Ikatlo

2 1 0
                                    

Arma.. ano? Ano daw?



"Ano po...? " takang tanong ko.



"Armaria... Ang kabilang dako.." sagot nya

Hindi ko parin maialis ang tingin ko sa lugar. Asul na langit, mga bundok  at mga ibong nagliliparan. Isama mo pa yung apat na moon sa langit kahit maliwanag pa.


Para akong nasa magical world.




Napatingin ako sa mataas na talon, dahil may nakita akong lumilipad. Parang...fairy?


Fairy?!



Ang ganda namang panaginip, favorite ko talaga lumalabas ha!



Namamangha ako sa tinatanaw kong isang fairy na nasa taas ng talon. Mayroon siyang kulay luntiang pakpak, katulad ng dahon. May kausap siya sa puno at di pa kami napapansin. Ng biglang..



"Aray! " Sigaw ko habang sinasapo ang noo ko. Para akong nabagsakan ng bato ha! Ang sakit naman...



"Ay, pasensya na! Nabagsakan kaba ng kabibe? " Sigaw ng isang....fairy..




Dalawa pang fairy pero eto, malapitan... Kumikinang na kulay asul na pakpak, pero ang katawan parang sa tao lang. Blonde na buhok at kasing laki ko rin sila. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinagmasdan ko nang mabuti ang itsura nila, napaka... imposible.  Ngunit bigla kong naisip na panaginip lang naman pala to. Hmp.





Hindi nila ko natatanaw dahil sa malaking buhat nila, habang lumilipad. Nananatili parin akong nakatitig sa kumikinang nilang pakpak. Napakaganda. May mga linya na parang alon sa dagat.





"Ayos kalang ba Savannah? " Tanong ni Orion.




Tumango lang ako habang nakatitig parin. Nakakangalay naman, bat di sila bumaba?



"Ah, Orion. Mauna kami dahil dadalihin pa itong mga kabibe kay River.." ani ng isa pang fairy. 



"Oh sige Aqua, Royo, mag ingat kayo." Ani ni Orion sa kanila.



"Pasensya na ulit...uh.." sabi nung Aqua ba 'yon?



"Ah, Savannah.. ayos lang." Kahit masakit talaga.





"Savannah? Bagong lambana? " Takang tanong ni Aqua.




"Uhm hindi—"



"Mauna na kayo at hinahanap na ni River ang inyong dala..."  Putol ni Orion kay Aqua.




Nagpaalam ang dalawa at lumipad na palagpas ng talon.




"Ang ganda ng pakpak nila..." Ani ko kay Orion na nasa balikat ko.




Nasa balikat ko?!





"Ahhhhhh!!!!! Orion bat ka nandyan?!" Sabi ko habang pinapagpag ang damit ko.




Dali siyang tumalon sa bulaklak sa harap ko.





"Napaka matatakutin mo naman, mahilig ka sigurong uminom ng aisma.." ani niya ng natatawa.



(Aisma = Kape )


"Aisma? Asthma? Oo magkaka- asthma ko ng dahil sayo hmp! " Turan ko habang tinatanaw ulit kung saan lumagpas sina Aqua at Royo.


"Kung iyong napansin, ang kanilang mga pakpak ay asul katulad ng dagat. May guhit ng mga alon..." Ani niya.





Kabilang DakoWhere stories live. Discover now