Tangina Naman

12 1 0
                                    

Nakaramdam ako ng sakit sa katawan na dahilan para imulat ko ang mata ko. "Shit. Ang sakit ng katawan ko"

Pagkamulat ng aking mata, salamin ang tumambad sa harap ko.

"A-ako ba yan?" Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Yumuko nalang ako at hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko. "A-anong ginawa n-nila sakin?"

Hinang-hina ako. Hindi ko alam kung sinong gumawa nito sakin at kung ano pang ginawa nila sakin.

Cj, kailangan kita. Nasan ka na ba?

3rd Person's POV

Nasa isang silid si Angel na kung saan nakagapos pareho ang kanyang kamay at paa.

Hinang-hina sya at iyak lang ng iyak habang nakayuko.

May bugbog sya sa kanang pisngi at  sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang labi. Nakakaramdam din sya ng sakit mula sa kanyang likod. May sugat at galos din sya sa kanyang mga braso at kamay na parang walang-awang pinagbubogbog. Punit din ang kanyang damit na dahilan para mag-isip sya na pinagsamantalahan sya.Ginupit din ang kanyang buhok at gulo gulo ito.

Sobrang nakakaawa ang itsura niya ngayon. At halatang halata na sobrang nasasaktan na din sya.

Angel's POV

"T-tulungan nyo ko. Parang-awa nyo na" Iyak nalang ang tangi kong magawa dahil hindi ko kayang kumawala sa pagkagapos ko.

"Boss, gising na po yata sya" sabi ng isang lalaki na palagay ko nasa labas ng kwartong to.

"Putangina nyo kapag nalaman ko kung sino kayo" Pabulong kong sinabi.

"Tara, puntahan na natin sya" Isang babae naman ang nagsalita.

T-teka? May kaboses sya.

Inangat ko ang ulo ko dahil bumukas ang pinto.

Dalawang lalaki ang tumambad at..

at... sya..

"Ba't mo ginagawa sakin tong lamang dagat ka? Kapal na ng bigote mong hipon ka."

Lumapit sya sakin nang nakangisi.

"Akala mo ba talaga mahal ka nya ha?"

"M-mellandi.. Anong ibig mong sabihin?"

Sinampal naman nya ako ng malakas. Ayoko na. Pagod na ako. Awang-awa ako sa itsura ko ngayon. Para akong batang inaapi-api lang. Hindi ako makaganti.

"Ang tapang mo ah. Ganyan na nga itsura mo, Mellandi parin tawag mo sakin?"

Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong sasaktan nya ulit ako. Takot na takot na ko.

"Kawawa ka naman Angel. Wala kang kakampi. Nag-iisa ka nalang. Walang liligtas sayo" Sabi nya habang hinahaplos haplos ang buhok ko.

"Nasan si Cj? Anong ginawa mo sakanya?"

Tumawa naman sya. "Angel naman, ganyan ka na ba kabobo? Hindi mo ba alam na ikakasal na kami? Lahat ng ginagawa nya sayo, Hindi totoo. Planado lang ang lahat. Hindi ka nya mahal at naaawa lang sya sayo. Wag ka ng-"

"MELLA!" Pinutol ko sya dahil sobrang nasasaktan ako sa mga sinasabi nya. "Pwede ba! Wag mo kong lokohin. Saktan mo nalang ako, wag mo lang sabihin yang mga salitang yan....." Hindi ko napansin na umiiyak nanaman pala ako. "Mella, please....." Iyak lang ako ng iyak.

"Aww. You really are pathetic darling. But I'm not fooling you. I'm telling the truth."

"N-no you're not. He loves me. He truly loves me"

Heart vs. Mind [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon