Nakapagbihis nako't lahat pero wala padin si Mama. Saan ba 'yon nagpunta? Di nagsasabi eh.
Napatingin ako sa relo, 6:30 pm . Wala padin siya.
Pumunta muna akong kusina, good thing may ulam na. Mauuna na kong kumain kay mama hehehe.
May nakita akong nakatuping papel, nadadaganan ng baso sa lamesa, kinuha ko yon at syempre alam ko na agad kung kanino galing.
"Sav, anak hindi muna ako makakauwi hamggang bukas. May kailangan akong asikasuhin. Malapit na Sav, malalaman mo rin..." Ang nasa sulat.
Ano namang malalaman ko? Hmp. Nakakapagtaka,ngayon lang lumabas si mama ng di uuwi hanggang kinabukasan. Wait, don't tell me may boyfriend siya?!
Habang nanood ng tv, biglang nagring ang phone ko. Sino naman to?
"Hello? " Ako.
"Hello, Avah? Nandyan ba sa inyo si Maui? Pakisabi naman na umuwi before 9, ang batang yan di nagpapaalam! " Tita Mel
"Ha? Tita wala po, nagkahiwalay po kami kanina pang hapon sa sakayan ng jeep." Ako. Aba ang babaeng yon? San naman kaya nagpunta, gabi na ah!
"Eh ganun ba? Wala bang sinabi kung saan siya pupunta? Nako ang batang yun talaga! Pinag aalala ako! " Panic na sabi ni Tita.
"Sige po tatawagan ko." Ako.
Nagpaalam na kami sa tawag at sinubukang contact-in si Maui. Malilintikan ka sa nanay mo babae, sinasabi ko sayo!
Pero wala. Nagriring lang ang phone niya pero hindi sumasagot.
" Inday, yare ka sa mama mo. San ka pumunta? Di ka nagsasabi ah! Umuwi kana😠"
Tinext ko nalang siya dahil hindi nya sinasagot ang tawag.
Kinakabahan nako, baka naman napano na siya? Engot pa naman yon.
Nakatulog ako ng walang update galing kay Tita Mel. Siguro naman nakauwi si Maui, di naman siya yung tipong naglalakwatsa.
Kinabukasan, naligo agad ako at nagbihis. Since di umuwi si Mama, hindi na ko dito mag aalmusal. Kaloka, san kaya lumarga si mama? Hmmm.
Pagkababa ng jeep, hindi muna ako dumirecho sa gate ng school. Kailangan ko pa bumili ng pagkain sa 7/11 dahil di pwedeng wala akong kainin. Ayokong maging bangag sa room ha.
Pagkabili ng hotdog at kape, umupo muna ko sa lamesa at kumain. Habang kumakagat sa hotdog,nakita ko ulit yung butterfly kahapon. Naglipana naba ganyang butterfly? Bat walang nakakapansin? Ako lang ba? Buang.
Kumikinang talaga siya, ang ganda tignan ng silver na kulay, kakaiba.
Pag inom ng kape, muntik ko nang maibuga dahil sa pagdapo sakin nung stunning butterfly.
"Aww. Swerte ka kaya? Hahahahahah wag ka aalis dyan ha. " Ani ko habang kinukuha yung phone ko. Kailangan mapicturan ang ganitong moment no.
Pagkatapos non, nilagay ko agad siya sa story.
*Stunning silver butterfly*
![](https://img.wattpad.com/cover/240810760-288-k987273.jpg)
YOU ARE READING
Kabilang Dako
FantasiaArmaria: Kabilang Dako Lumaki at nabuhay ng normal si Savannah, ngunit dahil sa isang libro, nabago ang takbo ng buhay niya, at natuklasan ang mga bagay, na ibang iba sa kinalakhan niyang mundo.