The Ex-Girlfriend

41 2 0
                                    

"I'm his ex-girlfriend whom Cj still loves"

H-ha? Did I heard her right?

Mellandi is CJ's ex.

Ano bang laban ko sakanya? Ex nya yan. Meaning he once loved her. He ONCE LOVED her. Ha! Oo nga. Ex nya lang si Mella. That was on the past.

"Eh ano naman ngayon? Ex ka lang. Kaya sana wag ka nang umeksena pa. Focus on the present please. Move on desperada!" i said

"WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA DESPERADA! HINDI MO ALAM LAHAT NG NANGYARI. WALA KANG ALAM SA PAST PARA PAGSALITAAN MO KO NG GANYAN. MAS UNA NYA AKONG NAKILALA AT MINAHAL. T-Teka, Minahal ka ba nya?" then she smirked.

Tumagos yon sa puso't utak ko. Woooah lalim. O-onga naman. Minahal ba nya ako? Oo hanggang friends. Kaibigan lang

Hindi ako nakasagot sa tanong nya dahil tama sya. Hindi ko naman alam ang mga nangyari sakanila at ang nararamdaman ni Cj.

"See? That's what I'm telling you"

bago pa sya umalis nagsalita ako.

"Mellandi. Sandali lang. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ngang nararamdaman ni Cj. Pero alam kong may parte ako sakanya. Hindi ibig sabihin nun, isusuko ko na sya. Mahal ko sya at ipaglalaban ko sya." I saw her stopped. Seryoso ako sa sinabi ko. I just.. wont.. I won't let her steal Cj

"Talaga bang hahabol ka? Fine! If that's what you want. May the best girl win" Then she continued walking away.

Naiwan ako sa garden ng nag-iisip. Iniisip ko pa din kung bakit hindi sinabi sakin ni Cj na ex nya si Mellandi. I'm his friend. Why did he kept it from me?

Madalas na nababasa, napapanuod o alam natin na lalaki ang nag-aagawan sa puso ng isang babae. Sa taong mahal nila. But in our case, it's different. Girls ang nag-aagawan sa lalaki. Haha! Come and judge me. Hindi ko naman matuturuan ang puso ko. Sabi nga sa kanta ni Ariana Grande, The Heart wants what it wants.

"Huy!"

"Ay mamaw!" Langhiya tong nanggulat sakin eh. Senti senti ako dito sa garden biglang mang-aabala. I faced backward to see who the person was.

"C-cj"

"Oh para namang nakakita ka ng multo?" he sat beside me. "Kanina pa kita hinahanap alam mo ba yun?" Huh? bakit naman kaya.

"Bakit naman?" i faced him and asked.

"Eh kase na-miss kitaaaaaaaaaa!" then he.. he hugged me. Ilang beses nadin ako niyakap ni Cj pero this one was different.

"Grabe ka naman Cj! 1 day lang yun eh." i said at tinulak sya.

"Kahit na no. Ikaw tong grabe eh. Makatulak ka naman dyan" hahahahaha! sorry kase nagsisi tuloy akong tinulak kita edi sana kayakap pa kita hanggang ngayon. hahaha

"Oo oo oo oo na. Diba nagk'klase si Ms. Gamino ngayon? Ba't nandito ka?"

"Eh kasi nga hinahanap kita. Alam kong papasok ka ngayon eh kaya hinanap kita dito sa school and good thing, i found you" he said

"Ahh~ Ok!"

Parehas nalang kaming nakatingin sa garden at hinahayaang dumapo ang hangin sa mga balat namin.

Itatanong ko na ba kay Cj yung tungkol sa kanila ni Mella?

Tatanungin ko na ba kung mahal nya ako?

Aamin na ba ako sakanya?

Anong gagawin ko! Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Gusto ko ng magpalamon sa lupa.

"Ayos ka lang ba?" Napansin nya sigurong hindi ako makapakali. "May gusto ka bang sabihin?" Eto na yun ehh. Sasabihin ko na ba talaga?

"Uhh.. Oo naman. Ayos lang ako." sabi ko nalang dahil hindi ako makapag desisyon ng maayos.

"Sigurado kaba? Ilang buwan na kitang kasama at alam kong hindi ka ayos" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Gadd Cj! Why you do this to me!?!

"Uhh.. Cj.. Kase.. Arrrgghhhh!" Hindi ko kayang aminin sakanya.

"Ano yun?" Magkahawak pa din ang kamay namin.

"I-I-I...." tumingin lang ako sa lupa at huminga ng malalim. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng kamay nya sakin.

"You what?" napaka sincere ng tono ng boses nya ngayon

"I-I-I" Hindi ko kaya..

"Come on, Choke it out" Shina-shake nya na ang kamay ko. Pinipilit na nya akong.. umamin sakanya.

"I wanna go home"

Kumalas ako sa pagkakahawak sakanya at nakita ko namang hindi sya satisfied sa sinabi ko.

Tumakbo nalang ako palayo sakanya

Heart vs. Mind [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon