Chapter 6

4K 129 44
                                    

Ride Home

Our encounters after that couldn't be more tensed. Pareho kaming walang imik at nakasimangot sa loob ng sasakyan. Pati tuloy si Manong Kiko ay tensyonado na rin.

Nauuna akong ibaba ni Manong dahil mas unang madaraanan ang kabahayan. Sa tuwing ganoon, sinusulyapan ko si Gideon ngunit suplado lang siyang nakatingin sa labas. Tahimik na lang akong bumababa.

Days passed excruciatingly slow. Kapag magkalapit kami ng landas ni Gideon, parang bumabagal ang oras. Sa tuwing nandyan siya, gusto kong ako na mismo ang magikot sa mga kamay ng orasan para lang magkahiwalay na kami agad. 

It was one afternoon that I decided to agree going out for dinner with Theo. Hindi dapat ako kinakabahan nang sumungaw sa sasakyan para makausap si Manong, pero kahit anong pigil ko, tensyunado ako lalo pa't alam kong nakikinig si Gideon sa backseat.

"O, ba't hindi ka sasabay ngayon, Morrigan? Org ba ulit?"

"Uh, hindi po, Manong. May lakad lang po kasama ang kaibigan."

"Naku, e, paano ka uuwi n'yan? Baka gabihin ka. Alam mo namang wala na masyadong sasakyan patungong rancho."

I glanced at the backseat and saw Gideon slouching there. Bahagyang nakakunot ang noo niya, ang siko ay nakatukod sa bintana at pinaglalaruan niya ang kanyang pang-ibabang labi. He glanced at me when but when he saw me looking, he immediately looked away. I cleared my throat.

"Magpapahatid na lang po ako, Manong."

"Sino bang kasama mo at nang mapanatag ang loob ko? Baka pagalitan ako ni Donya kapag nalamang kung kanino lang kita pinasama."

"Uh..." I cleared my throat. "Si Theo, po..."

"Theo? Theo Fuentes? 'Yong anak ni Richard Fuentes?" 

Umaliwalas ang mukha niya. Kilala kasi rito ang mga Fuentes bilang mababait. Lahat ng miyembro ng pamilya nila ay mga doktor at maraming natutulungang tao sa mga medical programs nila. 

"Opo..." 

Sumulyap ulit ako kay Gideon ngunit hindi ko na makita ang mukha niya. Tumango si Manong bilang pagpayag.

"Kung ganoon, mauna na kami. Mag-iingat ka, neng!"

"Opo. Salamat po..." I smiled hesitantly and stood straight.

Before the window could roll up, I glanced at the backseat. It was heavily tinted so I couldn't see Gideon anymore. It's been weeks since we're on this awkward situation but we weren't in a better one to begin with. Hinayaan ko na lamang iyon. Tutal ay siya naman ang may atraso sa akin.

Kumaway ako nang tuluyan nang umalis ang sasakyan. Bumalik ako sa gate guard at tumayo agad si Theo nang makita ako. He smiled at me.

"Nakapagpaalam ka na?"

"Yup. Saan tayo pupunta?"

"I reserved us a table in a restaurant. I already pre-ordered. Is that okay?"

I chuckled. "Oo naman."

Ngumiti siya at tumango. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kung saan nakapark ang kanyang sasakyan. I don't know why my mind is flying somewhere else.

"Ako na ang magdadala ng mga libro mo..." he offered.

Napatingin ako sa yakap kong mga libro at inabot sa kanya iyon.

"Salamat, Theo..."

Nang napadaan kami sa grupo ng magbabarkada ay pahapyaw silang naghiyawan. Napawi agad ang ngiti ko at nakaramdam ng hiya. Hindi para sa sarili, kundi para kay Theo. Napatingin si Theo sa kanila. Nailang agad ako.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon