PROLOGUE

8 2 0
                                    

Tumingin ako sa kalangitan baka sakaling mapigilan ko pa ang luhang gusto nang kumawala sa aking mga mata pero hindi na talaga nagpapigil pa.

"Stop crying sweetheart" mahina niyang saad ngunit hindi ito nakatulong bagkus mas lalong kumawala ang sunod sunod kong luha na naging hikbi na.

Umiling ako sa kanya "Why?" wala na akong mahalilap na salita kundi bakit. Napakasakit at kung patuloy pa rin siyang magsasalita baka hindi ko na kayanin pa.

Ganito ba talaga ang magmahal? Palaging karugtong ang sakit. I taught he loves me pero bakit ganito. Sinuntok ko sa may bandang puso ko baka sakaling maibsan ang sakit.

"I said stop crying please don't hurt yourself" may halong sakit at alala sa kanyang pagkasambit ngunit binaliwala ko na lang ito dahil alam kong nagpapanggap na naman siyang may pakialam sa akin.

"What?" tanong ko "What did you say?" I asked pero patuloy pa rin ang pesteng luhang ito. "Huwag kong saktan ang sarili ko" hindi makapaniwalang sambit at tumawa na rin. Siguro kung may makakakita sa akin sasabihin nilang baliw ako dahil habang luhaan ay nagagawa ko pang tumawa "At anong gusto mo ikaw lang pwedeng manakit sa akin? Huh! Sa bawat suntok ko sa aking sarili hindi ko nararamdam ngunit sa gagawin mo isang daang sakit ang katumbas nito sa akin"

Napahilamos siya sabay gulo sa kanyang buhok ngunit hindi ito nakabawas sa kanyang kagwapohan. Sa kanyang tindig mas lalo lang siyang naging hot sa aking paningin. Napatampal na lang ako sa aking noon dahil umiral na naman ang kalandian ko. Yes malandi ako ngunit kay Ashton ko lang ito ipinapakita. "Shit! F*ck" sunod sunod niyang mira

"Please understand  If it's in the right situation hindi kita iiwan pero hindi! kailangan kong umalis kaya please huwag ka nang umiyak"

"No I don't really understand what's the f*cking problem here! I don't understand why? The reasons why you keeps on hurting me? May nagawa ba akong mali? Kasi naguguluhan ako dahil hindi mo ipinaintindi sa aking nga mabuti kung ano ang rason mo! Anong gusto mong gawin ko huh! Tatawa o di kaya naman gagawa pa ako ng surprise ganoon ba? Tatawa ako dahil ang boyfriend ko iiwan ako at hindi ko alam kung bakit! Tatawa ba ako kung ang Mahal ko ay makikipaghiwalay sa akin dahil sa S*hit niyang rason! Tatawa ba ako dahil ang kabiyak ko ay lalayo at iiwan akong luhaan dito! Tatawa ba ako kung ang isang lalaking minahal ko ng lubos ay aalis at walang kasiguraduhan kung kailan o babalik pa ba? Ganoon ba?
Alam mo bagay sayo iyang pangalan mo Ashton the Asshole!"

Pilit niya akong inaabot at may kumawala na ring luha sa kanyang mga mata "Sorry" sumamo niya "Sorry dahil kailangan kong umalis at Sana hintayin mo ako dahil kahit anong mangyari babalikan kita"

Umiling ako sa kanya "D-o-n-t" nauutal kong sambit "Huwag ka nang babalik because ONCE YOU LEAVE YOU ARE NO LONGER CONNECTED WITH ME"matigas kong saad

Napatigil siya sa kanyang paghakbang at nagulat sa kanyang narinig. I taught babawiin niya at hindi na siya aalis ngunit nagimbal ako sa kanyang sinambit "SORRY" pagkasabi niya at tumalikod na ito sa akin.

Napaupo ako dahil hindi ko na nakayanan. Napakasakit dahil ang pinangakoan mong lalaki na makakasama mo habang buhay, Yung lalaking alam mong siya na, Yung lalaking alam mong ipaglalaban ka at hindi ka iiwan ngunit nagkamali ako dahil ang lalaking nagbigay ng saya ay ang lalaki ring wawasak sa aking puso.

Two RoadsWhere stories live. Discover now