Kabanata tatlo

151 28 43
                                        

Ilang araw na ako dito pero hindi pa umuuwi yung lalaki may ari nang bahay nato, napagpasyahan kong lumabas nang bahay, binuksan ko ang pinto hahakbang sana ako nang mapagtanto ko na nasa itaas ako, nasa puno ang bahay nya, hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabi sa isip ko si spiderman at ginaya ko sya pababa, naglakad lakad ako ang ganda talaga sa lugar na to pero masasabi mo ring creppy sya ang lalaki nang mga puno dito, siguro dito tumitira yung mga magnanakaw nag tatago dito para hindi mahuli wait...... hindi naman siguro magnanakaw yung may ari nang bahay nato, gwapo sya, walang gwapong magnanakaw tama wala.

" Bat ka nandito "

" whaaaaaa !!! "

" huh? "

" para ka kasing multo bigla kang lumilitaw "

Hindi nya pinansin ang sinabi ko naglakad sya palayo sa akin kaya sinundan ko sya hindi ko nga alam tong lugar kaya hindi ako mag iinarte, gusto ko malaman ang pangalan nya pero may pagka snobber to at cold alam mo yun akala nya si jessica jung sya, bigla syang huminto sa paglalakad na kaya napahinto rin ako.

" bakit ta--- "

Tinapkan nya ang bibig ko na parang bang may paparating na kung ano, hinawi nya ang malaking dahon na nakaharang malapit sa mukha nya at sumilip sya nakarinig ako nang kakaibang tunog, bigla syang nagtago na ikinaba ko nakarinig ako nang hakbang papalapit sa amin binitawan nya ako at may nilabas sa likod nya, isang patalim pag kasilip na pagkasilip nang kung sinong tao ay agad sinungaban ni may ari nang bahay, tinapat nya ang kutsilyo sa leeg nito.

" bat ka nandito "

" na---nakatira ako dito "

" saan ? "

" Ila---ilayo mo sa akin ang iyong patalim at sasamahan kita sa aming bahay "

Binitawan nya ang lalaking matanda nasa 70plus na siguro, hinila nya ako naparang sinasabing sumama ako kaya ginawa ko nakarating na kami sa bahay nang lakaki maganda sya gawa sya sa mga coconut at ipa bang mga balat nang prutas pwede pala gumawa nang bahay sa balat nang prutas, pumasok kami sa loob nito infairness hindi amoy prutas sa loob, nilibot ko ang aking mata na pahinto ako nang maaninag nang mata ko ang isang litrato nilapitan ko ito.

" ser, pamilya nyo po ito ? "

" ay oo namatay sila sa labanan "

" labanan ? "

" hindi moba alam, nag karoon nang labanan dito sa lugar nato dalawang taon na ang nakalipas namatay ang pamilya ko sa labanan at ang kasama mo ang nagligtas sa amin"

Dahil sa narinig ko na mangha ako sa lalaking kasama ko, gusto ko rin itanong kung bakit pero prutas ang nasabahay nila siguro mahilig sa prutas asawa nya or mahilig sila sa kantang bahay kubo, maggagabi na napag pasyahan nang lalaking kasama ko na umuwi na, nag lalakad na kami pauwi.

" a----ano pala pangalan mo ? "

" suho "

" su----suho !? "

Hindi nya sinagot ang tanong ko grabe kapangalan nya si suho nang exo ang swerte nya naman ang gusto ko pangalan Suzy Bae idol na idol ko sya pero pag nag ka anak ako ipapangalan ko sa anak ko ay Zico tapos ang ikakanta ko sa kanya pag matutulog na HER nakooo kinikilig ako.

" akyat na "

" paano ? "

Tinuro nya ang hagdan na nakapatong sa bahay nya may hagdan pala hindi man lang sinabi sakin nag mala spiderman pa ako kanina, umakyat na ako hinintay nya pa ako maka pasok sa bahay bago sya umakyat baka kasi masilipan nya ako walang lalaking perv kaya nag iingat na ako, nagluto sya nang makakain namin infairness lang sa kanya hindi sya taong gubat at ang mga sinusuot nya hindi pang taong gubat alam nyo yung bahag hindi ganun hindi rin naman formal alangan naman mag amerika sya dito sa gubat, nilapag nya ang niluto sya sa hapag kainan.

" grabe pala ang galing mo niligtas mo tong gubat "

" hindi ito gubat "

" Huh "

" Formosa Paradise ang tawag sa lugar nato "

" ahh ganun ba sorry, ilan taon gulang ka nang makarating ka dito ? "

" nung bata pa ako "

" so, dito ka nakatira ? madaring nakatira dito bukod sa lalaki kanina ? "

" oo, manahimik kana "

Nag peace sign ako, at kumain na grabe kasing galing nya si xiumin sa pagluluto siguro kung nakatira lang tong lalaki to sa south korea pwede syang maging kpopstar or chef, na alala ko tuloy na pwede ako mag audition sa sm ent or yg kung hindi lang nasira yung penyetang helicopter nayun nakakainis lang talaga pero sa dulo nang utak ko may nag sasabing destiny ang tawag dito kaya nandito ako, pinagpatuloy ko ang pagkain ko at pagkatapos natulog na ako.

Hindi ko alam kung anong oras na wala man lang orasan dito, naka amoy ako nang masarap na pagkain sigurado ako si suho yung nagluluto,lumabas ako nang kwarto at sya nga, kumain na kami pagkatapos ko kumain naligo na ako at nag tooth brus infairnass sa lugar nato may tubig at may toothbrus grabe sosyal, pagkatapos ko maligo naghanap ako nang damit na magagamit wala punit punit ung damit at short ko bra at panty lang ang ayos at pag minamalas ka nga naman 3 bra at 3 panty nalang ang natira grabe nagtira pa, hiniram ko nalang ang damit at short ni suho, lumabas na ako nang kwarto.

" alam mo nahihiya ako sayo kasi alam mo nung nasa syudad pa ako ang dami nagkakagusto sa akin siguro naiilang ka sakin kasi naka suot ako nang panglalaki "

" alam mo para kalang magandang puno kahit maganda ka dadaan kalang "

At binalik nya ang tuon nya sa ginagawa nya kanina, grabe ako isang puno ? Huh, sa ganda kong to puno ako padabog akong bumalik sa kwarto grabe sya kung ako puno sya dahon dikit sya nang dikit sakin, akala mo kung sino pwerket ba pinatira nya ako dito sa bahay nya pwest, lalayas ako dito, malaki akong kawalan no, paano kung magluto sya nang marami sino kakain pwest magsisi sya, kumuwa ako nang damit nya at nilagay sa maleta ko, hinintay ko muna syang umalis bago ako umalis nakapagtataka bat ba sya lagi umaalis nag shoshoping ? Nag mamarket ? Sus akemi kailan pa nag ka market sa gubat ay hindi pala gubat sa paradise.

Formosa ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon