The Feeling Close

51 2 0
                                    

CJ on the multi media :-)
-

Nakarating na kami ni manong sa club dito.

Syempre masakit pa din ang loob ko sa mga kaganapang nasaksihan ko. medyo malalim

Sa labas palang ay rinig na rinig mo na ang ingay na galing sa loob. Peste! Pakiramdam ko lalabas na lahat ng lamang loob ko sa tenga eh.Hindi ko alam kung papayagan ba ako ng mga guard na pumasok dyan dahil hindi pa ko 18. Tsk pake ba nila sa edad ko diba? Porket mga matatandang hukluban na sila.

It's funny pero I'm young but I've been through a lot. Masyadong excited lumandi tong puso ko. KUNG SANA KASENG HINDI NALANG NAGPAKITA SI CJ SAKEN EH. KUNG SANANG HINDI KAMI NAGING CLOSE AT NAGKAGANITO, EDI SANA WALA. NORMAL LAHAT. pero wala eh.. tapos na. mahal ko na.. ano pa ba?

May idadagdag kapa?

Wala na?

Ok

"Manong eto na bayad oh!" inabot ko na kay manong bobito yung bayad ko at bumaba na ako. Eh sa bobo at mukhang pugito tong driver? wala akong oras para makipagtitigan pa sa kanya at sa bulok nyang taxi.

Huminto muna ako sa harap ng club dahil hindi ko alam kung papayagan ba ako dito. Kaylangan kong magsinungaling para makapasok dito.

Nagsimula na akong lumakad at pumila sa mga taong papasok sa club. Inaamin ko na kadiri ang itsura ng mga ibang tao dito. Yung Iba lang naman. Mukhang mga naka high at ang iikli ng suot. Magpanty nalang kaya sila! Yung iba naman, matino yung itsura. Parang bad girl yung dating pero maayos ayos naman. Yung ibang boys mukha naman mayaman at may itsura din. Yung iba parang nakalaya lang sa preso at naisip mag club. High class naman tong club na to. Sguro panget lang talaga tong mga rich kid na to?

Baket?!

Porket mayaman dapat gwapo o maganda!?

Pwes ibahin mo sa storya ko.

De joke lang. Masakit lang talaga nararamdaman ko ngayon.

Mga emosyon ko ngayon:

lungkot

kaba

takot

sakit

paghihinagpis

paghihirap

basta malungkot ako ngayon. di lang halata.

AKO NA SIGE! AKO NG NA S'STRESS DAHIL LANG SA LALAKING ADIK SA MGA KORYANO!

Pero kaylangan kong kalimutan muna lahat ng 'yon kahit ngayong gabi lang.

Hindi ko namalayan na ako na pala ang sunod sa pila dahil lutang padin ang isip ko sa mga nangyayari at nakatulala lang ako kahit na sobrang ingay ng club.

"Miss, Ilang taon kana?" Tanong nung guard sakin.

"Uh... Pake nyo po?" tinaasan ko lang sya ng kilay. Nakita ko namang kumunot yung noo nung panot na guard.

"Mabuti pa, umalis ka nalang dito"

nagtaka naman ako. "B-bakit po?" pinameywangan ko lang sya. hehe painosente effect

"Wala. Osige pumasok kana. Mukha namang 18+ kanang bastusing bata ka" Binuksan na nya yung daan at ASDFGGHJKAKAVVSJQOAB! ANONG SINABI NYA SAKIN HA!!!!!

Naalala ko naman bigla yung linya ni Vice Ganda sa palabas nyang 'Girl Boy Bakla Tomboy'

Magamit nga! Subukan lang natin.

"BASTUSIN? AKO PANG BASTUSIN? TIGNAN MO NGA YANG ULO MO. DIBA DABAT MAY BRIEF YAN!? ANO SINONG BASTOS SATIN NGAYON?! WAG MO KONG MASAGOT SAGOT DYAN LALO NA'T MAINIT ULO KO NGAYON" bwisit na bwisit na yung guard sa akin dahilan para tumakbo na ako sa loob at magmasid masid.

Heart vs. Mind [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon