamaypay 'yong notebook niyang dala. Naniwala naman si Sir na 'di niya nakikita 'yong nakasulat sa board eh, tamad kayang magsulat ang mokong na 'to.
Napailing na lang ako. Kaya nga madalas na 'di ako nakakapag-focus sa klase dahil sa pang-iimpluwensiya niya.
"Jazz," bulong niya sabay yugyog sa upuan ko. Kita ninyo na? Nangungulit na naman.
"Oh?" Nakakunot-noong tugon ko.
"May partner ka na sa Prom?" Napaka out of the blue naman ng tanong niya. Ngayon talaga niya naisipang itanong 'yan?
"'Wag mo nga akong ginugulo, nagsusulat ako, eh." Hindi naman ako mukhang nagbibiro ngunit natawa siya sa isinagot ko. Hindi lang basta tawa 'yon dahil napalakas talaga.
"Mr. Ponce!" singhal ni Sir. Napapikit ako sa kinauupuan ko. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko.
Seryosong tumayo si Renz at prenteng inilagay sa bulsa ng pantalon ang dalawa niyang kamay. Kalmado pa siya niyan ha? komento ko sa isip.
"Based on what you have said Sir, ahm..." Inilagay pa niya sa sentido ang kanang kamay at nagkunwaring nag-iisip ng sagot. "Hindi puwede at lalong 'di ako makakapayag na ang origin ng mga tao ay unggoy. Paano na lang ako, Sir? Tayong lahat na nandito? Sa gandang lalaki nating 'to, sa apes tayo galing? Oh, come on." Kampante siyang naupo pagkatapos magsalita.
"Nice argument, Mr. Ponce, but based on the Theory of Evolution of Charles Darwin, we people, came from apes," paliwanag ni Sir.
Napanganga na lang ako. Akala ko talaga hindi nakikinig 'tong si Renz. Mabuti na lang talaga.
Nang mapalingon ako ulit sa kaniya, mas lalong tumodo ang kaniyang pagngiti.
"Oh, bakit?" Kunwari iritado ang tono ng pagtanong ko pero ang totoo, pinipigilan ko ang sarili kong kiligin at ngumiti pabalik.
"Paano ka naman makakapagsulat, eh pinahiram mo sa 'kin 'yong ballpen mo kahapon." Gulat akong napatingin sa kanang kamay ko. Wala nga talaga akong hawak na ballpen.
Hay kainis! Lutang na talaga ako.
Tiningnan ko siya nang masama na siya namang ikinatawa lalo. Sayang-saya talaga siya tuwing inaasar ako eh, 'no? Ang suwerte ko sa kaniya, promise. I-mine n'yo nga 'to.
(ᵔᴥᵔ)(ᵔᴥᵔ)(ᵔᴥᵔ)
BINABASA MO ANG
Loving You Secretly [Completed] ✓
Non-FictionBased on a true story. Copyright© 2021 Odrilicious Disclaimer: This story was written in Filipino. Word count: 11,592 words Cover Design: Canva