December 06, 2016, Tuesday
9:01 p.m.ASTRID:
Congrats, Lala, instant celebrity ka na
LALA:
Hala! Napanood mo rin?!?!
ASTRID:
Wala naman akong ginagawa sa bahay haha
LALA:
AKALAIN MO YUN?
AKO, NABUNTIS NI HANSOL?
DATI PANGARAP KO LANG YUN PERO NGAYON HINDI NA! GRABE SILA MAKAPAG-SPREAD NG TSISMIS JUSKO
Pero grabe rin talaga yun ah, ang lakas din ng loob lumapit ng lalaking yun! Nakakainis! Ang kapal ng apog! Kagigil!
ASTRID:
I've never seen you that mad. Sorry kung nas-stress ka dahil sa sarili kong matter
LALA:
Nukaba. Best friends tayo diba? Your problem is also my problem
Pero sis, ayaw mo ba talaga muna makausap?
I slapped him two times, but he still has the guts to tell me he's not gonna listen to me
Gusto ka talaga niya makausap
ASTRID:
It's best not to talk to him
LALA:
Hays sigi sigi. Sana lang talaga 'di ka na niya muna lapitan 'pag pumasok ka na. Space kailangan mo ngayon no at hindi ang paliwanag niya
ASTRID:
Lala
LALA:
Yes po?
ASTRID:
Nag-chat nga pala sakin si Henson kanina sa Facebook
LALA:
Truly? Ano sabi?
ASTRID:
Wala, casual conversation lang
Ang weird lang kasi di ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan na siya ba talaga yung kausap ko kahit may proof na naman na si Henson talaga yung kausap ko
Kaso alam mo yun? Medyo nakaka-trauma rin pala. Convinced ako dati na si Henson kausap ko. Kapag kausap ko siya via text, siya yung naiimagine kong nagrereply sakin tapos malalaman ko, iba pala ang kausap ko?
Pero di lang yun eh. Parang nawalan din ako ng amor kausapin si Henson nung nagchat siya sakin. I'm not sure kung dahil ba sa nagkaroon na ako ng trust issue pero ewan ko. Gulong-gulo na utak ko hayy
LALA:
Don't talk to them muna. Alam kong walang alam si Henson sa mga nangyayari pero para sa sarili mo, wag mo muna sila kausapin
It's not like you don't trust Henson. Di pa kasi gaanong nagsi-sink in sayo yung mga pangyayari. Saka busy rin naman si Henson so I'm pretty sure he won't mind if you do not reply
YOU ARE READING
Mistaken (Epistolary | Revising)
RomanceAstrid thinks that sheʼs exchanging text messages with her crush. Little does she know, the replies are from someone she dislikes. Done editing: 108/141 parts