Ika-apat

1 1 2
                                    

                         Dedicated to: aegicream


Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi pa'ko nagigising.  Nabo-bother nako ah. Hmp.


Pero... inaamin kong hindi to ang unang pagkakataon na naranasan kong managinip ng ganito. 


Nung bata ako, naalala kong nananaginip ako ng mga bagay na nacocontrol ko, kung saan saan napupunta, kahit saan mo gustuhin.



Pero hindi ganito katagal, hay nako naman oh.




Tumitingin ako ng mga disenyo sa dingding nang may narinig akong ingay. Parang  may mga paparating.




"Nariyan na sila, Savannah."





" Azalea, yung mga binhi na gagawin nating palamuti para sa darating na paligsahan, saan ilalagay? " Tanong ng isang kulang pink na lambana pagpasok ng bulwagan.






" Fleur, hindi ba sinabi ko na sayo na sa likuran ng magiging upuan ng mga bawat lambana? Nakalimutan mo na naman ba?" Sagot ng isang magandang lambana. Nagliliwanag na kulay rosas at may ukit na magandang uri ng bulaklak ang kaniyang pakpak.  Napakaganda rin ng  kulang kremang buhok niya. Taray ni ate girl.


Napakamot ng ulo yung tinawag nyang Fleur.



"Ah hehe, oo nga no? Naalala ko na. Mga tulips pala yun Aza, hehe."


" Carnations, Fleur. "  Inis na pagtatama naman nung fairy na pangalan Azalea.




Hindi nila ko napansin marahil nasa sulok ako ng malaking bulwagan. Natawa na lang ako sa usapan nila. Mukhang makakalimutin si Fleur.




"River, handa narin ang mga isda sa kanilang presentasyon. Nasanay na sila ni Loch." Sabi ng mga sunod na pumasok. Pamilyar ang unang nagsalita, siya ata yung nakabagsak sakin ng dala nila kanina. Lintek ka bhie.




" Mainam. Malapit na tayong matapos sa mga preparasyon. Sa ngayon, magpahinga muna kayo. " Sagot ng kasama niya.  Napahinto ako  natulala sa lalaking nagsalita. Hindi rin nila ko napansin. Kaya't malaya ko siyang napagmasdan.




Long blonde hair, portruding brows and sharp eyes. Thin red lips that seems the word smile isn't in his vocabulary. His low voice and the way he speak, screams power. His is masculine and has well built body, and a very wonderful blue wings. Mayroon itong napakagandang disenyo ng nakaukit na alon. A unique one, though. Napatigil ako sa pagmamasid nang magsalita si Orion.

Oh no, may pogi sa panaginip ko. Omg.



" River, Royo, mainam at malapit na kayong matapos sa inyong preparasyon. Mahusay! "



" Salamat, Orion. " Tugon ni Royo. Tango lamang ang iginawad ni River.



Pansin ko ring may kwintas siyang suot. Kulay asul na nagniningning ito na parang dagat.  Nice, san niya kaya nabili yan?





Sunod sunod na nagsipagdatingan ang iba pang mga lambana. Dahil sa kumikinang nilang mga pakpak at sari sari ang kulay, para nang may rainbow sa loob ng bulwagan. Natawa ko ng slight dahil don.



" Lakas maka- Pride Month ah! Cute nyo!" Tawa kong sabi kaya napalingon sila sa gawi ko.




" Sino ka?" Tanong ng isang kulang violet na fairy. Nakita ko ang disenyong parang ipo-ipo sa kanyang pakpak. Mabilis rin ang kaniyang paglipad papunta sakin.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kabilang DakoWhere stories live. Discover now