Mich ng JaMich

18 0 0
                                    

A/N: Angel on media box :)

**

"Hoy Gising!" Naramdaman ko namang may nag aalog sakin.

Masakit pa din ang katawan ko at di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dahil sa kakaiyak.

"Gumising kana sabi eh!"  May narinig naman akong parang tubig. Hindi ko pa kayang imulat ang mata ko. Masyado akong nasaktan at pagod na pagod.

*Splaaashhhh*

Binuhusan na nga nila ako ng malamig na tubig.

Kahit hindi ko kaya, iminulat ko na ang mata ko.

"Gusto mo pa pala ng wet look ah" sabi ng isang lalaki.

"Naging mas hot sya lalo pre." Sabi naman nung ikalawang lalaki.

Nasan si Mella? Kasama na nya kaya si Cj?

"Ti-tigilan nyo ko"

"Ang arte mo naman. Isang kiss lang"

"Hindi pwede! Lumayo kayo sakin!"

Naiilang na ako sa dalawang to. Lord, please. Hindi ko na kaya. Tulungan nyo po ako.

Palapit na ng palapit ang mukha nung isang lalaki sa mukha ko.

Inaatras ko naman ang sarili ko sa abo't ng makakaya ko.

Hinawakan naman nung isa pang lalaki ang mukha ko at ini-angat. "Bitawan nyo ko! Parang-awa nyo na. Maawa naman kayo"

"Pre! Bilisan mo naman. Ako pagkatapos mo"

At nagtawanan sila. Iyak na ako ng iyak dito.

Lapit na lapit na talaga ang mukha ng lalaking to sakin.

Ayoko na.

"ANGEL!!!!" Napatingin naman kami sa biglang sumigaw at nagkaroon ako ng konting pag-asa nang makita ko si France na may kasamang mga pulis.

"Angel! Anong ginawa nila sayo!?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni France.

"France.... buti dumating ka. pa'no mo nalaman na nandito ako?" Binabaklas na nya ang pagkatali ko habang yung dalawang lalaki naman na muntik nang mang-rape sakin ay inaresto na ng mga pulis.

"Hindi na mahalaga yun Angel."

"Walanghiya talaga yang Mellanding Kidnapper na yan! Pa'no nya nagawa sayo to!? Ipakukulong natin sila. Tara na!"

Pinigilan ko naman si France.

"France. Wag. Pabayaan mo nalang"

"Ano!? May sira kana ba!?"

"France. Wag mo na syang ipakulong. Sasaktan nya si Cj pag nangyari yun. Hayaan mo nalang" Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko pero ayoko talagang saktan nila si Cj.

"Si Cj parin ba ang iniisip mo!? Tignan mo nga yang itsura mo!"

"Basta france. Hayaan mo na sya. Kahit naman ipakulong natin sya, hindi na mababawasan tong sakit na nararamdaman ko."

Double meaning.

Di ko alam kung alam na ni France na niloloko lang ako ni Cj.

Nagpapakatanga nanaman ako. Alam ko na ngang niloloko ako ni Cj, ako pa din tong prinoprotektahan sya.

Mahal ko sya eh.

Minahal ko sya ng totoo.

At mahal ko pa din sya. Kaya kahit galit na galit ako sakanya, hahayaan ko nalang.

Heart vs. Mind [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon