Chapter 15

4.4K 114 89
                                    

Heartbeat

I was caught off guard. I felt myself stiffen that even when the footsteps neared, I didn't move. Si Gideon na mismo ang kumalas dahil alam kong alam niyang ayaw kong makita nila kaming ganoon. Buti na lang at si Papa at Alaric lang ang dumating.

I faked a cough and stood properly. Nagkatinginan kami ni Alaric at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko magawang magreact kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

"O, nandito pala kayo!" si Papa sa nagagalak na boses.

Nakapamulsa na sumunod si Alaric kay Papa. Tumigil siya sa tabi ko at siniko ako. Nakita ko ang pagsulyap ni Gideon dahil sa ginawa ni Alaric.

"Kayong dalawa lang dito? Inaway ka ba?" he leaned closer for a whisper.

I saw Gideon's jaw move aggressively while watching us close.

"Uh, oo. Nagkataon lang. Hindi naman niya ako inaway," sabi ko kahit medyo hindi pa nakakabawi.

"E, bakit parang naestatwa ka?"

"Ayos lang ako, Alaric..."

"Naku, Senyorito! Tinulungan niyo si Morrigan magpakain? Hindi na dapat! Kaya naman na niya 'yon! Naabala ka pa tuloy! Ikaw talaga, Morrigan!"

Marahan akong kinurot ni Papa sa tagiliran. Napangiwi ako roon kaya mas lalong napaatras palapit kay Alaric. Kumunot ang noo ni Gideon.

"I helped her in my own will. She didn't ask for it," he said in a controlled voice.

Medyo nawala ako sa balanse kakailag kay Papa kaya napaatras ako at bahagyang tumama ang likod ko sa braso ni Alaric. Wala lang sa aming dalawa iyon dahil magkaibigan kami pero nagulat ako nang biglang humilig sa gitna namin si Gideon. Nahawi kaming dalawa ni Alaric at yumuko siya para abutin ang bin.

"Sorry. Kinuha ko lang ang bin," medyo suplado niyang sinabi.

Nagkatinginan kami ni Alaric. Nagpipigil siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatalon ako sa gulat nang marinig ang kalabog ng bin dahil pabagsak iyon na nilagay ni Gideon sa sahig. Maging si Papa ay napatingin doon. Naputol tuloy ang masama kong titig kay Alaric.

"Naku, Senyorito! Ako na po r'yan!" at agad siyang dinaluhan ni Papa.

Pakiramdam ko sinadya ni Gideon iyon para maputol ang titigan namin ni Alaric. Humalakhak si Alaric kaya mas lalong naging suplado ang mukha ni Gideon.

"Tutulong na rin po ako sa inyo, Tito," natatawang tinapik ni Alaric ang balikat ko bilang paalam.

Nginitian ko sila. Nagtungo ako sa lababo sa labas para maghugas na ng kamay at makauwi na lang. Gusto ko pa sanang magtigil pero dahil narito si Gideon at hindi pa ako nakakabawi, uuwi na lang ako.

I was washing my hands when Gideon hovered around me again.

"Is he your friend?"

Napakurap-kurap ako. Lumulundag talaga ang puso ko kapag malapit kaming dalawa. Kinakabahan na medyo naeexcite. Tama ba 'yon?

"Oo. Kababatang kaibigan ko. Bakit?"

Humalukipkip siya at sinandal ang baywang sa lababo. Lumundag na naman ang puso ko nang maramdaman ang titig niya sa akin.

"I'm serious with what I said earlier, Morrigan. I find you very beautiful."

I felt my heart flutter and my stomach churn all at once! Halos padabog kong napatay ang gripo dahil sa gulat sa sariling nararamdaman. Lumayo ako sa kanya at agad nang naglakad paalis. Sinundan naman niya ako.

"Bakit ka ba sumusunod? Doon ka na nga!" pasigaw kong sinabi.

"Nandito ka ba ulit bukas? This time around again?" tanong niya habang nakasunod sa akin sa ilalim ng matirik na araw.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon