Chapter 31

5.3K 106 8
                                    

Dinner

My mind went black while staring at him in feign shock. Did I just really heard him say that to me?

May hinuha na ako. Hindi naman ako tanga o manhid para hindi makaramdam. At ilang beses niya rin namang sinabi na gusto niyang makipag-reconnect kuno sa akin. Pero ang marinig na ang dahilan niya ay dahil gusto niya pa rin ako, para akong nakalutang sa hangin, hindi nga lang alam kung magaan ang pagbagsak, o malakas na naman hanggang magkapira-piraso.

Hindi siya umurong sa titig ko, bagkus ay mas mataman ang titig niya sa akin. Tila ipinapahiwatig ang sinseridad sa sinabi. I tried to fight him back through my eyes until I was the first one who looked away. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin at hindi na rin ginalaw ang pagkain habang ako'y nagmamadali na sa pagkain.

"Did you hear me? I still have feelings for you," inulit niya pa kaya mas lalo akong nataranta sa sariling nararamdaman!

For years, I thought I stopped hoping. I am not sure if I have completely fallen out of love for him over the past challenging years but one thing was for sure, I no longer hope. Isinaisip ko na hindi na siya babalik lalo pa sa kalagayan ng pamilya nila rito sa Pilipinas. Noon pa man, ayaw na niya rito at gusto niyang sa ibang bansa manirahan. I also instilled in my mind that if fate decides to play with me, I'll see him again with a new found woman.

I kept the thought that he is angry with me in my heart all those years. Hindi malayong isipin na ganoon nga dahil sa natamo ng pamilya nila dahil sa akin. I didn't directly exposed the plunder, my main reason why I confronted Don was because I was enraged about the contract against my mother. Pero hindi maipagkakailang kung hindi ko natuklasan iyon, kung hindi ko na-audit ang pera, malamang nakawala sila sa batas, at naging mga tauhan pa ng batas.

I told myself that everything I instilled in my mind and heart are nowhere impossible. It's possibility is actually quite palpable. O baka talagang isinaisip at isinapuso ko lang ang mga iyon sa kadesperahan na makalimot, at sa pagkakataong iyon, ako at ang pamilya ko naman ang unahin ko.

Kaya ngayong sinasabi niya sa akin ito, mas lalo kong nakukumpirma sa sarili na inabala ko lang ang sarili sa mga negatibong pag-iisip. Dahil alam ko na kung hindi, hanggang ngayon nagdurusa pa rin ako. Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako.

"Morrigan-"

"Yes, I heard you. What do you want me to do about it?" patuya kong sinabi.

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. I looked away again, afraid that my eyes would give me away.

"I just wanted you to know. I'm not forcing you to like me back-"

"Tapos na ako," nagmamadali kong sinabi at pinunasan na ang gilid ng mga labi.

Binitawan na niya ang mga kubyertos, wala nang balak kumain dahil sa pagmamadali ko.

"You're not done yet. Pwede namang mauna na ako."

He sighed. "Look. If you don't have feelings for me anymore, I will try my best to win you-"

Napalinga ako sa paligid at mariin siyang tinitigan nang ibalik ang tingin sa kanya. "This is not the place, Gideon. Pwede ba?"

He clenched his jaw. Tumayo na ako dahil mas lalo lamang nadedepina ang paghaharumentado ng puso ko habang tumatagal kaming magkasama. Tumayo rin siya kaya naman kahit hindi pa tapos ang mga assistant niya, napainom na sila ng tubig at dali-dali na ring sumunod sa amin.

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Tahimik kaming dalawa nang pumasok sa elevator. Sumama pa rin siya sa akin kahit sa pangkaraniwang elevator lang kami sumakay. Nang makita ng ilang empleyado na roon sumakay si Gideon, hindi agad sila pumasok at nagparaya na sa amin.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon