Tunog ng alarm ang nagpagising sa'kin ngayong umaga. Puyat ako kagabi dahil sa sandamakmak na reviewers, midterms na naman kasi psh.
Saglit muna kong tumulala sa kisame, inaalala ko kung may naging panaginip ba'ko, ramdam kong meron pero di ko maalala. Why can't I remember my dream? Feel ko maganda eh, sayang!
6:30 am ng tumayo ako ,uminom ng tubig saka kumuha ng twalya,handa ng maligo.
Papasok na sana ako sa cr ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko."Oh Sav, dalian mo na kumilos at pagtapos mo kumain na,may exam kapa ngayon ha"
si Mama."Opo ma.." ani ko habang papasok ng banyo.
Pagtapos maligo,naglagay muna ako ng lotion bago magbihis ng school uniform.
Pagtapos ko magsuklay ay lumabas nako ng kwarto."Oh kain na,dalian mo at baka ma-late ka"
"Goodmorning ma." sabi ko at kiniss sya sa pisngi.
"Focus sa exam anak,alam kong mataas ang makukuha mo dahil nakita kong naghirap ka magreview kagabi"
"Yes ma don't worry,kelan po ba ko bumaba? " I said with a smirk and hint of joke.
"I know I know,alam ko namang mana ka sakin" biro pabalik ni Mama.
Dinalian ko na kumain dahil baka ma-late ako,hindi pwede yon dahil strict first prof namin geez.
"Bye ma! Alis na po ako!" Sigaw ko kay mama habang palabas sa gate.
"Ingat anak! Gdgd!!" Habol ni Mama.
"Gdgd ma!!"
Natawa naman ako kay mama habang nag aabang ng jeep, gdgd pa nga. Sinasabi namin yon sa isa't isa bilang goodluck times 2,mais no?
Nang makasakay ng jeep, inayos ko muna ang palda ko,mahirap na,baka may manyak no!
As I put my earphone on ,a woman suddenly sat in front of me. Ang ganda ni ateng. Maputi,makinis,mahaba ang buhok,maamo ang mukha at parang mabait,ang perfect naman. She's in her late twenties or early thirties, I guess.
Sa gitna ng pagtulala ko sa ganda ay bigla nalang siyang lumingon sakin, napatalon ako slight at umiwas ng tingin,nakakahiya amp!
Pagbalik ng tingin ko sa kanya ay ngumiti lang siya,na nagpatigil ng mundo ko.
Ngiting may halong saya,pangungulila,lungkot. Parang hinaplos ng ngiti niya ang puso ko,bigla rin akong nalungkot,namiss ko agad si Mama. Weird.Ang bilis ng tibok ng puso ko,ano ba 'to? Ngayon lang ba'ko nakakita ng maganda? Lagi naman akong nagsasalamin ah!
Nilipat ko nalang ang tingin ko sa labas, at may nakita kong silver na butterfly. Wow. Meganon pala? Ang ganda ha! Anong species naman kaya yon?
Sinundan ko yun ng tingin hanggang sa mapadpad sa balikat ng magandang babae sa harap ko. Nagulat ako kasi parang ngumiti ng marahan yung babae sa butterfly,na parang pet niya or something.
Grabe may ganon palang butterfly?
Yung ibang nakasakay sa jeep parang wala lang sa kanila,di ba nila napansin? Kumikinang kaya yong butterfly! Imposibleng di nila nakita. Hay yaan mo na,malapit na pala ko bumaba."Bayad po..." Sabi ko bago ko pa makalimutan. Ang dami ng naluging jeepney driver dahil lagi kong nakakalimutang magbayad,pisyow.
Bago ako bumaba,tumingin muna ko sa babae,ayan nanaman ang ngiti nya,di ko na pinansin at bumaba nako.
Bakit kaya parang ang lungkot ng ngiti nya? At bakit mabilis tibok ng puso ko kanina? Parang, ugh, di ko mapaliwanag, na gusto ko siya yakapin.

YOU ARE READING
Kabilang Dako
FantasyArmaria: Kabilang Dako Lumaki at nabuhay ng normal si Savannah, ngunit dahil sa isang libro, nabago ang takbo ng buhay niya, at natuklasan ang mga bagay, na ibang iba sa kinalakhan niyang mundo.